14 July 2023

Tilas

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tilas
Tilas
Kami'y maliliit pang bata noon, sa aming tabing bahay naman ay may puno ng talisay... yun ay kung tawagin namin ay mag-asawang talisay dahil magakatuwangan baga. Ang Mamay naman ay malimit na napunta sa amin at kami'y isinasama sa linang para magbungkal ng lupa. Ang tatay naman noong panahong iyon ay hindi naman kasama at nag-abroad na maliliit pa la'ang kami kaya ang Mamay ang tumayong tatay namin. Sya ang nasupil sa amin pag kami'y sutil. Maipar'on ko ulit sa puno ng talisay na are ay baken baga ito'y kami'y naglalaro ng aking mga pinsan ay akala ko nama'y balat ng kahoy yu'ong nakabalot sa puno at halos kakulay ng balat ng talisay eh, ay yun pala'y puro tilas na. Nakakakilabot baga ang itsura ng aking mapagmasdan... pagsadami. Halos mula sa puno hanggang sa padulo ay puro tilas ang nakakapit. Ang mamay nama'y nakakuha ng isang palapang ng niyog na tuyo na, karaka'y nabigkis ang mga dahon at nasindihan ang dulo ay di pakakuwa'y li'ab agad... yan ga ngang tuyong tuyo na ang mga dahon... at syang iniupong sa puno ng talisay, ay di makikita mong patakan ang mga tilas. Pagkakadami, nakakakilabot talaga. 

No comments:

Post a Comment