28 December 2013

Turol ang Buntot

Turol ang Buntot
Minsan sa aming balisbisan ng bahay ay may dumaang kabayong patikar na patikar.... turol ang buntot pasilangan! Ah' ah', ay pagkakabilis... parang sinilihan ang puwet eh. Mukhang babagong tinuturuang lagyan ng siya eh!

Sa dadaan ang Kakang Vicente... nagtanong sa akin kung nakita ko raw baga ang kanyang nakawalang kabayo. Aba'y sabi ko'y dumaan ho dine kanina... patikar na patikar... turol ho ang buntot pasilangan eh!

Aba'y maya-maya'y nagbalik sa akin ang Kakang Vicente at galit na galit. Nagtanung tanong daw siya duon sa silangan eh wala namang napapaligang kabayo. Ay pagkakayabang ko daw baga.  Siya daw ay aking niloloko.

Sabi ko nama'y... areng Kakang Enteng... kainaman na. Ay di ga ho'y ang sabi ko'y nakita ko yung kabayo... turol ang buntot pasilangan... eh 'di ibig sabihin ho ay pakanluran ang direksiyon ng kabayo ninyo... ay saan ho baga kayo nagpunta?

Ay nang mapagkuro-kuro yatang tama ako'y mimiha-miha ang Kakang Enteng na umalis... hehehe nagpakanluran at hahanapin daw niya ang kabayo niya.

04 November 2013

Ang Totoong Kaibigan

Isang araw nagpasiyang mag-road trip ng magkaibigang Juan at Pedro kaya kinuha nila ang kanilang mga bisekleta, isinakay sa kanilang saakyan at sila ay gumaod papuntang timog. Matapos ang mahaba habang paglalakbay, sila ay napasugasog at napasuong sa isang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Kaya minabuti nilang huminto sa isang malaking bahay bakasyunan na kanilang nakita upang palipasin ang bagyo. Isang napakagandang babae ang bumungad sa kanila sa pintuan at nakiusap ang dalawa napatuluyin silang pansamantala upang palipasin ang gabi at ang sigwa.


"Nalalaman kong masama ang panahon sa labas ngayon at hindi ko kayo nais tanggihan upang patuluyin dito sa aking napakalaking tahanan... subalit kamamatay lamang ng aking asawa at ayokong mapag-usapan ako ng aking mga kapit-bahay dito at isipin nila na kababalo ko pa lamang ay nagpatuloy na kaagad ako ng lalaki sa aking tahanan," sabi ng napakagandang balo sa dalawa.

Huwag kang mag-alala. Ayos na sa amin ang matulog sa iyong kamalig sa likod ng iyong bahay... ang mahalaga sa amin ngayon ay ang masisilungan at bukas na bukas din ng madaling araw kapag ang panahon ay naging maayos, bago pa man sumikat ang araw ay aalis na din kami kaagad," ang sabi ni Juan.

Lumipas ang magdamag, humupa na ang bagyo at sila'y nagpatuloy na sa kanilang paglalakbay. Sobrang nasiyahan ang dalawa sa weekend riding na ginawa nila. Subalit pagkatapos ng siyam na buwan ay nakatanggap ng sulat si Juan mula sa isang abogado. Masyado siyang nagulumihanan at natigilan.... saka pa lamang niya napagtantong ang sulat ay galing sa abogado ng napakagandang balong kanilang nakilala nang gabing abutan sila ng malakas na sigwa sa kanilang paglalakbay papuntang timog. Dali-dali siyang nagpunta sa bahay ng kanyang kaibigang si Pedro at tinanong niya ito.

"Pedro, ikaw naman ay aking kaibigan...sana naman ay tapatin mo ako ng sagot sa itatanong ko sa iyo," sabi ni Juan.
"Naaalala mo pa ba ang napakagandang babaeng nakilala natin noon sa isang road trip kung saan duon tayo tumigil at nagpalipas ng malakas na bagyo siyam na buwan na ang nakakaraan?" Tanong ni Juan kay Pedro.

"Aba'y oo naman." Sabi ni Pedro.

 "Ikaw baga ay bumangon nung hating gabi na iyon at inakyat mo ang magandang babaeng iyon sa kanyang tahanan?" Tanong uli ni Juan.

"Ok, total pinipilit  mo akong sagutin ka... eh... ah.. oo!" Kinakabahang sagot ni Pedro na medyo napapahiya sa pagkakabuking sa kanya.

"At ibinigay mo ang pangalan ko sa halip na sabihin mo ang totoong pangalan mo?" Tanong muli ni Juan.
Namutla ang mukha ni Pedro sa pagkapahiya sa kanyang kaibigan, "Yeah... eh bro... pasensya ka na... natatakot lamang ako na baka ako habulin niya pagkatapos ng nangyari sa amin. Pasensya ka na... patawarin mo ako kung sa 'yo ko ipinasa ang responsibilidad ko sa kanya." Nanginginig ang boses ni Pedro habang nagpapaliwanag sa kanyang kaibigan.

"Teka, bakit mo nga pala naitanong... buntis baga siya?" Tanong ni Pedro.

"Hindi... kamamatay lamang niya at iniwan niyang lahat sa akin ang kanyang mga ari-arian."

Nganga si Pedro....

31 October 2013

The Moral Lesson

Isang guro sa ikalimang baitang ang nagbigay ng takdang aralin sa kanyang mga mag-aaral. Ang takdang aralin ay humingi ng isang maikling kwentong may aral sa mula sa kanikanilang mga magulang. Nang sumunod na araw, lahat ng mga bata ay isa isang nagsalaysay ng kanikanilang maiikling kwentong may aral.

Nauna si Pedro. "Ang aking ama ay isang magsasaka at mayroon kaming mga paitluging manok. Isang araw, habang papunta kami sa palengke sakay ng kotse ng aking ama upang ipagbili ang aming mga nakolektang itlog na nakalagay sa isang basket na nasa unahan ng sasakyan ng biglang mapadaan sa isang malaking bato ang gulong ng sasakyan at lahat ng itlog ay tumilapon at nabasag at nagkaroon ng isang malaking kalat sa loob ng sasakyan."
"Ano naman ang mabuting aral doon Pedro?" Tanong ng guro.
"Huwag hong ilagay ang lahat ng itlog sa iisang basket"
"Magaling, magaling," sabi ng guro kay Pedro.

Ang  sumunod na nagkwento ay si Juan.
"Kami ay lahi din ng mga magsasaka. Yu'on la'ang mapagkakakitaan eh.. ay paaanhin baga. Pero kami'y nag-aalaga ng manok hindi para paitlugin kundi para ipagbili sa palengke ang karne. Mayroon kaming isang dosenang itlog na pinalimliman pa sa aming beteranong inahin pero sa labindalwang itlog ay sasampu ang napisa... Ang tunay na aral dine ay wag mong bilangin ang sisiw habang hindi pa napipisa ang itlog."

