|
Sinaing Na Tulingan |
Sa tunay na mga Batangueño areng garneng sinaing na tulingan ay talaga namang ulam na.. Pag ang Inay ay namaraka sa Bagong Palengke ng Batangas City, asahan mong pag uwi niya ay may dalang pangsaing na tulingan... Ang saingan naman namin ay palyok na gawa pa ng Nanay Impo. Mana pa namin yuon eh sa Nanay Impo namin kaya ingat na ingat ang Inay pag hinuhugasan yuon at baka mabasag ay antik na... Ang gagaw-in ng Inay ay lilinisin muna ang tulingan, tatanggalan ng apdo at iyon daw ay mapait pag napasama sa sinaing... yung mga binubong, atay at puso naman ay hirang na hirang ng Inay at ipon sa isang lalagyan lalo na't ang tulingan ay sariwa tapos lalo na't itlugin... ah-ah... ang lahat ng mga lamang loob na yun ay isinasama niya sa sinaing tapos gagatlaan na niya ng pahaba sa gitna ang tulingan sabay pirat na may kasamang asin... tapos ang gagaw-in pa ng Inay pag may taba ng baboy ay sasapnan ang ilalim ng palayok bago ipatong ang isda, pero pag wala namang taba ay kukuha ang tatay ng isang murang nangka at yun ang tatalupan at gagayatin ng malalaki at yun ang isasapin sa ilalim pero pag wala naman ay ayos din, kaiigi na rin pag nasukaan ng kalamyas na tuyo o kaya ay sampalok na kipil... yun nama'y may pag-i-pag-itang dahon ng saging para hindi magkapit kapit... tapos maghapon na iyong gagatungan hanggang sa maging halpok ang tinik...Ah-ah ay tunay ka namang walang katapon tapon pag kinain, pati tinik ay ano gang pagkakalambot. Pagnakailang araw na ay sya, susungkit na ang tatay ng niyog sa aming balisbisan ng bahay at maggagata na ng sinaing na tulingan... Ako nama'y ang aking paborito ay sinaing na ipiprito ng malutong... Ay tunay ka namang dakmusan sa pagkain, hindi masarap pag nakakutsara, kailangan ay sakol o nakakamay... Lalo na't tag paho at may sibuyas na tagalog... ah-ah ay sya habi at makakapanabig ng kahanggan, sabi nga sa amin pag masarap ang kain...