Showing posts with label sinaing na tulingan. Show all posts
Showing posts with label sinaing na tulingan. Show all posts

10 October 2020

Sinaing Na Tulingan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sinaing Na Tulingan
Sinaing Na Tulingan
Sa tunay na mga 
Batangueño areng garneng sinaing na tulingan ay talaga namang ulam na.. Pag ang Inay ay namaraka sa Bagong Palengke ng Batangas City, asahan mong pag uwi niya ay may dalang pangsaing na tulingan... Ang saingan naman namin ay palyok na gawa pa ng Nanay Impo. Mana pa namin yuon eh sa Nanay Impo namin kaya ingat na ingat ang Inay pag hinuhugasan yuon at baka mabasag ay antik na... Ang gagaw-in ng Inay ay lilinisin muna ang tulingan, tatanggalan ng apdo at iyon daw ay mapait pag napasama sa sinaing... yung mga binubong, atay at puso naman ay hirang na hirang ng Inay at ipon sa isang lalagyan lalo na't ang tulingan ay sariwa tapos lalo na't itlugin... ah-ah... ang lahat ng mga lamang loob na yun ay isinasama niya sa sinaing tapos gagatlaan na niya ng pahaba sa gitna ang tulingan sabay pirat na may kasamang asin... tapos ang gagaw-in pa ng Inay pag may taba ng baboy ay sasapnan ang ilalim ng palayok bago ipatong ang isda, pero pag wala namang taba ay kukuha ang tatay ng isang murang nangka at yun ang tatalupan at gagayatin ng malalaki at yun ang isasapin sa ilalim pero pag wala naman ay ayos din, kaiigi na rin pag nasukaan ng kalamyas na tuyo o kaya ay sampalok na kipil... yun nama'y may pag-i-pag-itang dahon ng saging para hindi magkapit kapit... tapos maghapon na iyong gagatungan hanggang sa maging halpok ang tinik...

Ah-ah ay tunay ka namang walang katapon tapon pag kinain, pati tinik ay ano gang pagkakalambot. Pagnakailang araw na ay sya, susungkit na ang tatay ng niyog sa aming balisbisan ng bahay at maggagata na ng sinaing na tulingan... Ako nama'y ang aking paborito ay sinaing na ipiprito ng malutong... Ay tunay ka namang dakmusan sa pagkain, hindi masarap pag nakakutsara, kailangan ay sakol o nakakamay... Lalo na't tag paho at may sibuyas na tagalog... ah-ah ay sya habi at makakapanabig ng kahanggan, sabi nga sa amin pag masarap ang kain...

08 April 2020

Pagkatapos ng Quarantine

Pagkatapos ng Quarantine
Pagkatapos ng Quarantine
Ay hibi, pakilasa ko’y laglag ang petals mo dine... tigas titig ka na laang sa mga pangkalahatan bayarin...
Babayad ng kuryente, telepono, tubig... ay anhin ko ang tubig at kami’y may ayuda ni Kapitan, wala ng natulong tubig sa gripo eh.. ay di hanggang sa igib na laang... hindi na nga makahambo ng maayos ayos eh... Paano gang hindi aatungal ng lagay na are...
Sa pagkakabanas pang are ng panahon... Ay di ga’y parang lagi kang amoy sinaing na tulingan nareng lagay na are...

Suskupo Rudeh!!! 

Pagkatapos ng Quarantine

16 September 2013

What We Miss In Batangas


Bilang isang tunay na Batangueño na nagtatrabaho sa ibang bansa o kaya ay naninirahan na sa ibang bansa, ano ang mga bagay na iyong naaalala at nami-miss noong ikaw ay nasa iyong mahal na lalawigan. Kung kayo naman ay hindi Batangueño at kayo ay minsan ng napasinsay dine sa Batangas, ano ang mga bagay na inyong nagustuhan at nami-miss at gustong gusto ninyong balikan ngayon. Halimbawa, sa pagkain.... anong pagkain ang inyong gustong gusto at miss na miss na ninyo sa Batangas. Para sa akin, ang sinaing na tulingan ang isa sa mga nami-miss ko ng husto. Ay sagana sa atin nuon. Kung paano gawin at kung papaano ihanda ay akin ngay-on sa inyong ipagbabaybay.