Sumunod naman ay si Vicente. "Aba'y mas matindi ang tatay ko kung sa mga isturyahan din la'ang na may aral. Minsan ay naikwento nya sa akin ang tungkol sa aking Nanay Itang. Isa siyang enhenyerang panghimpapawid noong panahon ng mga Hapon. Nasa tungkulin siya noon upang sumalakay ang kanyang eroplanong pandigma sa garison ng mga Hapon ng tamaan ng bala ang eroplanong pandigma niya. Wala siyang nagawa kundi ang magparakayda sa ibabaw ng teritoryo ng mga kaaway at ang tanging taglay niya sa kanyang katawan ay isang boteng lambanog, isang machine gun at isang puthaw. Ininom niya ang alak para daw hindi masayang sa kanyang paglapag sa ibaba, at siya ay lumapag  sa gitna ng isandaang mga sundalong Hapon. Napatay niya ang pitumpo sa mga ito gamit ang machine gun pagkatapos napatay niya ang dalawampu gamit ang puthaw at pagkatapos napatay niya ang natitirang sampu gamit ang kanyang mga kamay."

"Diyos ko po," ang nasambit ng guro. "Ano naman ang moral lesson na sinabi ng iyong ama sa iyo mula duon sa nakakasulasok na kwentong iyon?"

"Ala ay di are ho yu'on.... sabi ng tatay ang moral lesson daw ho duon ay are... Lumayo daw ho sa Nanay Itang kapag nakabarik."

30 October 2013

Magpapakamatay

Isang maliit na Batangueño ang nakaupo sa isang bar na mukhang kaawa awa at halos tigas titig lamang ng mahigit higit na kalahating oras sa kanyang inorder na inumin ang kanyang ginagawa...ng walang kaginsa ginsa'y pumasok ang isang malaking lalaki at umupo sa kanyang tabi at sinunggaban ang kanyang inumin at ininum ng walang babaan sabay tingin sa Batangueño na waring nagsasabing..."Ano, kaya mo ako sa babagan!?!?!"

Palibhasa maliit ang katawan, walang nagawa ang kaawa-awang Batangueño kundi ang umiyak na la'ang.

"Naku naman.... sinusubukan ko lamang naman ikaw," sabi ng malaking lalaki. "Hindi ko inisip na iiyak ka, at hindi ko kayang makakita ng isang lalaking umiiyak."

"Alam mo gang ito na siguro ang pinakamalas na araw ko sa buhay ko," pagsisimula ng Batangueño..."Pakiramdam ko'y wala na akong ginawang tama. Lahat na la'ang ng gawin ko ay hindi umaayon sa aking kagustuhan. Nakatulog ako ng mahimbing at nang magising ako kanina ay huli na pala ako sa aking napakahalagang meeting kaya naman tinanggal ako ng aking boss sa aking trabaho. Nang pauwi na ako, pumunta na ako sa parking lot kung saan duon ko iniwan ang aking kotse, napag-alaman kong kinarnap na pala ang aking sasakyan at hindi ko pa iyon naikukuha ng insurance kaya wala akong pagbabawian sa ibinili ko nun. Dahil wala na akong sasakyan kaya nag-taxi na la'ang ako pauwi ng bahay at sa kamalasan ko talaga ay naiwan ko pa sa taxi ang aking kartamunida kung saan nanduon lahat ng aking nakuhang huling sweldo. Pagdating ko sa bahay, natagpuan ko ang aking asawang nakikipagtalik sa aming hardenero pagkatapos kinagat pa ako ng aming alagang aso. Kaya naisipan kong pumunta sa bar na ito para uminom upang magkaroon ako ng lakas ng loob na tapusin ko na ang aking buhay... pagkatapos dumating ka at ininom mo ang aking inihandang lason para sa aking pagpapakamatay. Ay di ga'y pagkakamalas ko talaga!!!"

Buntot Mo Hila Mo, Sungay Mo Sunong Mo

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Buntot Mo Hila Mo, Sungay Mo Sunong Mo
Buntot Mo Hila Mo, Sungay Mo Sunong Mo
Di gay tayo'y may kasabihan...."Buntot mo, hila mo... Sungay mo, sunong mo." Ay ano ga ho ang ibig sabihin nare... ang sa akin hong kuro-kuro at pagkakaalam ay tumutukoy are sa pagmamaneho ng iyong buhay. Kumbaga kung anong nakapatong sa balikat mo ay di dalhin mo. Madali la'ang sabihin pero sabi nga eh mahirap gaw'in. Gay'on naman tayo eh... ang pirming gusto'y kaalwanan... sabagay naman nga... sino nga baga naman ang nagkagustong mabuhay sa kahirapan. Subalit sabi nga ng marami... ang buhay ay parang isang gulong... minsan ay nasa ibabaw subalit minsan naman ay nasa ilalim.. minsan ay flat kaya dapat pahanginan. Sa maikling salita ho at pagbibigkas ay hindi lahat ng panahon ay makakaranas tayo ng kaalwanan kaya kailangan din nating matutong magbalanse ng ating buhay. Buntot mo hila mo, sungay mo sunong mo.... May mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga problema at ang mga problemang ya'an ang magpapatibay sa atin lalo sa paglaban sa takbo ng buhay. Tandaan ninyong walang taong walang problema... lahat tayo ay may kanya kanyang pasanin at dapat laang nating matutunan kung paano ito dalhin. At kung malampasan na natin ang mga dag'im na ito sa ating buhay... matatawa na la'ang tayo sa huli sapagkat makikita nating gay'on la'ang pala kaliit ang mga naging problema natin kumpara sa ibang tao.

Gay'on la'ang naman ho ang takbo ng buhay eh... kailangan la'ang nating matutunan kung paano manehuhin ito ng tama... tama ga ho ako....

Ang Nurse ng Mamay

Are ang Mamay Itong... pagsahambog naman... kung makapg bida ay akala mo'y nakakailan pa eh. Pero wag naman nating hahamakin ang kakayahan ng Mamay. Dahil pag nadale ka ng maliliit na salita niyan ay palagay ko nama'y tatahimik ka na laang. Pag sa galing din naman nga  ng bibig ng Mamay... pag yan na ang nagwika ay kailangan mong makinig at siguradong sa malao't madali ay palaging tama ang mga sinasabi niya. Bakit kanyo... ay nakabase lahat iyon sa kanyang mga karanasan. San ka pa ga pupunta kung guro din laa't guro ng buhay ang iyong nais. Ay sa Mamay ka na... bukod sa buhay na saksi ng kasaysayan ay napakarami pang nalalaman.

