Showing posts with label What We Miss In Batangas. Show all posts
Showing posts with label What We Miss In Batangas. Show all posts

16 September 2013

What We Miss In Batangas


Bilang isang tunay na Batangueño na nagtatrabaho sa ibang bansa o kaya ay naninirahan na sa ibang bansa, ano ang mga bagay na iyong naaalala at nami-miss noong ikaw ay nasa iyong mahal na lalawigan. Kung kayo naman ay hindi Batangueño at kayo ay minsan ng napasinsay dine sa Batangas, ano ang mga bagay na inyong nagustuhan at nami-miss at gustong gusto ninyong balikan ngayon. Halimbawa, sa pagkain.... anong pagkain ang inyong gustong gusto at miss na miss na ninyo sa Batangas. Para sa akin, ang sinaing na tulingan ang isa sa mga nami-miss ko ng husto. Ay sagana sa atin nuon. Kung paano gawin at kung papaano ihanda ay akin ngay-on sa inyong ipagbabaybay.


Sinaing na Tulingan

1. Gumising ng maaga, pumunta sa palengke at mamaraka ng isang kilong tulingan. Samahan na rin ng ilang guhit ng tuyong kalamyas o kaya naman ay tuyong sampalok. Kung sampalok ang inyong ipapaasim, piliin ang tuyong sampalok na may but-o. Tandaan na ang but-o ng sampalok kapag kasama sa sinaing na isda ay napakasarap pang-utin kapag malambot na.... maligat-ligat baga.



2. Umuwi sa basaysay. Ihanda ang palyok at abuhan. Linisin ang tulingan. Tanggalin ang hasang at lamang loob kung hindi kagandahan ang inyong nabarakang tulingan. Gatlaan ng pahaba ang gitna ng tulingan. Piyautin ng dahan dahan na may kasamang asin... mas malapad, mas mainam.



3. Kuhanin ang palayok, palitadahan ng paklang ng saging o kaya naman ay dahon ng saging na saba ang ilalim bago ilagay ang tulingan. Ito'y para hindi masupok ang tulingan. Pwede ring lagyan ng murang nangka ang ilalim bago ilagay ang tulingana o kaya naman ay taba ng baboy para mas malasa. Isahog ang mga pampalasa tulad ng ginayat na luya, sili kung ang ibig ay maanghang-anghang ng kaunti, at saka bawang. Pwede ring haluan ng kaunting dinurog na paminta. Huwag kakalimutan ang tuyong kalamyas o kaya ay tuyong sampalok.


4.Isalansan na ang tulingan....Ayusin ang pagkakalapat at ng maging maganda ang pagkakaluto. Tubigan.

5. Magparikit ng apoy sa abuhan.... sabay salang. Dubduban ang gatong sa hanggang sa kumulo pagkakuwa'y pahinaan ang apoy... alalaon baga'y tanggalan ng ibang gatong at hayaan ng paayang-ayang hanggang sa magpatis. Mas matagal sa apoy na paayang-ayang mas maganda at mas masarap ang pagkakaluto. 

6.Tikme ngay-on. Pag ang tinik ay malambot na at sa lasa baga'y hindi na makakabitig... iyan ay handa na.


7. Ahunin na at ibitin sa palupuhan ng hindi maisahan ng pusang laog.

8. Mamahaw at napakasarap nyan lalo na at may pinisang kamatis sa patis. Ah ah ay makakapanabig ng kahanggan.

Are naman ang pagsasalin sa English. Pagpasensyahan pero palagay ko naman eh mauunawaan din.

As a Batangueno working abroad or living in the other country, what do you remember and miss when your still in our beloved province? Or even if your not a Batangueño and your already been here one time, what are the things that you liked most and missing and really want to come back with? Are you missing some kind of food? Places? 
For me, what I really miss is the "Sinaing na Tulingan" or "Well Cooked Tuna Mackerel". This kind of fish is really abundant in our province. I will tell you now how to do it and to cook it.

Sinaing na Tulingan

1. First you need to wake up early in the morning to go to the market to buy one kilo of tuna mackerel. Also buy some gram of "kalamyas" I really don't know it in English and/or dried tamarind with seeds.

2. Come home and prepare your clay pot and the stove. Clean the tuna mackerel, take out the gills and the intestines. Make a deep elongated cut in the middle of the fish. Press it with salt until it became flat. The more it will be flatted the better.

3. Now get the clay pot and put banana stalk or banana leaves in the bottom of the pot. This will protect the fish to get burn in case the water will finished. As alternative of banana stalk, you can put also baby jack-fruit. Just take out the skin and cut it into big pieces and then put it inside the pot. You can add pork fat to make it tastier. Put inside all the ingredients like ginger, garlic and hot chile if you want it a little bit hot. Don't forget the "kalamyas" or the dried tamarind.

4. Now put the tuna mackerel inside the pot. Put water until the top of the fishes.

5. Open the fire and put the pot on it until the water will boil then lower the fire until some of the water will be evaporated. The more it will be on fire, the better and it will be tastier. In this process, the juice of the fish will mix with the water creating a salty, fishy sauce. 

6. Now taste it. If you noticed that the bone of the fish is really tender and can be eaten already.... then the fish is ready.

7. Take it out from the fire and put it in place that your cat can't still it.

8. Take out your cold rice and put in the plate. The sauce is very good specially if there are cut tomato in it.