Showing posts with label barik. Show all posts
Showing posts with label barik. Show all posts

14 October 2020

Nagtatawag ng Uwak

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, nagtatawag ng uwak
Nagtatawag ng Uwak
Are pa ang isang anaki'y buaya sa katihan... ah-ah, ay pagsagaling bumarik at arak na arak yun naman pala ay hindi kaya... Nakasinghot laang ng amoy ng alak ay nalasing na. Aba'y ginawa ng pahingahan ang kubeta eh. Sa amin ay pagsadami namang garne... yun gang arak na arak babarik, pag nakainom naman ng ilang shot ay sya plakda na at nagtatawag na ng uwak... ang masama pa nito'y dadating sa iyong balisbisan at dadayo daw ng huntahan. Baken ga ito'y mamaya maya'y magpaparamdam na at ang sabi agad eh, mas masarap daw magyabangan pag may nakatulay na bilog sa gitna ng lamesa. Ay di ako nama'y karakaraka'y nagpabili nga... sugo ko ang aking pamangkin at syang mabilis bilis tumakbo... aba ay akalain mong nang may nakatulay ng bilog sa gitna at naguumpisa ng bumarik ay karaka'y ang sabi'y ah ah ay kahirap ika nitong ang pulutan ay pinut___ng in_... (ay kaya gay'on eh pagkakashot ay sigaw na ng "put___g in_" dahil matapang ang iniinom...) wala ga ikang mapupulutan diyan... Ay ako'y iling eh... sabi ko'y may tigas din nga are ng mukha... Ay di ako naman dahil sa ako'y mapakisamang tawo, ay sabi ko kay kumander eh... lutuih ang itlog diyan ay iyong isuam. damihan mo na la'ang ng paminta at ng hindi agad maubos ng mamumulutan... Ay tunay naman nga... ah ah.

23 September 2013

Homesick

Ilang taon na rin nga pala ako dito sa ibang bansa... Kulang kulang dalwampung taon na rin nga pala eh... kakabilis din nga ng panahon. Parang kailan laang ng lumawig ako dito sa Israel... Pasibuhat noong 2005 iisang beses pa akong napasinsay sa basaysay namin sa Batangas City. Kadami ng mga bagay ang nagbago sa aming lugar eh... Meron na ngay-ong SM, mayroon na ring Robinson sa Lipa... Ah ah... pakiwari ko'y maliligaw na ako pag umuwi ulit sa amin... baka hindi ko na matukoy ang paamin. Nami-miss ko na rin ang aking Inay, ang Tatay, ang sinaing na tulingan na nooy aking kinaiinisan dahil iyu't iyon din laang ang pang-ulam...ay pag pala napalayo ka at di mo nakikita ay talaga palang mami-miss mo.

Naala-ala ko tuloy pag nasintahan naming magbarik kahit katanghaliang tapat, nakuw... tirik ang araw ay tirik din ang mata dahil sa kalasingan. Minsa'y nagtitiwarik na sa pagkaka-ungkot sa barikan, pag hindi tiwarik eh sungaba ang inaabot...Baken ga ito'y palagi rin namang nabarik eh akala mo'y palaging sabik at pag nakatan-aw ng alak eh, natulo ang kayat, naglalaway na akala mo'y bang-aw. Minsa'y kahit sipol ang pulutan ay pandaleng pandale. Hind naman ako yun... mga kabarikan ko yun...pero minsa'y gay-on din buti na nga laang at napalaot ng lawig, napalayo na sa mga gay-ang bisyo. Nakakamiss din pero palagay ko'y hindi ko na uulitin ang mga gay-ong bagay. Pag napasinsay ulit siguro ako sa ami'y tama na sa akin ang timus, dahil dine'y hindi naman sasabihing hindi nakakatikim ng alak... naka-kupita pa nga pag iniinom...

Ang pinakakinasasabikan ko ngay-on ay ang mga huntahang walang kaumay-umay, barkadahang yagyag buwik pag naisipang mag-stroll ay kung saan saan na rin nga mapasulangot , ang hilhilang walang kapantay, mga biruang nauuwi sa totohanan at ang mga hagalpakang hinding hindi mababayaran. Ah ah.... tamang kainaman....

Saka ko na laang isasalin are sa English, baken baga ako'y parang natuyuan ng utak... walang pumasok sa kukute eh.... hirap ga nitong inaalituhan ng ganitong pakiramdam... oh homesick... layuan mo akoooooooo.... sapat na ang minsa'y dinalaw mo ako!!!!!!!