12 August 2023

Kuwatro Kantos At Krispi Pata

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Kuwatro At Krispi Pata
Kuwatro At Krispi Pata
Are nama'y pagkakasarap tingnan para sa mamumulutan. Sabi nga'y are'y magkatuwang na magkatuwang... Nga la'ang ay ang hindi maganda dini'y pag yang pulutang 'yang nakahanda ay hindi makakatikim ang pamilya. Ako'y doon galit na galit baga, yung pag ang mga anak ang gustong kumain tapos ang sasabihin ng tatay ay "Hoy, 'wag na 'wag mo yang papaki'alman at yan ay aming pupulutanin ng aking mga kumpare". Ah ah ay tunay kang pag ang padre de pamilya ay mas mahal ang mga kumpare at mas naiipaghanda ng masasarap na pagkain ang mga kabarikan ay dapat diyan ay nilalatugan. Nakapagmalaki ka nga sa EpBi ng iyong pinulutang pagkasarap sarap tapos ay ang paulam mo sa iyong pamilya ay hawot at kape ang sabaw, na sila'y tatakam takam sa inyong pinupulutang iyan ay tunay na hindi magandang pamulat sa mga anak ya'an. At ako'y nakulo ang dugo pag ako'y may naaal'mang gay'an. Dapat sa mga gay'ang tawo'y nilalabingki ng tigas ng bilit at ng sila'y matauhan. Suskupo Rudeh!

Si Muning

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Si Muning
Si Muning
Noong araw ang mga alagang hayop ay hindi katulad ngay'on na akala mo'y tao nang ituring. Hindi naman ho sa aking binabatikos ang mga may alagang hayop ngay'on at ako naman ho ay isa din sa mga may alagang hayop sa bahay. Ako ho'y may alagang so ngay'on na aking namang mahal na mahal din. Nga la'ang ho'y hindi katulad noong una ang pag aalaga ngay'on. Noong ako'y maunti pa ay may pusa kaming alaga sa bahay... at kaya kami nag-aalaga ng pusa noon ay maraming mga daga ang napasok sa aming bahay noon, minsan ay yung bagong bagong damit ng Tatay na binili pa ng Inay sa hurnalan ay bay'n ga ito'y noong isusuot na ng Tatay ay butas ang tagiliran at sirang sira. Ay yun pala'y nginayngay ng daga kaya naisipan noon ng Inay na mag alaga ng pusa. Naku yun ay aking mahal na mahal at aking katabi sa gab'i sa aking pagtulog. Ang Inay naman ay palaging palakat na sa akin at wag ko daw ipagtabi ang pusa at baka ako daw ay hikain. Ay baken ga sa awa ng Diyos naman ay hindi ako hinika. Pag sa galing din naman ng aming pusang iyon, pag yun ay umalis ng bahay asahan mong pagbalik ay kung hindi pugo ang dala sa bahay ay minsa'y ahas... ah ah sabi ko'y kainaman ka ng pusa ka... Kaya ho sabi ko kanina ay ibang iba ang mga alagang hayop noon kesa ngay'on... ay noon ay pabaya namin ang aming alagang hayop na labas lalo na yung aming aso. Yun ay basta may ibang tao sa bahay ay halabhaba na ang tahol at hindi takot. Talagang kundi tumawag ang pupunta sa inyo sa may pultahan ay hindi basta makakapasok... ay ngay'on, kahit na sinong dumating ay payipoy ang buntot... ah ah....