Matanong ko naman kayo. Buhay pa ga ang mga mamay ninyo... kung buhay pa ay atin naman silang pasayahin at baka naman tayong kanilang mga apo'y nakakalimot na. Baka naman kumo tayo'y nakalawig na sa malayo layo ay nakalimutan na natin ang ating mga mamay. Ay wag naman. Paminsan minsan naman ay atin silang bisitahin sa kanilang basaysay bilang tanda na rin ng ating paggalang sa kanila.... kahit pa ga nuong panahong una una'y nakakatikim tayo ng sampiga at asbar mula sa kanila dahil sa ating kasutilan... ay wag naman natin silang kakalimutan.
Ngay'on nila tayo higit na kailangan... dahil dito sa aking bansang pinagtatrabahuhan... pag ang isang tao'y maedad na ay ikinukuha na laang ng mga anak ng tagapag-alaga. Hindi na makayang alagaan pa ng mga anak o kaya naman ay ng mga apo  sapagkat sila mismo ay mga kulang sa pasensya. Kapag nagkamali ng kaunti ay kaagad nang sisigawan... 
Kaya mapalad pa rin tayong mga Pilipino sapagkat may mga puso tayong mapagmahal.. kaya naman gustong gusto tayo ng mga ibang lahing ito na mag alaga sa kanila sapagkat kapag napamahal na sa atin ang isang matandang ating inaalagaan ay itinuturing na natin silang tunay nating MAMAY o kaya naman ay NANAY... ika nga ay karugtong ng buhay... kadugo baga sa madaling salita.

Aral ng Pag-ibig Na Mahirap Maintindihan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, aral ng pag-ibig
Aral ng Pag-ibig Na Mahirap Maintindihan
May isang mag-asawa ang nag-uusap ng maasinsinan. Habang sila'y nag-uusap ay biglang nagtanong ang babae.
"Bakit mo ako nagustuhan...? Bakit mo ako mahal...?"
Sa dahilang walang maapuhap na tamang kasagutan ang lalaki, sinabi na lamang niya ang ganito, "Hindi ko masasabi ang tunay na dahilan pero isa lamang ang masasabi ko, mahal na mahal kita at gustong gusto kita."
Medyo nagdamdam ang babae habang sinasabi ang ganito, "Hindi mo masabi sa akin ang tunay na dahilan, papaano mo nasasabing mahal mo ako at gustong gusto mo ako?"
Mahinahon pa ring sumagot ang lalaki at buong pagmamahal na sinabi sa kabiyak, "Hindi ko masasabi sa iyo ang dahilan subalit nakahanda akong patunayan sa 'yo na mahal na mahal kita."
Naiirita na ang babae sa pagkakataong iyon kaya nabitiwan nya ang mga salitang, "Patunayan? Hindi! Gusto kong sabihin mo sa akin ang tunay na dahilan mo kung bakit mo ako mahal. "Yung kaibigan ko, ang kasintahan nya ay nasasabi sa kanya ang dahilan kung bakit mahal nya siya pero ikaw, hindi mo masabi!"
Habang mahinahon pa ring nakangiti ang lalaki, sinabi n'ya sa kanyang asawa. "Ok, ok, sige na nga... Ehhmm... sapagkat ikaw ay maganda kaya mahal kita... sapagkat napakalambing ng iyong tinig,...sapagkat napakamapagkalinga mo.... maalalahanin ka...napakamapagmahal, ang iyong ngiting kahit na sino'y walang di mapapangiti, gustong gusto ko yan...at ang iyong mga kilos, ang iyong napakamabining kilos... lahat siguro ng lalaki ay mapapa-ibig mo sa iyong mga katangiang yan.

Lubhang nasiyahan ang babae sa sagot sa kanya ng kanyang kabiyak at may ngiti sa mga labing mahimbing na nakatulog sa mga bisig ng asawa.

Subalit sa kasawiang palad, pagkatapos ng ilang araw ay naaksidente ang babae at walang malay na isinugod sa ospital. Naratay siya doon at nasa aspetong comatose. Nang dumalaw ang lalaki sa ospital ay may isang sulat siyang inilagay sa dibdib ng kanyang asawa.
Ganito ang nilalaman ng sulat:

Mahalko, dahil sa iyong malambing na boses kaya mahal kita... Ngayon makapagsasalita kapa ba? Hindi! Samakatuwid, hindi na kita mahal. Dahil sa iyong pagkalinga at pag-aalala kaya gustong gusto kita... Ngayon, maipapakita mo pa ba ang mga iyon sa akin! Hindi na, kaya hindi na kita kayang mahalin. Ngayon ba makakangiti ka pa? Makakakilos ka pa ba ng tulad ng dati na may hinhin at mabining galaw? Hindi! Kaya hindi na kita mamahalin.

Kung ang pagmamahal ay nangangailangan ng dahilan at mga rason, tulad ngayon... wala nang dahilan pa para sa akin ang mahalin ka, pag-ingatan at alagaan.

Ang pagmamahal ba ay nangangailangan ng dahilan o rason?
HINDI!!! Samakatuwid.... mananatili kang mahal sa akin...I STILL LOVE YOU!!!

"Ang tunay na pagmamahal ay hindi namamatay, di gaya ng kamunduhang kaagad agad nahihimlay. Ang pag-ibig ay nagsisilbing bigkis na panghabang buhay subalit ang kamunduhan ay siyang nagtutulak papalayo sa isa't isa."

Ang hindi hinog na pagmamahal ay nagsasabing, "Mahal kita sapagkat kailangan kita", samantalang ang tunay at hinog napagmamahal ay nagsasabing, "Kailangan kita sapagkat mahal kita."

29 October 2013

Batangueñong Sigurista

Isang Batangueño ang nagkaraoon ng pagkakataong makapagbakasyon sa Jerusalem Israel kasama ang kanyang mabungangang asawa na kung makapaglaskanan ay inam. Sa kasamaang palad, habang sila'y nasa kasarapan ng bakasyon ay pumanaw ang babae sa di maalmang kadahilanan.

Kinailangang magpasya ng lalaki kung iuuwi o hindi ang bangkay ng kanyang asawa. Sinabi sa kanya ng tagapamahala ng libingan duon sa Jerusalem ang ganito:
"Pupwede mong ipauwi ang mga labi ng iyong asawang babae sa halagang limang libong dolyar ($5000) o kaya naman ay ipalibing siya dito, sa lupang banal sa halagang isang daan at limampung dolyar ($150).

Pinag-isipang maige ng lalaki ang sinabi sa kanya ng tagapamahala ng libingan. Ilang sandali laang ang lumipas ay sinabi na ng Batangueño na ipapadala na la'ang niya ang labi ng kanyang asawa sa Pilipinas.

Nagtaka ang tagapamahala ng libingan sapagkat mas pinili ng Batangueño ang mas magastos na paraan. Nagtanong ang nagtatakang katiwala sa libingan.

"Bakit mas ninais mong gumastos ng ganun kalaking halaga, limang libong dolyar ($5000) para maipadala sa Pilipinas ang mga labi ng iyong asawa gayong mas makakatipid ka kung dito mo s'ya ipapalibing sa halagang isang daan at limampung dolyar ($150) lamang. At dito pa sya mahihimlay sa lupang banal.. di ba't mas maganda ang ganun?"

