Are ang probinsya kung saan ako nagmula. Ipinagmamalaki kong ako'y ipinanganak na Batangueño... Ito ang probinsya ng mga magigiting,ng mga matitikas at kung minsan ay ng mga mabuladas kung saan ipinanganak ang karamihan ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban sa mga manlulupig alang alang sa kalayaan ng ating bansang Pilipinas. Isa na riyan ang tinaguriang "Ang Dakilang Lumpo" na walang dili't iba kundi si Apolinario Mabini. Siya'y ipinanganak sa Barangay Talaga, Tanauan Batangas. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang naging bahagi ng "Dakilang Lumpo" sa himagsikan laban sa mga kastila ay are ho ang kanyang mga ginawa... baka ho kayo'y nag-iisip na lumpo naman eh ano gang magagawa sa himagsikan eh hindi naman kayang lumaban.
Si Apolinario Mabini ho ay isang napakatalinong tao at
may napakatibay na paninidigan. Kahit paralitiko siya,
sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa
Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao at naging tagapayo siya ni Heneral Emilio
Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano at siya ho ang tinawag "Utak ng
Himagsikan."
Isa pa sa mga magigiting na bayaning tubong Batangas na kipagbalitaktakan ng husto sa mga kalabang manlulupig noong kanyang kapanahunan ay si Heneral Miguel Malvar. Siya ang namuno sa Batangas sa paghihimagsik laban sa mga kastila noong 1896. At alam ga ninyong nag-alok ng malaking halaga ang mga kastila mahuli laang siya buhay man o patay. Subalit alam ninyo naman tayong mga Batanggenyo ay mauutak...ay gagaling pa ga sila sa atin.... eh di ang ginawa ni Heneral Miguel Malvar ay nagtago sa bundok ng Makiling...naku...pagkakabugnot ng mga kastila nung hindi siya mahuli. Alam ga ninyo ang ginawa ng mga kastila, mahuli laang siya... hinuli nila ang ama ng Heneral na magiting... pero sabi ko naman sa inyo.... magaling talaga ang Batanggenyo... ay nailigtas niya ang kanyang ama eh... kung papaano ay wag ninyo na akong tanungin dahil wala pa akong makitang detalye kung papaano niya iniligtas ang kanyang ama. Isa rin siya sa mga naging tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging Tinyente Heneral siya sa paghirang sa kanya ni Aguinaldo. Nakilala siya bilang isang bayani ng Zapote sa digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang kahuli-hulihang heneral na sumuko sa mga amerikano.
At napakarami pang Batanguenyo ang nag-alay ng kanilang buhay, ng mga kakayahan, ng oras at talento para sa bansang Pilipinas na nakilala sa buong kapuluan. Hindi rin makakalimutan na ang kauna-unahang barkong pandigma ng Katipunan (Philippine Navy) ay bigay ni Donya Gliceria ng Taal at wag na wag din nating kakalimutan ang ang tumahi ng kauna-unahang watawat ng Pilipinas ay si Marcela Agoncillo na tubong Taal Batangas din.
Kaya ipagmalaki nating tayo'y Batangueño, lahi ng magigiting at bayaning Pilipino. Masipag, mabuladas pero may mababang loob at takot sa Amang Lumikha.
30 September 2013
Kaunting Dais Pa
Kaunting dais pa at nasa Batangas ka na.... Kailan ka pa ga napasinsay ng Batangas.... palagay ko'y matagal tagal na panahon na rin nga... Ilang taon na baga sa abroad? Nasilayan mo na ga ulit ang iyong mga iniwang mahal sa buhay? Kung hindi pa uli ay sya... dagos na... kailan pa ga? Ilang taon pa ga ang gustong bunuin para bumisita? Gaano ga karaming pera ang kailngan para makabakasyon man laang... Ang sa akin baga'y payo laang.... wag ninyong isipin ang sasabihin ng kahanggan kung wala man kayong madaming pasalubong na dala... tandaan ninyong nandito tayong nagpapakahirap sa pagkita ng pera at hindi natin pinapala ang dolyar para laang gastusin sa walang kawawaang bagay o kaya naman ay para laang makapagpasikat pagdating sa atin kaya tayo'y kabikabila ang pabarik dine at pabarik doon. Maniwala kayong gay-ang gay-an ako noong una kong sinsay sa basaysay galing dito sa Israel. Ay ngay-on ko laang napag isip isip na dapat pala ay maging matalino ako sa pag gastos ng aking sariling pinaghirapan. Kailangang sa mga mahahalagang bagay ko na laang ilagak kung may pera man akong dala. Hindi ho masama ang makisama... hindi naman ho tayo nagdadamot eh... yung minsang makapagpabarik tayo ay ayos laang pero pag palagian naman ho at akala mo tayo'y milyonaryo sa atin kung gumastos eh mali ho naman yun.... iyon ang tinatawag na "one day millionaire" pagkatapos ng ilang araw ay gusto na ulit dumagos pabalik ng ibang bansa dahil ubos na ang perang pinagpaguran ng ilang taon. Bakit kanyo? Eh hindi nagastos sa tama eh... eh di iilang araw pa'y nganga na kaagad.... balais na at wala ng magastos.... Ano ho ang gagaw-in.... tatawag o kaya ay magtetext sa kasamahan sa ibang bansa... mangungutang... at saka babayaran pagbalik at kumikita na ulit.... Gay-on ga nga ho... palagay ko'y malapit-lapit ito sa katotohanan...hindi pa nagtatrabaho ay may babayaran na ulit na utang... ay di ga'y yun ang tinatawag na isang "MALAKING KATANGAHAN" makapagparangya laang. Ngay-on ho ay hindi na yaan uso... pagtitipid na ho ang pausuhin natin ngay-on para sa oras ng ating pangangailangan ay tayo ay may madudukot. Tama ga ho?