Sumang Batangas

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sumang Batangas
Sumang Batangas
Are'y talaga namang nakakatakam pag aking nakikita. Naaala-ala ko pa noong kami'y kaliliitan pa, na pag papasko na lalo na sa a-bente kuwatro ng Disyembre ay sya ang mga Nanay, ang Inay at aking mga Tiyahin ay pandagisdis na sa paggagawa ng suman... Dalwang klase pa are... ang isa ay yung suman sa tamales, yung hilaw ang malagkit na parihaba ang itsura tapos ay yung isa ay yung suman sa lihiya at gata... yung pahaba naman na ang malagkit na bigas ay isinasaing muna bago sumanin. Ang lagaan naman namin noon ng suman ay yung balde ng Minola na hiningi pa ng Mamay sa kanyang suking tindihan sa palengke ng Lobo. Ay pagsa dami naming gay'ong balde. Tapos ay kailngan mong laging babantayan at baka mawal'an ng gatong. Ang amin namang gatong ay lawo, yun gang kawayang tuyo kaya pagsadaling maubos... Tapos may konteyner kami ng tubig, yung malaki, aming alaga yun ng dugang ng tubig at baka maigahan ay masunog ay pihong lagot kami sa Mamay... maaasbaran kami pag nasupok ang nilagang suman. Yun ay hanggang sa madaling araw ng kapaskuhan ay kami'y mga mulat at agutay nga namin lagi ng gatong ang suman. Pag naluto naman na ay di kanya kanya kaming tikiman. Ang sawsawan pa naman namin ay kung hindi asukal na pula kahit hindi pula😅 ay di santan... yung gata ng niyog na  nilagyan ng asukal tapos inilaga ng matagal...Ah ah ay talaga naman ngang napasarap alalahanin ang nakaraan.

Sorbetes

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sorbetes
Sorbetes
Areng garneng magsosorbetes ay noong kami'y mauunti pang bata ay talaga namang hinding hindi ko makakalimutan... Yan ay malayo pa ya baken baga ito'y ulinig na ulinig na agad namin yung kalembang ang kanyang kampanilyang maliit. Ano nga gang tawag doon? Sa amin ay "kililing" dahil ang tunog ay di gay'on, "kililing, kililing, kililing". Ay sya, ay patikaran na kaagad agad kaming magkakapatid at magpipinsan at abang namin yan sa aming tarangkahan ng bahay at pag daan ay kami'y agad na nagsasabing pabili kahit mga wala namang pera... Ay di ga'y minsa'y kami'y napag asbaran ng Inay at bakit daw kami'y pagkakalakas ng loob na bumili ay mga wala naman daw kuwarta. Tapos ay pagsasabatugan pa raw naman namin ay hindi daw kami dapat binibigyan ng sorbetes na gay'on. Ah ah ay ako'y napaisip eh... ay nasabi ko na la'ang sa aking sarili na ano ga kaya sa Inay ang masipag, ay aturga ko na ngang lahat sa amin, pagsisibak ng kahoy kahit ako'y hagya na makabuhat ng puthaw, pag-iigip, pagtatabas ng looban, pagpapaanyo ng aming alagang baka at kambing... ay sabi ko'y pangkal pa pala ako ng lagay na are. Ala ay yung kain ko sa aking sorbetes eh ang hiyaw ko sa magsosorbetes eh, "pakisingil ho ang Inay" sabay patikar na ako pabahay. Ay di walang nagawa ang Inay kundi bayaran... Ah ah ay noon nga naman ay bago ka makatikim ng isang bagay na iyong ibig ay pagsadami pang rekutikos... Tunay ka naman.

Kapag Libog Ang Pinairal

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Kapag Libog Ang Pinairal
Are'y kaasakang kaasakan noong ako'y nasa hayskul na... Basta bago ang dyip ay maraning marani ay garne ang nakasulat sa mudguard. Lalo na nung magkolehiyo na ako. Ay palagi ko areng nakikita dahil ako noon ay pang gab'i sa college dahil ako'y nagtatrabaho sa araw. Self supporting student ako noong araw eh. Mga taong 1990's yu'on... Yung service naming dyip sa gab'i ay palaging mabilis magpatakbo kaya naman ang tawag namin doon ay si "biyaheng Langit"... Yung drayber namin ay magaling makisama, palagi yu'ong may pakumusta sa iyo pag nakita ka... "Kumusta ika ang pag-aaral... Tandaan ninyong Pag Libog ang Pinairal, Sira ang Pag-aaral"... kami namang mga pasahero ay palaging sabay sabay na binabanggit yun pag naduon na sa huling puntong yun ng pagsasalita yung aming drayber... Ay doon din ako nagkaroon ng unang crush sa service na yuon... Ako nama'y pagkakatorpe noong panahong iyon at ako nga'y hindi naman marunong manligaw... yan gang hirap nga kami sa buhay ay ano ga namang aking ipangde-deyt kung ako ay manliligaw sa isip isip ko na la'ang... ala ay di dinaan sa liham ng pag-ibig... ay may sagot agad... BASTED... Ay hirol ang pusong sugatan... Ako'y napapaumis na la'ang pag aking naaala-ala.