Sumagot ang Batangueño, "Ala eh, alam kong alam nyo na noong nakaraang dalawang libong taon, isang lalaki ang namatay at inilibing dito at pagkatapos ng tatlong araw ay muling nagbangon sapagkat nabuhay na mag-uli. Ay ako ho'y ayaw na mangyari yu'on sa asawa ko. Hagya na matatahimik ang aking buhay sa tabil ng bunganga nya eh... tapos dine ko pa ipapalibing... eh kung mabuhay uli? Ah ah ay di dusa na naman ang aabutin ko! Ay haya'eh nang gumastos ng malaking halaga. Hala dalian na, at baka abutin pa dito ng ikatlong araw."

24 October 2013

Nagkataon La'ang

Apat na kalalakihan ang nakaupo sa isang silid hintayan habang naghihintay na makapanganak ang kani-kanilang mga asawa sa delivery room ng ospital. Walang anu-ano'y dumating ang nurse sabay sabi sa unang ama, "Binabati kita, kambal ang anak mo!"
Buong pagmamalaking tumayo ang unang lalaki at di naiwasang mapasigaw sa katuwaan. Sabay sabing, "Pagkakataon nga  naman, kambal ang anak ko dahil siguro nagtatrabaho ako sa Petronas Twin Towers."
Isang nurse muli ang lumabas at binati ang ikalawang lalaki, "BInabati kita, triplets ang anak mo!"
Tuwang tuwa nagsisigaw ang ikalawang lalaki. "WOOOWWW!!! Pagkakataon nga naman... triplets kasi nagtatrabaho ako sa 3M Corporation!"
Isang nurse ang muling lumabas at binati ang ikatlong lalaki. "Binabati kita, nanganak ang asawa mo ng quadruplets!"
Tuwang tuwa din ang ikatlong lalaki sabay sabi, Siguro nagkataon din lamang ito dahil nagtatrabaho ako sa Four Seasons Hotel!"

Samantala napuna ng tatlong lalaki ang ikaapat na lalaki na nanginginig at di mapakali. Sabay-sabay na lumapit ang tatlong bagong ama sa ikaapat na lalaki at tinanong ito.

"Bakit mukhang sobra kang nag-aalala, anong problema??"
Sumagot ang ikaapat na lalaki. "Ala eh, nagtatrabaho ako sa Seven-Eleven eh, ay nakakatakot yaan... baka pito din ang anak ko...sino gang hindi manginginig pagka gay'an!"

21 October 2013

Didiga ka ga?

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, didiga ka ga
Didiga Ka Ga
Sa atin sa Batangas, tayo'y kilalang kilala sa kasipagan lalo na pagdating sa pamilya. Kung mayroon mang pangkal ay mabibilang sa daliri... gay'an tayo eh. Gagaw'in ang lahat pag pamilya na ang pinag usapan.

Sa larangan naman ng panunuyo sa ating katarato o kaya naman ay sa ating naiibigan... handa din naman tayong siya ay pagsilbihan. Kung sa simula pa laang ay puro buladas na ang ipinapakita ng inyong magiging manugang... ay inyong asbaran at ng matauhan. Kailangang pagsabihan si Ineng na ang kagandahang lalaki ay hindi nakakain pagdating ng panahon... Kailngang maabilidad at marunong magbata ng hirap... baka naman yaa'y nakatikim laang ng kaunting hirap sa kataw'ay agad na'y dahuyhoy wag laang di masag'oy. Ay aanhin ang gandang lalaki kung gay'an din laang. Maganda na yung pogi na nga ay marunong pang dumiskarte sa buhay at maabilidad at kayang kayang bumuhay ng pamilya na kahit na magdildil sa asin paminsan minsan ay aaring makaraos kahit pa nga sabihing naghihikahos.

Wag yung mangol na nga at walang pang-ulam, pag magtatrabaho'y mangol pa rin hanggang sa kahanggan... ah ah ay maaasbaran pag gay'an. Husto sa buladas kulang naman sa panggas ay wala rin... baka pag inalok ng Mamay Itong bumarik ng purong lambanog San Juan ay karakaraka'y balukag na ang buntot at kandadual na sa pagsuka at pagtatawag ng uwak... ay sya hulong sa inyong sariling basaysay at duon pumustura at wag kay Ineng na sadya namang sanay na sanay sa hirap at numero unong baratingas... baka ikaw eh pag nasigawan ni Ineng eh sabihin mo nama'y uuwi ka na sa inyo at magsusumbong sa iyong ina... ay mas maige pang sumuot ka na laang ulit sa pundiyo ng iyong ina pagka gay'an.

Ay sa tinamaan ng lintek na yaan ah.

Sabong Ala Eh

Sabong Ala Eh
Sabong Ala Eh
Anong balita? Napabutaw baga?
Ay owo, sa talisayin!
Saan napasultada?
Sa panuksukin!
Anong kasta? Sambot baga?
Yung sa kabila! Magaling pumalo eh...
Nakailang sarnit baga?
Ala eh nakapitong paluan naman...pagkakuwa'y laylay  pagkaiktad eh!
Ah ah ibig mong sabihin ay hindi na nakakise man la'ang?
Ay oo eh... karaka'y laylay!
Ay makakabalato ga?
Naku naman, ay bawi la'ang eh!!!

Ah ah ay lahat na yata ng lumabas  dine pag tinanong ko'y pag hindi talo'y bawi la'ang... ay saan baga nalabas ang mga nanalo duon eh iisa naman ang pintuan dine???

Before Filipino Know How to Vote

Batangueno Around The World
"Nguni ay ang lilo't masasamang loob,
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa balang sukab na may asal hayop
Mabangong insenso ang isinusuob!"
hango sa Florante at Laura.

Ano na nga baga ang nangyayari sa ating pamahalaan ngay-on... ang Pilipinas ay hinding hindi na nawala sa listahan ng mga bansang malala ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ang tanong ko ay garne.... ano nga baga ang tamang batayan ng mga mamamayan para iluklok ang mga pulitikong ito sa pamahalaan.

