Showing posts with label horn. Show all posts
Showing posts with label horn. Show all posts

25 September 2013

Busina


Joke time po ulit tayo... alam ninyo naman pag Batangueño, lahi tayo ng mga masayahin at palabiro. Kaya sa atin, kahit na maedad na eh mukhang bata pa rin, hindi hahalataing pinag-uugatan na.... ay gay-an tayo eh.... paaanhin baga.




Busina

Isang araw si Rudeh at ang kanyang Darleng ay nagkataratong kumain sa labas.

Rudeh: Darleng tayo'y may lakad mamaya, susunduin na laang kita. Pag ako'y bumusina, lumabas ka na kaagad ng bahay, ha!!!
Darleng: "Ok hon," teka ano bang dala mong sasakyan, kotse ba?
Rudeh: Hindi!
Darleng: Motor?
Rudeh: Hindi rin!
Darleng: Ah baka van...
Rudeh: Ay naku, mas lalong hindi!!!
Darleng: Ay ano bang sasakyan mo?
Rudeh: Ay di busina!!! Ay paanhin, sabi ko'y bubusina laang eh... at saka sabi ko nama'y may lakad tayo eh... hindi ko naman sinabing tayo'y sasakay. Ah ah... ay asa agad eh. Ano ga yuon?