11 August 2023

Sumang Balinghoy

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sumang Balinghoy
Sumang Balinghoy
Areng sumang balinghoy ang hinding hindi ko makakalimutan sa aking tanang buhay na are. Noong kami'y mauunti pang bata ay naku, ay pagsagaling naming gagawa ng sumang balinghoy. Sa aming likod bahay nama'y may mga saging na saba kaming tinanim, ay di basta maulutang magsuman, ako'y kakarit agad ng mga dahong magaganda pa ang suloy lalo na yung mura murang dahon dahon, yun gang talbos na na malapit nag bumukad... yun agad ang aking kuha... ang pangkuha ko naman ay karit na isiningit sa dulo ng tikin. Tapos sa amin namang ila-ilaya ay may balinghuyan kaming kaunti... ay pagsalalaki naman ng laman... Yan gang ang lupa'y pagkakayabo, ay di ang laman ay kumbaga'y hindi supil kundi palarga ika nga ng iba... mayabo ang lupa eh. Ay di pag nakakuha na kami ng balinghoy ay amin na iyong tatalupan... sabi nga sa amin eh "ay talupi" at pag natalupan naman ay di aming yayadyadin na. Pagkatapos naman ay susungkit na kami ng malagihay na niyog... yun gang lampas na sa pagkamura pero hindi pa rin naman magulang at yun ay aming kakayurin para isa sa susumaning balinghoy... Tapos ay lalagyan ng asukal na pula... na hindi naman nga pula... aywan ko nga baga kung bakit kinalakhan ko nang ang tawag ay asukal na pula pero brown naman... Minsa'y nasasabi ko sa aking sarili na ito yata kakong mga magulang ko, mga mamay at nanay at aking mga tiyuhin at tiyahin ay mga color blind... Baken ga nga asukal na pula ang tawag doon...😅😅😅 Ay di pag ayos na at timplado na ang susumaning balinghoy ay di pagpipirasuhin na namin yung nilaib naming dahon at pag napunasan ay sya, pandale na... kanya kanya nang paggawa ng suman... Kaya naman merong malaki, mayroong maliit, may katamtaman ang laki... Tapos pagsa kinabukasan ay may baon na kami nyan... Yun ang kain namin sa miryenda... Ay tunay naman ngang ako'y sarap na sarap doon... Ah ah ay makakapanabig ng kahanggan.

09 August 2023

Miss Angkinin Mo Ako

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Miss Angkinin Mo Ako
Miss Angkinin Mo Ako
Areng mga garneng padale ay talaga namang hakab na hakab sa mga pasahero. Talaga namang mapapaumis ka kapag ikaw ay nakasakay na at makikita mo ang garneng padale ng drayber. Di ga'y may kasabihan nga sa atin sa Batangas na garine "Basta drayber, sweet lover" kaya naman malimit na malimit mong makikita ang mga garneng padale "Miss angkinin mo ako, 'wag la'ang ang kita ko". Aba ay kita mo ga naman ang drayber na are at payag na sya ay angkinin pero wag na wag ang kanyang kinita at pansuhol yu'on sa kanyang asawa. Ay kainaman na.

Simpleng Galawan Laro Na

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Simpleng Galawan Laro Na
Simpleng Galawan Laro Na
Noong mauunti pa kami, mga aanimin o pipituhing taong gulang pa lamang, kaming magpipinsan ay palaging magkakasama kahit saan kami magpunta. Noon kami'y walang iwanan, basta may pupuntahan ang isa kami'y kaagad ay kabit kabit na. Pagtawag sa isa, lahat ay maglalabasan na, kahit ang punta ay sa gubat o kaya ay sa parang at maglalaro ng baseball o kaya naman ay agawan ng base. Nakakatuwa ay pag ang laro namin ay agawan ng base, ay ako nama'y mabilis bilis din ngang tumakbo kaya ang gagawin ko ay ako ang huling magpapahabol lalo na't ang aking mga kakampi ay bihag nang lahat. Pag ako'y nagpahabol ay di lahat ng aming mga kalaban ay hahabol sa akin pero dahil sa maliksi nga ako ng kaunti kaya hinding hindi nila ako mataya kaya nadadagit ko ang aking mga kasama at naii-save. Ala ay talaga namang hihimuhimutok eh ang mga kalaban. Tapos minsan pag hindi agawan ng base ay batuhan naman kami ng kulutan... ah ah ay yun ang pinaka ayaw kong laro... ay pag inabutan ka at napagtulungan na batuhin ng kulutan ay sya, husay ka na. Masakit din naman eh, tapos may mura pa sa Inay dahil pag maglalaba ay maraming nakakapit sa damit ba kulutan. Nakakatuwa rin naman nga eh dahil kahit mga simpleng bagay na aming ginagawa noon ay tunay na pagkasaya talaga. Hindi nawawala ang mga halakhakang walang kaumay umay.