Naalaala ko noong ako'y bata pa, kumbaga ay wala pa akong pakialam sa mga nangyayari sa aking kapaligiran kung saan ang nasa aking utak puro laro at pagkain laang. Ang mga namumuno noon ay talaga namang kagalang galang....saka talagang may mga pinag-aralan at maraming alam sa batas. Masasabi kong kayang kayang iaharap ang ating bansa pagdating sa ibang mga nasyon... ay ngay-on ho baga'y anong nangyari? Bukod sa mga kagulang gulang na ang mga namumuno sa ating bansa ay talaga namang ubod pa ng kakakapal ng mukha. Ay kuruin baga naman ninyong pagpasasaan ang ating kaban ng bayan... bukod sa mga pagpapaganda laang at pagpapapogi ang alam ay talaga naman hong masyadong KAGULANG-GULANG!!!! Ah ah ay talaga naman hong nakakagalit eh... nakakasulak ng dugo!!! Ay bakin ga kanyo gay-on na laang ang aking nararamdaman.... sapagkat ang mga katulad nating nangingibang bansa makapagtrabaho laang ng maayos ay nagtitiis na mapalayo sa mga mahal sa buhay para lamang maitaguyod ng maayos ang ating mga pamilya at nagtitiis tayong makisama sa mga iabang lahing ito na hindi naman natin kaaano ano at kung minsan ay dudustain pa tayo. Samantalang silang mga nasa gobyerno ay nagpapasasa at lumalamon ng ating pinaghirapan. Ay kung ang mga ninanakaw nilang yaan ay napapapunta sa mga peoyektong pangkaunlaran at sa kalusugan ng bawat Pilipino.... ay palagay ko'y baka tayong mga nasa ibang bansa ay hindi na umalis sa ating lupang tinubuan... sapagkat makikita ang kaunlaran ng atingt bansa.

Ang isang ikinalulungkot ko ay ito... tayo rin mismong mga mamamayang Pilipino ang dapat na sisisihin sa mga nangyayaring ito.... sapagkat alam ng mga ganid na yan sa katungkulan kung paano paikutin ang tumbong nating mga mamamayan.. dahil sa kakulangan natin ng kaalaman. Sinasamantala nila ang ating kahinaan kaya naman kapag dumadating ang halalan, kapag napakitaan tayo ng kaunting pera at naambunan ng kaunting grasya ay akala natin ay iyo ay panghabangbuhay na.

Mga kababayan.... diyan po tayo nagkakamali at kailngang magising na tayo sapagkat tulad ng tinuran sa Florante at Laura...
"Nguni ay ang lilo't masasamang loob,
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa balang sukab na may asal hayop
Mabangong insenso ang isinusuob!"

Tayo din mismo ang nagluluklok sa mga buhong na iyan... sa mga walang kaluluwang iyan... ah ah.... ay magising na tayong lahat.... wag naman tayong maging MALAKING TANGA!!!! Ay gising na sa katutohanan na tayo'y pinaglalaruan laang ng mga kagulang gulang na iyan... ay tinamaan ng lintek na yaan ah....kakasulak ng dugo eh.

Drugs

Di ga nga ho baga'y masama ang drugs sa kataw-an, at pag diyan nalulong ang isang tao ay napapariwara ang kinabukasan. Sa atin sa Batangas ay may mga ganitong ipinagbabawal na gamot din at ito'y hindi maipagkakaila. Maraming kabataan ang nasisira ang kinabukasan dahil dito

Ay are naman ho ay katuwaan laang kaya naman kaya wan naman ho ninyong mamasamain ang aking ilalahad. Sapagkat kapag sobrang seryoso ay maaaring tayo'y mangulubot kaagad ang pagmumukha ay tuong kaawa-awa naman tayo pag nagkagay-on.

Rudeh: Tatay, ano ga pong spelling ng DRUGS?
Tatay: Drugs baga kamo anak? Teka... “D” - “R” , ang alam ko e may “G” yun eh.
            ‘Tayka laang....”D”- “R”- “A” -”G”-”X”.
Inay: Hindi, mali yun... 
Tatay: “D”-”R”-”E”-”G”-”S”....
Inay: Mali!!! Ano gang D-R-G-S namang pinagsasasabi mo? Mali yun!!!
Rudeh: Tatay, ay hindi ninyo yata po alam eh!!!
Tatay: Ay baken ga iyun ang itinatanong mo? Ay hindi mo ga alam na masama
            yan!!! Naku!!! Kayong mag-ina ha, mahuli ko laang kayong nagamit niyan
            ay malilintikan kayo sa akin!!! Masama yan!!!!

Paligsahang Miss Universe


Ang mga finalist:

Miss America
Miss Spain
Miss Britain
Miss Philippines
Miss Iran
Miss India
Miss Japan


Tanong: Binibining Amerika, papaano mo maisasalarawan ang "male organ" sa inyong bansa?

Miss Amerika: Well, ang masasabi sa "kasangkapang panlalaki" sa aming bansa ay tulad ng isang maginoong lalaki.
Tanong: Bakit mo naman nasabi ang bagay na yan?
Miss Amerika: Sapagkat ito'y tumatayo sa bawat sandaling makakita ng kababaihan....(palakpakan... palakpakan...)
Tanong: Binibining Espanya, papaano mo naman maisasalarawan ang kasangkapang panlalaki sa inyong bansa?

Miss Espanya: Ang kasangkapang panlalaki sa Espanya ay maihahalintulad ko sa torong lumalaban na nasa arena sa amin mismong maipagmamalaking Huwego de arena.
Tanong: Bakit mo naman nasabi ang mga bagay na yan, Binibining Espanya?
Miss Espanya: Sapagkat lumalaban ito sa bawat sandaling makakita ng butas....
(palakpakan... palakpakan...)
Tanong: Binibining Britanya, papaano mo naman mailalarawan ang kasangkapang panlalaki sa iyong bansa?

Miss Britanya: Ang kasangkapang panlalaki sa aming bansa ay tulad ng isang bidang gumaganap sa dulaang "Shakespeare."
Tanong: Bakit mo naman nasabi ang bagay na yan?
Miss Britanya: Sapagkat umiiyak ito sa bawat pagtatapos ng tanghalan at inililibing ito ng buhay....(palakpakan... palakpakan...)
Tanong: Binibining Iran, ikaw naman... papaano mo maisasalarawan ang kasangkapang panlalaki sa inyong bansa?
Miss Iran: Well, masasabi kong ang kasangkapang panlalaki sa aming bansa ay tulad ng isang magnanakaw.
Tanong: At bakit mo naman nasabi yan?
Miss Iran: Sapagkat tulad ng mga magnanakaw, dahil pagi silang pumapasok sa likurang pintuan....(palakpakan... palakpakan...)
Tanong: Binibining India, ikaw naman. Papaano mo naman maisasalarawan ang kasangkapang panlalaki sa inyong bansa?
Miss India: Sa aming bansa ang kasangkapang panlalaki ay masasabi kong tulad ng isang manggagawa o trabahador.
Tanong: Bakit mo naman nasabi ang bagay na iyan, Binibining India?

Miss India: Sapagkat ang kasangkapang panlalaki sa aming bansa ay nagtatrabaho sa gabi't araw....
(palakpakan... palakpakan...)

Tanong: Binibining Japan, papaano mo naman mailalarawan ang kasangkapang panlalaki sa inyong bansa?
Miss Japan: Masasabi kong ito'y katulad ng isang artista sa isang tanghalang pang entablado...sapagkat ito'y palagiang yumuyuko pagkakatapos ng isang pagtatanghal....
(palakpakan... palakpakan...)

