10 October 2020

Tsaynis Garter O Chinese Garter

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tsaynis Garter O Chinese Garter
Tsaynis Garter O Chinese Garter
Noong kaliliitan pa namin, ang aking kapatid na babae ay pagsagaling namang maglaro nare... at kahit na ako ay lalaksot, ay baken baga paminsan minsan ay ako'y naiengganyong maglaro nare... Magpapatambling tambling pa paminsan minsan maabot laang ang garter na napakataas pag yung nasa final na taas na, yun bagang medyo itinitiad na ang mga paa para laang mapataas ng mataas ang garter na binanat... Ay ako naman'y pag sa galing tumambling noong ako'y maliit pa at yan ga namang ang aking kataw-an ay payatin, ay di gay medyo malutang ako kung lumukso... Kaya palagi kong naii-save yung aking mga kalampi...

Ako nama'y tuwang tuwa kapag ako'y niyayakag na maglaro nare... dahil kalimitan sa aming mga kalaro ay mga nakapalda laang, alah, ay di gay dala na ang paninilip.... 

Ah-ah ay pag naaala-ala ko areng larong are ay ako'y napapaumis na laang mag-isa... Naala-ala ko ang aking kapilyuhan noong ako'y maliit pa.

No comments:

Post a Comment