24 July 2023

Ikalabing Isang Utos, 'Wag Kang Pahuhuli

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, ikalabing isang utos, wag kang pahuhuli
Ikalabing Isang Utos, 'Wag Kang Pahuhuli
Sa Sampung Utos ng Pag-aasawa, mayroon ng nagpalabis. Ito'y dinagdagan na ng dalawa kaya naging Labing Dalawang Utos na ng Pag-aasawa. Ang pang labing isa ay garine... "Huwag kang pahuhuli"... Ay kung talagang magaling kang tinamaan ka ng magaling ay pag umabot ka sa gay'ang sitwasyon ay kailangang alam mo ang iyong gagaw'in. Dahil bawal ngang mahuli.. at pag nahuli ka naman ay mayroon pang ikalabing dalawang utos... "Pag ikaw ay nahuli, pitpitin man ang itlog ay wag na wag kang aamin". Ngay'on ay di alam mo na...

16 July 2023

Patayin si Karibal Para Walang Sagabal

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Patayin si Karibal Para Walang Sagabal
Patayin si Karibal Para Walang Sagabal
Are hong garneng mga padale ay katuwaan la'ang... Sa tunay na buhay po ay huwag na huwag ninyo areng gagaw'in at syempre ho'y are'y bawal... ay di kayo'y makukulong pagkakuwan. Are hong mga padaleng garne ay pampalamuti la'ang sa mga mud guard ng diyip at ng ang mga pasahero'y ganahan ng pagsakay... Ay kuruin ga naman ninyong sabihing garne... "patayin si karibal at ng walang sagabal" ah ah ay karumal dumal namang krimen are... ay 'san kayo nagkita ng gay'on? Ay 'di pamihadong kayo'y makukulong... Hayaan ninyo s'yang dumiga ng kanya at kung kayo ng iyong naiibigan ang nakatadhana ay kahit ano pang gaw'in niyang hamatad na iyong karibal ay palagay ko'y sa iyo din ang bagsak niyan. Sabi nga'y magpakahaba haba man ang prusisyon ay di sa simbahan din ang urong.. ay di ga nga'y gay'on.

Make A Full Turn To Jesus Christ

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Make A Full Turn To Jesus Christ
Make A Full Turn To Jesus Christ
Ikaw man ay sabit sa pagsakay sa dyip o kung ikaw naman ay sitting pretty sa iyong kinauupuang pwesto sa dyip na sinasakyan mo, kung ang dyip mang sinasakyan mo ay kung saan ang tungo, lumiko man yan ng pakaliwa't pakanan at maging diretso ay ang 'wag na wag la'ang nating kakalimutan na sa buhay natin tayo'y nagigising sa umaga dahil yun ay hindi sa ating gusto... kundi dahil ginising tayo ng iisang nagbigay ng b
uhay nating ito, walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo. Kaya naman magpakaliwa man o magpakanan  o magdiretso ang buhay mo, ay huwag nating kakalimutang mag "Full turn to Jesus Christ". Oh yan ha, wag naman ninyong sasabihan ako na ako'y masyadong relihiyoso, pero isang bagay la'ang ang sasabihin ko sa inyo... Walang kabuluhan ang buhay ng tao kapag wala si Kristo. Sabihin ninyo "AMEN"...

Mud Guard Sa Dyip


 Alam naman nating tayong mga Batanggenyo ay totoong napakamadasalin... Tayo'y kahit saang lugar makarating ay palaging ang kakabit ay ang mga dasal at panalangin... Kaya naman kahit nga sa mga Mud Guard ng dyip ay makikita mo ang katibayan ng ating pagiging madasalin... At yan ay hinding hindi natin ikinahihiya... ang pagtawag sa Poong Lumikha at ipagmalaking tayo'y Lingkod ni Kristo. Katoliko ka man o kung ano man ang relihiyon mo basta naniniwala ka kay Kristo ay kaigi na. At talaga namang sa aking karanasan ay hinding hindi ka pinababayaan kapag ikaw ay nalapit sa Kanya...

