Showing posts with label tikbalang. Show all posts
Showing posts with label tikbalang. Show all posts

06 April 2020

Batanguenia Sleeping Beauty


Ay tinamaan ng magaling na yaan ah!

Ginawa ko na ang aking alam sa  paghalik ay hindi pa rin magising areng “Sleeping Beauty” na are...
Ang alam ko ayon sa aking nabasa ay kailangan laang ng isang halik eh, hindi nga laang iisa ang aking ibinigay at maigi-ige na yuong sigurado kaya dinalwa ko na, ay  baken baga ayaw pa ring magising?

Garne na laang ang gagaw-in ko,  kukuryentehin ko ito... sa paa.
Pag hindi pa ito nagising ay yaeh na... Diyan ka sa gubat... Ay paanhin...
Bugnot na bugnot na nga ako at pamihadong hinahanap na rin ako sa amin.
Inabot na ako dine ng dilim ay garine pa rin ang itsura.
Gising kung gigising.
Sabi nga sa amin ay, “Magsabi ng tapat at kung wala ay makalipat”

Gising kung gigising at kung hindi nama’y
ako’y uuwi na ng matulin-tulin... Barako man ako giliw,
pagdating ng dilim ay ako naman’y takot din
lalo’t nasa gubatan ang eksena natin...

Ah-ah ay baka may “Tikbalang” pa dine.

Batanguenia Sleeping Beauty, tikbalang


30 September 2013

Tikbalang


Kayo ga'y naniniwala pa sa mga tikbalang, nuno sa punso at kung anu ano pang mga engkanto? Naaala-ala ko pa noong kami'y nakatira pa sa kabukiran... kasama ko ang aking mamay sa gubat para mangahoy ng pangatong sa abuhan namin...ako'y maiihe ay sabi sa akin ng aking mamay ay magpatabi muna daw ako bago umihe at baka manuno... garne daw ang aking sabihin.... "
Tabi po nuno po, ako po'y iihe... lumaki na ang ute'y wag laang ang itlog".
Ah ah ay ako nama'y sunod nga.... ako pala'y niloloko na ng aking mamay eh. Sabi pa'y para daw hindi ako mailigaw ng tikbalang eh kailngan ko daw baligtarin ang aking damit. Ay kainaman na.