Sinaing na Tulingan

1. Gumising ng maaga, pumunta sa palengke at mamaraka ng isang kilong tulingan. Samahan na rin ng ilang guhit ng tuyong kalamyas o kaya naman ay tuyong sampalok. Kung sampalok ang inyong ipapaasim, piliin ang tuyong sampalok na may but-o. Tandaan na ang but-o ng sampalok kapag kasama sa sinaing na isda ay napakasarap pang-utin kapag malambot na.... maligat-ligat baga.



2. Umuwi sa basaysay. Ihanda ang palyok at abuhan. Linisin ang tulingan. Tanggalin ang hasang at lamang loob kung hindi kagandahan ang inyong nabarakang tulingan. Gatlaan ng pahaba ang gitna ng tulingan. Piyautin ng dahan dahan na may kasamang asin... mas malapad, mas mainam.



3. Kuhanin ang palayok, palitadahan ng paklang ng saging o kaya naman ay dahon ng saging na saba ang ilalim bago ilagay ang tulingan. Ito'y para hindi masupok ang tulingan. Pwede ring lagyan ng murang nangka ang ilalim bago ilagay ang tulingana o kaya naman ay taba ng baboy para mas malasa. Isahog ang mga pampalasa tulad ng ginayat na luya, sili kung ang ibig ay maanghang-anghang ng kaunti, at saka bawang. Pwede ring haluan ng kaunting dinurog na paminta. Huwag kakalimutan ang tuyong kalamyas o kaya ay tuyong sampalok.


4.Isalansan na ang tulingan....Ayusin ang pagkakalapat at ng maging maganda ang pagkakaluto. Tubigan.

5. Magparikit ng apoy sa abuhan.... sabay salang. Dubduban ang gatong sa hanggang sa kumulo pagkakuwa'y pahinaan ang apoy... alalaon baga'y tanggalan ng ibang gatong at hayaan ng paayang-ayang hanggang sa magpatis. Mas matagal sa apoy na paayang-ayang mas maganda at mas masarap ang pagkakaluto. 

6.Tikme ngay-on. Pag ang tinik ay malambot na at sa lasa baga'y hindi na makakabitig... iyan ay handa na.


7. Ahunin na at ibitin sa palupuhan ng hindi maisahan ng pusang laog.

8. Mamahaw at napakasarap nyan lalo na at may pinisang kamatis sa patis. Ah ah ay makakapanabig ng kahanggan.

Are naman ang pagsasalin sa English. Pagpasensyahan pero palagay ko naman eh mauunawaan din.

As a Batangueno working abroad or living in the other country, what do you remember and miss when your still in our beloved province? Or even if your not a Batangueño and your already been here one time, what are the things that you liked most and missing and really want to come back with? Are you missing some kind of food? Places? 
For me, what I really miss is the "Sinaing na Tulingan" or "Well Cooked Tuna Mackerel". This kind of fish is really abundant in our province. I will tell you now how to do it and to cook it.

Sinaing na Tulingan

1. First you need to wake up early in the morning to go to the market to buy one kilo of tuna mackerel. Also buy some gram of "kalamyas" I really don't know it in English and/or dried tamarind with seeds.

2. Come home and prepare your clay pot and the stove. Clean the tuna mackerel, take out the gills and the intestines. Make a deep elongated cut in the middle of the fish. Press it with salt until it became flat. The more it will be flatted the better.

3. Now get the clay pot and put banana stalk or banana leaves in the bottom of the pot. This will protect the fish to get burn in case the water will finished. As alternative of banana stalk, you can put also baby jack-fruit. Just take out the skin and cut it into big pieces and then put it inside the pot. You can add pork fat to make it tastier. Put inside all the ingredients like ginger, garlic and hot chile if you want it a little bit hot. Don't forget the "kalamyas" or the dried tamarind.

4. Now put the tuna mackerel inside the pot. Put water until the top of the fishes.

5. Open the fire and put the pot on it until the water will boil then lower the fire until some of the water will be evaporated. The more it will be on fire, the better and it will be tastier. In this process, the juice of the fish will mix with the water creating a salty, fishy sauce. 

6. Now taste it. If you noticed that the bone of the fish is really tender and can be eaten already.... then the fish is ready.

7. Take it out from the fire and put it in place that your cat can't still it.

8. Take out your cold rice and put in the plate. The sauce is very good specially if there are cut tomato in it.