Tinutong

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tinutong
Tinutong
Areng tinutong na garne ay natatandaan ko pa na kapag may lipatan ng bahay sa amin ay kaagad agad na gagawa ang Tiya Tinay ng garneng tinutong... Alam ga ninyo are kung anong lahok? Are'y bigas na malagkit, tapos balatong na isinangag ng kapulahan, yng kalutungan baga na kapag dinurog at iyong tinikman ay hindi mapait... tapos gata ng niyog na bago pa kinayod na nanghingi muna sa kahanggan at baka pag basta kumuha'y maasbaran.😅😅 Ay yun na... pag naluto na'y kagad agad ay maglalagay sa tukil ng isang puno at iyo'y iuunang iakyat sa bahay na lilipatan at yun ay kung hindi nakasabit sa palupuhan ay nasa isang sulok na hinding hindi maiibo ng kahit na sino... ay awan ko baga kung anong ibig sabihin noon at bakit ga iyo'y karaka'y may papagay'on pang nalalaman... alam mo naman ang mga matatanda.. napakadaming pamahiin... ay sa inyo ga.. anong ginagawa pag lipatan ng bahay?

14 July 2023

Tilas

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tilas
Tilas
Kami'y maliliit pang bata noon, sa aming tabing bahay naman ay may puno ng talisay... yun ay kung tawagin namin ay mag-asawang talisay dahil magakatuwangan baga. Ang Mamay naman ay malimit na napunta sa amin at kami'y isinasama sa linang para magbungkal ng lupa. Ang tatay naman noong panahong iyon ay hindi naman kasama at nag-abroad na maliliit pa la'ang kami kaya ang Mamay ang tumayong tatay namin. Sya ang nasupil sa amin pag kami'y sutil. Maipar'on ko ulit sa puno ng talisay na are ay baken baga ito'y kami'y naglalaro ng aking mga pinsan ay akala ko nama'y balat ng kahoy yu'ong nakabalot sa puno at halos kakulay ng balat ng talisay eh, ay yun pala'y puro tilas na. Nakakakilabot baga ang itsura ng aking mapagmasdan... pagsadami. Halos mula sa puno hanggang sa padulo ay puro tilas ang nakakapit. Ang mamay nama'y nakakuha ng isang palapang ng niyog na tuyo na, karaka'y nabigkis ang mga dahon at nasindihan ang dulo ay di pakakuwa'y li'ab agad... yan ga ngang tuyong tuyo na ang mga dahon... at syang iniupong sa puno ng talisay, ay di makikita mong patakan ang mga tilas. Pagkakadami, nakakakilabot talaga. 

Tikbalang

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tikbalang
Tikbalang
Are'y noong ako'y bata pa ay ako'y takot na takot sa garneng tikbalang kahit ako'y hindi pa nakakakita ng garne pag ako'y sinabihan na ng Mamay na "dali, baligtarin mo ang iyong damit at nang hindi tayo mailigaw ng tikbalang" ay di ako nama'y pandalas nga sa pagbabaligtad ng aking kamiseta at baka nga kami'y mailigaw kahit hindi ko naman nakikita ang sina sabi ng Mamay na may tikbalang daw. Pero may isa akong natatandaang pangyayari sa amin ng Kuya na hapon na noon at kami'y galing baga sa mga Mamay. ang bahay naman ng mga mamay ay medyo malayo din sa amin eh. Ay inabot kami ng hapon sa daan, noon nama'y ang mga kahanggan ay isahang kilometro ang layo eh sa bawa't isa, hindi katulad ngay'ong ang bahay ay dikit dikit na. ay di kami ng kuya'y tuloy ang lakad at kami pa'y yabangan ng yabangan sa daan, pampaalis ng nerbiyos at ramdam ko baga'y ang kuya'y takot din at kilis din ang balat dahil sa aming dinadaanan. Ay kung bakit baga naman sa aming pagtawid ng tulay ay nakita namin and Mamay Enteng na nagtatabas doon sa kanyang lado, lupain sa ibang katawagan. Ay di imik kami ng kuya at sigaw na kami ng "Mamay Enteng, gab'i na ho, uwi na kayo ay kakasipag ga ninyo". Ay baken ga ito ay kahit anong palakat namin ay parang hindi kami naririnig. Sabi ng kuya ay atin ikang sundan, sabi ko nama'y, ala'y hayaan mo na at siguro nama'y tinatapos tapos laang yun ng mamay Enteng at uuwi na rin yun... Sabi ko'y sabihan na lamang natin ang mga anak na puntahan at sunduin kung gagab'ihin total kako ay madadaanan naman natin ang kanilang bahay. Ay di nga'y pagdaan namin sa tapat ay sigaw na kami sa anak, sabi nami'y baken baga ang mamay Enteng ay naanduon pa sa inyong lado doon at tabas pa ng tabas ay hapon na. Akalain ninyong kasagot sagot ng anak eh "ano gang nagtatabas ay ang tatay nama'y hindi naalis ng bahay". Noong una'y hindi kami maniwala at sabi ko'y nagyayabang... aba nga't dumungaw ang mamay Enteng at sabi'y kayo ga'y ayaw pang maniwala ay are na. Nagkatinginan kaming magkapatid at sabay paalam na... ay nang makalayo layo laang ng kaunti ay di ga'y kami'y nagpatikaran ng sa bahay na kami tumigil at kami'y parehong habol ang hininga. sabi ko'y ah ah ay totoo pala ang tikbalang...
 