Tanong: Binibining Pilipinas, papaano mo naman maisalalarawan ang kasangkapang panlalaki sa inyong bansa?
Miss Pilipinas: Ahhhh.... we... op kors.... hihihihi... masasabi kong ang kasangkapang panlalaki sa aming bansa ay tulad ng isang tsismis.
Tanong: Tsismis???
Miss Pilipinas: Ayyy!!! Sorry, di nyo nga pala alam kung ano yung tsismis... I mean gossip!
Tanong: Hmmnnn....Interesanteng paghahalintulad. At bakit mo naman nasabi ang mga bagay na yan?
Miss Pilipinas: Ayyy.... dyahe!!! hihihihi... Kasi... I mean.. sapagkat tulad ng gossip, nagpapasalin salit ito ng bibig sa bibig.....
(tumayo ang lahat...palakpakan... palakpakan...palakpakan... palakpakan...)

How to Say Bad News

It's early in the morning and the telephone is ringing.
"Hello, Senior Bartolo? This is Ben, your caretaker in your vacation house here in Mauritius."
"Oh Ben, how are you. What is the matter, why did you call. Is there any problem?"
"Huummm, I called just to let you know that your parrot pet was died."
"What?!?!? My best parrot?!?!? My very expensive parrot?!!? The one that won in the last bird show???
"Yes, Senior Bartolo. Exactly!!!"
Something kind of pissed and shocked he said, "Shit, too bad!!! I spend a lot of money to this bird. Any way, that's life! Wait, what is the cause of the death of the bird?"
"Ah, it died because he ate rotten meat..." reply Ben.
"Rotten meat? And who is the stupid person that feed the bird the rotten meat?"
"No one, Senior. It just fly and fed from the dead horse," Ben said.
"Dead horse? What dead horse, please explain it Ben?
"Senior, all of your thoroughbred horses died. They died because they became exhausted pulling cart of water." Said Ben.

"Are you out of your mind?!!? What cart of water are you talking about?!!?
"Senior, the one that we used to put out the fire!"
"Oh my God, what fire are you talking about!!??!"
"The fire that burn your vacation house, Senior! One of the lighted candle fall down and started the fire that burned down your house!"
"What?!?! What candle? We have power line in our vacation house? How happened that you use candle!!?? What for is that candle!?!?"

"The candle is for the funeral, Senior!"
"What?!?! And who's dead?"

"Senior, don't be shock. But your mother is dead. She suddenly come to the house last night, and didn't say something that she will come. It was middle of the night and I suspect that someone want to steal your property."



"I shot her, Senior! She's dead!"

17 October 2013

Pilipinong Senador- Uso Ito Ngayon

Habang naglalakad sa isang kalsada, isang Pilipinong senador ang hindi sinasadyang nabangga ng isang humahagunot na trak at siya'y namatay. Ang kanyang kaluluwa ay nakarating sa langit at kanyang nakita si San Pedro sa pinto ng kalangitan.

"Maligayang pagdating sa kalangitan," sabi ni San Pedro. "Bago ka makapanirahan dito, may isang problema. Bibihira kaming makakita ng isang mataas na opisyal ng gobyerno dito kaya hindi pa namin sigurado kung ano ang dapat gawin sayo."

"Walang problema, papasukin mo na lamang ako," sabi ng senador.

"Oo nga, gusto ko man pero may utos sa akin ang nakatataas. Ang maaari lamang naming gawin ay ang tumigil ka ng isang araw sa impiyerno at isang araw sa kalangitan pagkatapos ikaw ang pipili kung san ka maninirahan sa habang panahon."

"Talaga, pero buo na ang aking pag-iisip. Gusto kong tumira dito sa langit," sagot ng senador.

"Ipagpaumanhin mo pero ang panuntunan ay panuntunan at kailangang sundin ang panuntunan dito."
At sa ganung kasunduan, inalalayan ni San Pedro ang senador papuntang elebeytor para bumaba sa impiyerno. Nang bumukas ang pinto ng elebeytor, natagpuan nya ang sarili niya sa gitna ng isang maberdeng lugar na palaruan ng golf. Sa di kalayuang lugar ay makikita ang isang "clubhouse" at nakatayo sa unahan nito ang lahat ng mga kaibigan at kapolitiko na katrabaho niya noong nabubuhay pa sila.

Ang lahat ay masaya at nakasuot ng panggabing kasuotan. Tumatakbo silang lahat para batiin siya, makipagkamay sa kanya at alalahanin ang kanilang mga magagandang karanasan noong nabubuhay pa sila. Kung papaano sila yumaman at lumustay gamit ang pera ng taumbayan. Naglaro sila ng golf at naghapunan ng masasarap na pagkain tulad ng masarap na "lobsters", "caviar" at champagne.



At siyempre pa hindi mawawala si Satanas, na napakapalakaibigan at talaga namang naglaan ng oras sa pagsasayaw at pagiging palabiro sa lahat.

Halos lahat ay di namamalayan ang oras dahil sa sobrang saya na kanilang nararanasan kaya naman pati ang senador ay di namamalayan na oras pala para bumalik kay San Pedro. Lahat ay nagbigay sa kanya ng madamdaming pamamaalam habang tumataas ang elebeytor.

Tumaas ng tumaas ang elebeytor at ng bumukas ang pinto ay nasa harapan na niya si San Pedro na matiyaga namang naghihintay sa kanya.

"Ngayon naman ay oras nang para bisitahin mo ang langit," sabi ni San Pedro.

Bente kwatro oras ang lumipas na di namamalayan ng senador habang nakikisalamuha siya sa mga grupo ng mga kuntentong  kaluluwang masayang nagpapalipat lipat sa mga ulap, tumutugtog ng alpa at pluta at kumakanta. At natapos na nga ang dalawampu't apat na oras na puno ng galak at kasiyahan at bumalik na si San Pedro.

" Ngayon, naranasan mo na ang buhay sa impiyerno at sa langit sa loob ng tig-24 na oras. Pumili ka na ngayon kung saan mo gustong manirahan sa habang panahon," sabi ni  San Pedro.

Nagbaliktanaw pansumandali ang senador at pagkatapos ay sumagot siya. "Well, hindi ko pa ito nasasabi noon, masasabi ko na ang langit ay lubhang kaaya-aya subalit sa aking palagay ay mas nababagay ako sa impiyerno."

Dahil sa tinuran ng senador, inalalayan ulit siya ni San Pedro papuntang elebeytor at siya ay bumaba ng bumaba papuntang impiyerno.

Nang bumukas na ang pintuan ng elebeytor ay bumungad sa kanya ang pagang na lupa na nababalutan  ng mga maruruming bagay at punong puno ng basura. Nakita niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan na nadadamitan ng mga basahan at namumulot ng mga basura at inilalagay nila ito sa isang maitim nalalagyan habang patuloy na nalalaglag ang maraming basura mula sa itaas. Dumating ang demonyo at umakbay sa kanya.

