16 July 2023

Tinutong

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tinutong
Tinutong
Areng tinutong na garne ay natatandaan ko pa na kapag may lipatan ng bahay sa amin ay kaagad agad na gagawa ang Tiya Tinay ng garneng tinutong... Alam ga ninyo are kung anong lahok? Are'y bigas na malagkit, tapos balatong na isinangag ng kapulahan, yng kalutungan baga na kapag dinurog at iyong tinikman ay hindi mapait... tapos gata ng niyog na bago pa kinayod na nanghingi muna sa kahanggan at baka pag basta kumuha'y maasbaran.😅😅 Ay yun na... pag naluto na'y kagad agad ay maglalagay sa tukil ng isang puno at iyo'y iuunang iakyat sa bahay na lilipatan at yun ay kung hindi nakasabit sa palupuhan ay nasa isang sulok na hinding hindi maiibo ng kahit na sino... ay awan ko baga kung anong ibig sabihin noon at bakit ga iyo'y karaka'y may papagay'on pang nalalaman... alam mo naman ang mga matatanda.. napakadaming pamahiin... ay sa inyo ga.. anong ginagawa pag lipatan ng bahay?

No comments:

Post a Comment