Tibyo o Alkansiya

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tibyo o Alkansiya
Tibyo o Alkansiya
Noong kami'y mauunti pang bata, areng garne ay hinding hindi ko makakalimutan. Ay di nga'y ang bahay namin ay kubo la'ang. Na pagpasok mo sa loob ng bahay ay makikita mo na ang kabahayang ang pinaka sala ay naanduon na ang upuang kawayan pag araw at sa gab'i nama'y aking higaan. Ay sa bandang dulo'y ang aming kusinang kasama na doon ang batalan at banggerehan na sa kabilang sulok ay makikita mo ang tapayang malaking ipunan namin ng tubig. Ay ang pintuan ng aming bahay ay yari din sa sasag na kawayan at yung pinakatukod ay buong buong kawayan. Yun eh ang ginawa ko'y aking nilagarian sa itaas ng isang bias at ginawa kong tibyo... alkasiya ho sa iba. Hulog ko ho doon yung malalaking pisong mabig'at, yung tanso na sabi'y nila'y mahal na daw ngay'on ang katumbas na halaga... ay sa dami ko rin ngang naipong gay'on. Ako naman nga'y may katipiran ding angkin. Sa baon kong piso sa isang linggo, yun ay hindi ko gagastusin. Hulog ko kaagad yun sa aking tibyong ako la'ang ang nakakaalam na mayroon doon. Ay baka pag nalaman ng aking mga kapatid ay masungkit at kanyahin... ah ah ay magkakaribuk kami pag nagkagay'on. Ako naman nga'y may sipag ding taglay, sulasog ko ang gubat sa amin ay ako'y nanalbos ng sili at aking pagbili sa bakayan para la'ang magkapera. Ako'y hindi asa sa Tatay at Inay pagdating sa pera... Palibhasa'y maagang natuto sa buhay, maliit pa'y katukatulong na ako ng Mamay o kaya naman ay ng Tatay sa pagbubungkal ng lupa sa aming linang... 

The Boxer (Cat Fight)

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, The Boxer (Cat Fight)
The Boxer (Cat Fight)
Bakit ga nga pag 'yang mga pusa ay nagbababag ay ano gang pagkakai-ingay... Lalo na yung mga nagbababhanan... ah ah ay ano gang kaikainamang palahawan... Iyang mga pusang gay'an kapag nagpapalahawan na sa aming bubungan ng bahay  ay alam na alam ko kung nagbababag la'ang baga o kaya naman ay nangangande ang pusa ng kahanggan, alam na alam ko sa palahaw ng pusa pag 'yan ay binababhan... bakit 'kanyo? Ay pag ang palahaw na inyong narinig ay ganito "AYAWWWWWWWWWWWWWWWW" iyan ay asahan ninyong sinusulmok na ng barakong pusa 'yung babaeng pusa na kunwari ay ayaw magpababa. Kumbaga ay nilalambing pa yan ng barakong pusa. Pero pag narinig na ninyo na pumalahaw na yung babaeng pusa ng "WOWWWWWWWWWWW!" Ay sya asahan ninyong nagpang-abot na yan... nakaisa ang barako.😂😂😂😂😂