"Hindi ko pa rin maintindihan," sabi ng senador. "Kahapon lamang ay naririto ako at dito mismo sa lugar ding ito ay mayroong palaruan ng golf na berdeng berde pa ang kulay ng mga damo sa sa di kalayuan dito ay makikita na ang clubhouse at naghapunan pa tayo ng masasarap na pagkain at uminom ng champagne at nagsayaw ng nagsayaw at lahat ay masaya. Ngayon ay puro pagang na lupa na nababalot pa ng mabahong basura at lahat ng mga kaibigan ko ay mukhang misirable ang itsura. Anong nangyari?" Tanong ng senador sa demonyo.

Sumagot ang demonyong nakangisi.
 
"KAHAPON AY  NANGANGAMPANYA KAMI. NGAYON  NAMAN AY BUMOTO KA NA, TAPOS NA ANG KAMPANYAHAN."

"Do not do unto others the things you do not want other do unto you."

16 October 2013

Batangueño sa Lupang Amerikano

Isang Batangueñoang kumakain ng kanyang miryendang tinapay at minatamis na ube habang nagpapahinga sa trabaho ng isang Amerikano ang lumapit sa kanya na ngumunguya ng "chewing gum" at umupo sa tabi nya. Hindi pinansin ng Batangueño ang Amerikano hanggang sa nagpasimula ito ng isang usapan.

Sabi ng Amerikano, "Kayong mga Filipino, kinakain n'yo ba ang buong tinapay?"
Eh medyo masama ang "mood" ng Batangueño dahil sa pagod kaya sumagot na lamang s'ya ng, "Oo naman."

Ngunit nagpatuloy ang Amerikano habang nagpapalobo ng kanyang nginunguyang "chewing gum", "Dito sa Amerika hindi namin kinakain ang buong tinapay. Kinakain lamang namin ang parteng loob ng tinapay at yung panlabas na matigas ay kinukulekta namin at inilalagay sa isang lalagyan, ginigiling ulit at ginagawang "croissants" at ini-export sa Pilipinas."


Sinasabi ito ng kano habang nakangisi na parang nakakainsulto.
Subalit dahil nga likas sa ating mga Batangueño ang mapagpasensya, nanahimik na lamang siya at hindi na nagsalita.

Subalit nagpatuloy pa rin ang amerikano, "Kumakain ka rin ba ng halayang ube kasama ng tinapay?"
Sagot ulit ng Batangueño, "Oo naman."

Dumale ulit ang amerikano habang nguya nguya ang chewing gum, "Dito sa Amerika hindi kami kumakain ng ganyan. Mga sariwang prutas lamang ang kinakain namin dito sa agahan pagkatapos iniipon namin ang balat, ang buto at ang mga tira-tira sa isang lalagyan para ire-cycle para gawing "jam" at pagkatapos ay ii-export namin sa Pilipinas."

Eh nainis na ang Batangueño, sa loob loob lamang niya ay sumusobra na ang Amerikano kaya tinanong niya ito, "Nakikipag-sex ba kayong mga Amerikano?"


Sumagot ang Amerikano, " Bakit? Oo naman at palagian pa!", sabing nakangisi.
Tanong ng  Batangueño, "At ano naman ang ginagawa ninyo sa condom pagkatapos ninyong gamitin?"

Sagot ng Amerikano, " Itinatapon namin... aanhin pa ba yun. Magagamit mo pa ba ulit yun?"

Sumagot ang Batangueño, " Sa amin sa Pilipinas, hindi namin yun itinatapon. Inilalagay namin yun sa isang lalagyan para ire-cycle. Tinutunaw namin yun para gawing "CHEWING GUM" at pagkatapos inii-export namin dito sa Amerika!"

Natulala si Amerikano!!!! Hanggang ngayon kasi ngumunguya pa siya ng chewing gum.

14 October 2013

Tambalang Salita

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, tambalang salita
Tambalang Salita
Are pa ho ang isang nakakatuwang pananalita sa ating mga Batanggenyo... mga tambalang salitang nakakatuwa at nakakapahagihik. Talaga namang kahit sa papaanong paraan ay gagawa at gagawa ng bagong salitang magkatambal na nakakapahagilhil dahil kung hindi mo malalaman ang ibig sabihin eh aakalain mong bastos.

Sino baga ang nakakaalam na ang salitang "tampal-puke" ay tumutukoy sa isdang nasa ibabaw ang mata, o kaya naman ay ang salitang "kikig-kambing" ay ang ibig sabihin sabihin at nanggigigil... at marami pang salitang tambalan na tunay namang nakakapahagalpak ng tawa at nakakapabungisngis kahit na nag-iisa...

Ah ah ay wag laang magpapakita sa ibang ikaw ay natawang mag-isa at baka pagisipan kang nasisiraan ng ulo.. mahirap na.

Mga Salitang Inuulit

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, mga salitang inuulit
Mga Salitang Inuulit
Tayong mga Batangueño ay sadyang hindi pahuhuli sa larangan ng panitikan. Marami ang nagsasabing tayong mga Batangueño ay mabulaklak ang dila kaya naman maraming mga dalagang taga ibang lugar ang kadalasa'y nabibighani kaagad sa ating mga kalalakihang Batangueño sapagkat tayo'y bukod sa mabuladas na'y napakatam-is pang magmahal... Yaan naman ang ating maipagmamalaki kahit saan tayo magpuntang lugar. 

Gaya ng aking nasabi na tayong mga Batangueño ay mayaman sa larangan ng panitikan... may mga salita tayong ating atin laang at hinding hindi natin maririnig kahit saang lugar na nagsasalita ng Tagalog. Maraning marani ay may mga salita tayo na sa ibang tao kapag narinig nila ay natatawa sila sapagkat para sa kanila ay nakakatawa ang dating. Tulad ng mga salitang inuulit na sa atin naman ay karaniwang laang sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa isa't isa.

12 October 2013

Nung Ako'y Bata Pa

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, nung ako'y bata pa
'Nung Ako'y Bata Pa
Naala ala ko pa noong ako'y bata pa... naku ang mga babae'y kung makapupog sa akin ng halik ay inam... Minsan nga eh hindi na ako makahinga ay pupog pa rin ng pupog ng halik sa akin. Ay bakin baga nung ako'y lumaki laki na ng kaunti eh haplos na laang sa ulo ang aking natatamo.. ay hindi na ako halikan eh... ewan ko nga baga... sya ako'y tutula na laang..

Nung ako'y sanggol pa at balot sa lampin
ang mga babae'y halikan sa akin
nang akoy lumaki na at lumaki na rin ang uten
ang mga babaey natakot sa akin...

Suskopoooo rudeh... kaya naman pala!!!

11 October 2013

Sampung Utos Sa Pag-iisang Dibdib

Unang Utos
Ang pag aasawa'y likha ng kalangitan
Ganun din naman ang mga kulog at kidlat.

