Ginawa ko na ang aking alam sa paghalik ay hindi pa rin magising areng “Sleeping Beauty” na are...
Ang alam ko ayon sa aking nabasa ay kailangan laang ng isang halik eh, hindi nga laang iisa ang aking ibinigay at maigi-ige na yuong sigurado kaya dinalwa ko na, ay baken baga ayaw pa ring magising?
Garne na laang ang gagaw-in ko, kukuryentehin ko ito... sa paa.
Pag hindi pa ito nagising ay yaeh na... Diyan ka sa gubat... Ay paanhin...
Bugnot na bugnot na nga ako at pamihadong hinahanap na rin ako sa amin.
Inabot na ako dine ng dilim ay garine pa rin ang itsura.
Gising kung gigising.
Sabi nga sa amin ay, “Magsabi ng tapat at kung wala ay makalipat”
Gising kung gigising at kung hindi nama’y
ako’y uuwi na ng matulin-tulin... Barako man ako giliw,
pagdating ng dilim ay ako naman’y takot din
lalo’t nasa gubatan ang eksena natin...
Ah-ah ay baka may “Tikbalang” pa dine.
Batanguenia Sleeping Beauty, tikbalang
No comments:
Post a Comment