Naala-ala ko tuloy pag nasintahan naming magbarik kahit katanghaliang tapat, nakuw... tirik ang araw ay tirik din ang mata dahil sa kalasingan. Minsa'y nagtitiwarik na sa pagkaka-ungkot sa barikan, pag hindi tiwarik eh sungaba ang inaabot...Baken ga ito'y palagi rin namang nabarik eh akala mo'y palaging sabik at pag nakatan-aw ng alak eh, natulo ang kayat, naglalaway na akala mo'y bang-aw. Minsa'y kahit sipol ang pulutan ay pandaleng pandale. Hind naman ako yun... mga kabarikan ko yun...pero minsa'y gay-on din buti na nga laang at napalaot ng lawig, napalayo na sa mga gay-ang bisyo. Nakakamiss din pero palagay ko'y hindi ko na uulitin ang mga gay-ong bagay. Pag napasinsay ulit siguro ako sa ami'y tama na sa akin ang timus, dahil dine'y hindi naman sasabihing hindi nakakatikim ng alak... naka-kupita pa nga pag iniinom...
Ang pinakakinasasabikan ko ngay-on ay ang mga huntahang walang kaumay-umay, barkadahang yagyag buwik pag naisipang mag-stroll ay kung saan saan na rin nga mapasulangot , ang hilhilang walang kapantay, mga biruang nauuwi sa totohanan at ang mga hagalpakang hinding hindi mababayaran. Ah ah.... tamang kainaman....
Saka ko na laang isasalin are sa English, baken baga ako'y parang natuyuan ng utak... walang pumasok sa kukute eh.... hirap ga nitong inaalituhan ng ganitong pakiramdam... oh homesick... layuan mo akoooooooo.... sapat na ang minsa'y dinalaw mo ako!!!!!!!