Ikalawang Utos
Kung gusto mong makinig sa iyo at bigyan ka ng buong atensiyon ng iyong asawang babae...
magsalita ka habang natutulog.

Ikatlong Utos
Ang pag aasawa ay lubhang kasiyasiya, puno ng kulay at sorpresa
Ngunit ang paghihiwalay ay makaisang daang ulit nito.

Ikaapat na Utos
Ang pag-aasawa'y nakakasiphayo...Sa unang taon ng kasal, ang lalaki ang nagsasalita at nakikinig ang asawa. Sa ikalawang taon ng kasal, nagsasalita ang babae at makikinig naman ang lalaki. Sa ikatatlong taong kasal, sabay na silang magsasalita at nakikinig na ang kahanggan.

Ikalimang Utos
Kapag pinagbuksan ng lalaki ng pintuan ng kotse ang kanyang asawa
dalawang bagay lamang yan... bago ang sasakyan o kaya naman bago ang asawa.

Ikaanim na Utos
Ang kasal ay pagtataling puso ng lalaki at babae kung saan sila'y nagiging isa.
Ang problema ay nagsisimula kapag sinubukan ng isa't isang magpasya kung alin nga.

Ikapitong Utos
Bago ikasal, ang lalaki'y nananatiling gising boung gabi sa pakikinig at pag-iisip kung ano ang sinasabi ng kanyang mapapangasawa. Pagkatapos ng kasal, nakaktulog na siya hindi pa man tapos magsalita ang asawa.


Ikawalong Utos
Bawat kalalakihan at nangangarap o naghahangad ng isang ideyal na babaeng mapapangasawa na maunawain, masinop, matipid at magaling magluto. Subalit ang batas ay nagpapahintulot lamang ng isang asawa.

Ikasiyam na Utos
Ang kasal at pagmamahalan ay nababaty sa magandang kimika.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga lalaki'y parang "toxic waste" kung ituring ng asawa.

Ikasampung Utos
Ang isang lalaki ay hindi husto o kumpleto hangga't hindi nakakasal.
Pagkatapos nito, siya ay tapos na rin.

Pilipino Nga

Tatlong kontraktor ang kasalukuyang nagbi-bidding upang maisaayos ang isang parteng bakod sa "White House". Isa ay Pilipino, ang isa ay Mexikano at ang isa naman ay Americano. Pumunta sila kasama ang isang opisyal ng "White House" para masuri ang bakod na nais na ipagawa.
Naunang magsukat ang Amerikano gamit ang kanyang metro at nagsulat sa isang malinis na papel. Sabi ng Amerikano, "Sa aking pagsisiyasat at pagkukwenta, maaayos ko ang bakod na ito sa halagang siyam na daang dolyar($900): apat na daang dolyar ($400) para sa materyales, apat na daang dolyar($400) para sa aking magtatrabaho at isang daang dolyar($100) para sa aking kumisyon."
Sumunod na nagsukat ay angMexicano at pagkatapos ay sinabi, "Magagawa ko ito sa halagang pitong daang dolyar($700): tatlong daang dolyar ($300) para sa materyales, tatlong daang dolyar ($300) para sa aking magtatrabaho at isang daang dolyar ($100) para sa aking kumisyon.

Ang kontraktor na Pilipino ay hindi na nagsukat pero lumapit sa opisyal ng "White House" at sabay bulong dito, "Dalwang libo pitong daang dolyar ($2,700)."

Sa pagkagulat ng opisyal ng "White House" ay nasabi niya, "Ano? Ni hindi ka nga nagsukat na katulad ng mga naunang kontraktor? Papaano mo masasabing aking tatanggapin ang iyong serbisyo ganung mas mataas ang iyong "bid" kumpara sa kanila?"

"Cool ka lang," sabi ng Pinoy at ipinaliwanag niya. "Isang libong dolyar ($1000) sa 'yo, isang libong dolyar ($1000) sa akin at ating iha-hire ang Mexicano."

Nang sumunod na araw makikitang nagtatrabaho ang Pilipino at Mexicano para maayos ang bakod ng "White House"

10 October 2013

The Great Blind Man

A blind man entered into a small restaurant in to eat. The waiter greet him and unconsciously gave him the menu so the blind man shouted to waiter, "Don't you see that I am blind and can't read the menu? Just give me used forks that not yet wash from your kitchen to know what I will order to eat!" Said the blind man.

So without hesitation, the confused waiter just followed the blind man and get two used fork in the kitchen which is not yet wash. The blind man smell the first fork and said, 
"Fried chicken!!!! I don't want to eat fried chicken."
And then he smell the second one. 
"This one is meat loaf!!! Okay, just give me meatloaf."

The waiter was amazed to the blind man and then go to the kitchen to get the order from the cook named Virginia. He said to her, "This blind man is great because only by smelling the used fork he already know what he want to order to eat. Please cook one order of meat loaf." The waiter said to Virginia.

So Virginia cook what the blind man ordered and gave it to him. The blind man feel great from the tasty food so he left them a big tip.

A day after the blind man comeback to eat again and the waiter give him two used fork for the blind man to smell it. "This one... I like this one... This is porkchop," he said after he smelled the first fork.

On the third time the blind man entered in the restaurant, as usual... the waiter give him two fork to smell.
"I am not eating hamburger and this one is meatloaf again. Is there anything new?" The blind man complained.

"Wait Sir," the waiter said and then go back to the kitchen. He then get one clean fork and he wipe it out in the panty of Virginia just to fool the costumer.

"Please try it Sir," said the waiter while he is handing off the fork that he wipe from the panty of Virginia to the blind man.

"OH!", with full of amazement that the blind man said.
"Virginia is working here already?"

The Miracolous Bird

Pedro have a big problem. He has a giant penis and because of that Maria don't want to marry him. He refer to the witch doctor in his place for the solution of his problem. 

The witch doctor who know everything said to him, "There is only one solution into your problem. You need to find the miraculous parrot in the peak of the mountain and ask to it to marry you. Every time that the bird disagree with your proposal, your penis will become smaller of five inches."

So Pedro went on the top of the mountain to find the bird. When he reach the peak of the mountain, he fortunately found the miraculous bird. Then almost whispering to the bird, he said this.

"Miraculous parrot, marry me."

"I don't want." The parrot said.

Then Pedro look to his sex organ and he notice it became smaller than before.
Pedro smile and say again to the parrot with a loud voice.


"Miraculous parrot, marry me!!!"

"I don't want." The miraculous parrot replied.

Then Pedro look again to his organ and he notice that it became smaller than before. He told to himself, " Now for the last time, for my beloved Maria for her to be happy that I will have a normal size sex organ."

"Miraculous parrot, marry me!!!" Almost shouting because of happiness.

"Your so importunate!!!" The bird replied to him almost shouting. "I said I don't want!!!" "I don't want!!!" "I don't want!!!" 

And Pedro shouted, "OH, NOOOOOOOOOOOOO!!!!

See what happened to him.