Teleponong Lata

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Teleponong Lata
Teleponong Lata
Noong kami'y maliliit pang bata ay di ga'y hindi pa nga uso noon ang mga gadyet na mayroon tayo ngay'on. Noo'y ang mga may telepono la'ang sa mga basaysay ay yung mga nasa kabayanan o nasa kalunsuran na abot ng linya ng PLDT. Ay yan lamang naman nga ang linya ng telepono noong mga panahong iyon eh... At ang mga telepono noon ay yung may mga kable pa na idadayal mo pang isa-isa ang numero ng iyong tatawagan na papaikutin ang pagdayal bago mo makontak ang iyong tatawagan. Nakow... ay iyong gay'ong uri ng telepono ay hindi alam ng mga kabataan ngay'on. Ipinipiho kong hinding hindi nila magagamit ang gay'ong klase ng telepono pag iyong ipinatesting sa kanila... Ay di maipar'on ko ulit ay dahil sa kami nga ay nasa bukid at hinding hindi pa maabot abot ng linya ng teleponong gay'an ay tiis kami sa garne... are naman ay aming laruan, kunwakunawaring kami'y nag-uusap sa telepono gamit ang lata ng kung minsa'y alaska ipaborada at kung minsa'y kondensada. Lalagyan namin yun ng habang habang liting at kami'y anaki mo'y mga sira-ulo ding salita ng salita na kunwari nga'y magkausap sa tunay na telepono... aba'y kami'y sayang saya na kahit gay'on.

Tayakad

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tayakad
Tayakad
Noong kami'y mga mauunting bata pa ay pagalingan kami sa pagsakay sa Tayakad. Kami naman nga'y mga maliliit pa'y sanay na sa mga gawaing bukid ay di alam na rin namin kung paano gumawa ng mga gay'ang bagay. Iyan kaagad ang itinuro ng Mamay at ng Tatay sa amin noon eh, ang magkutingting ng mga bagay bagay at ang pag nagsilakihan na daw kami'y hindi na kami mahirapang makibagay at makisalamuha at nang marami na daw kaming alam na tarbaho. Ay iyang paggawa ng tayakad ay maning mani la'ang sa amin noon. Ang Kuya'y puputol kaagad ng kawayang katamtaman ang laki, yun gang mga kasing laki la'ang ng braso. Kalimitang kalimitan naming ginagamit ay yung puno ng kawayang tigas at hinog sa panahon. Dahil pag padulo ang kinuha mo at ginamit ay madaling mabingkag... madaling pumutok ang kawayan... sira kaagad. Kaya naman pili rin nga naming maiigi ang aming ginagamit... Pero wala na rin ngang sasaya kapag sama sama na kaming magpipinsan at mga iba pang mga bata na pangarera at unahang makarating sa kabilang ibayo gamit la'ang ang tayakad... bagakbak na ang pawis at hapong hapo sa kakapanimbang at kakatakbo ay balewala la'ang sa amin.
Kakasarap gunitain... ah ah...

Tapusan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tapusan
Tapusan
Areh gang ganering eksena ay inyong natatandaan pa. Areng mga gar'neng sayawan sa amin noon ay pag may piyestahan, o kaya naman ay may tapusan ng Flores De Mayo sa mga tuklungan... Are'y pag kami ang mag padisco ay sundo namin ang mga dalaga at binata sa aming mga karatig barangay, pinadadalhan namin ng service pumunta la'ang. Ang magkakausap la'ang doon ay yung mga presidente ng mga kapisanan... lahat yata ng mga barangay noon ay may mga Kapisanan na tinatawag. Yan ay binuboo ng mga opisyales na itinayo ng mga kabataan... Kaya naman kapag may punsyunan, piyestahan o kaya ay tapusan ng tuklungan o Flores De Mayo ay mga presidente laang ang mga magkakausap at yari na... Kanya kanya nang dala ng mga dalaga... Nausap kami ng mga diyip na pupwedeng sirbisin, makaon la'ang ang mga kadalagahan... Ah ah ay pag minsan ay may mga mayayabang din at yan ay hindi nawawala sa mga padiskong gay'an... ay di ga'y minsa'y babagong nasarap ang sayawan ay karibok na aga... ah ah.. nakakasura...