Tikbalang
Kayo ga'y naniniwala pa sa mga tikbalang, nuno sa punso at kung anu ano pang mga engkanto? Naaala-ala ko pa noong kami'y nakatira pa sa kabukiran... kasama ko ang aking mamay sa gubat para mangahoy ng pangatong sa abuhan namin...ako'y maiihe ay sabi sa akin ng aking mamay ay magpatabi muna daw ako bago umihe at baka manuno... garne daw ang aking sabihin.... "Tabi po nuno po, ako po'y iihe... lumaki na ang ute'y wag laang ang itlog".
The Original Play Station
Sino sa inyo ang naranasan ang ganito noong bata pa kayo? Ay di baga'y are ang tinatawag na tunay na palaruan kumpara sa ngayon na puro na laang telepono at tablet o kaya naman ay computer ang hawak ng mga kabataan. Mabibilang na laang sa mga daliri ang ganitong tanawin sa kasalukuyan.... mga kabataang naglalarong sama-sama na malayo sa teknolohiya gamit ang sariling lakas ng katawan at isipan kumpara sa gusto ngay-on ng mga kabataan ay puro kumpyuter na. Kulang na kulang na sa inter-aksiyon ngay-on kahit pa ang mga may edad na. Pag napa-upo sa isang tabi tapos hawak ang smart phone ay ayos na... naaari nang walang kausap... kahit pa iyan ay ilang oras na nakaupong mag-isa... ika nga eh nagkakaige na basta nasa Piysbuk o kaya naman ay naglalaro ng mga kumpyuter games.
Tunay nga pong napakalayo na ng nararating natin sa larangan ng teknolohiya sa panahon ngay-on pero ang tanong po ay garne.... kasama bagang umuunlad ng teknolohiya ang ating pakikisalamuha sa ating kapwa...dahil sa kita ko baga'y mukhang tayo'y natandang paurong. Oo nga'y maunlad na ang ating teknolohiya pero tinuturuan tayong maging tamad at palaasa... bakit kanyo? Tanong laang ho... sino sa inyo ang hindi alam ang oras kapag walang cellphone. Sino ang saulo pa ang mga numero ng mga mahahalagang tao sa buhay natin na kahit hindi tingnan sa peborit ng smart phone ay kayang idayal ang number? Eto po ang isang napakabig-at na katotohanan na darating ang pagkakataong hindi na kakailnganin ng tao ang mag isip para sa sarili niya sapagkat lahat ng tarbaho ay gagawin na lamang ng teknolohiya at diyan po magsisimula ang pinakamalalang sakit sa buong mundo.... ang Alzheimer sapagkat ang atin pong utak ay nakapaprogramang mag isip tapos hindi na gagana dahil sa mga adbans na teknolohiya na mag iisip na laang para sa iyo. Ah ah ay nakakalungkot naman kapag kay-on ang nangyari.
Dambanang Dalanginan
Are'y kwentong tunay na ating-atin laang... mga ka-batang sa buong mundo.. kayo na ang humatol. Alam naman nating pagdating sa mga kuwentong lugaw eh marami tayo niyan. Kahit pa nga anong gaw-in ng iba, tayo'y sadyang may sariling ating talaga namang yunik na yunik lalo na pagdating sa mga kalokohan este sa mga kabutihan.. di ga nga ho?
Dambanang Dalanginan
Noong araw, hindi pa naman masyadong katagalan ay may tatlong magkakaibigan na nagpunta sa kabundukan ng Bundok ng Makiling upang mangaso. Isang Maneleño, isang Ilokono, at isang Batangueño.Sa paghahanap nila ng mababaril na usa at baboy-damo ay napasulangot sila sa
isang tribo ng mga katutubo. Sila ay hinuli at iniharap sa pinaka-hari
ng tribu. At dahil sa sila'y mga dayo at ang akala'y mga kalaban ng tribu, sila'y hahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpugot ng kanilang ulo kung hindi masisiyahan ang napakagandang anak ng hari sa kanilang mga isasagot sa anumang itatanong sa kanila ng prinsesa.
Unang tinanong ang Manileño..
Prinsesa : "Anong tawag mo rito? Sabay turo sa pisngi ng prinsesa.
Manileño : "Mahal na princesa ang tawag po namin diyan ay 'Pisngi'".
Hindi nasiyahan ang prinsesa kaya pinugutan ng ulo si Manileño.
Sumunod na tinanong ang Ilokano ...
Prinsesa: "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito? Sabay turo sa mukha.
Ilokano: "Mukha" po mahal na prinsesa ang tawag po namin diyan".
Hindi rin nasiyahan ang prinsesa. Pugot ulo rin si Ilokano.
Takot na takot na si Batangueño pero sumagot siya nang tanungin ng
prinsesa ...
Prinsesa: "Ikaw ginoo, anong tawag mo rito?" Sabay turo sa noo.
Batangueño: "Ang tawag po namin diyan sa Batangas mahal na Princesa ay
"dambana ng tuwa, galak at pag-galang".
Princesa: "Ipaliwanag mo ang iyong kasagutan, ginoo".
Batangueño: "Dahil po sa amin po pag kami ay natuwa, nagalak o kaya ay gumalang,
kami po ay humahalik diyan".
Prinsesa: Sabay turo sa dibdib/suso "anong tawag mo rito?"
Batangueño: "Mahal na prinsesa, ang tawag po namin diyan ay "bukal ng buhay at
kalusugan,dahil diyan po umiinom ang mga bata upang mabuhay at maging
malusog".
Prinsesa: Sabay turo sa bandang sikmura/tiyan, "anong tawag mo rito?"
Batangueño: "Bartolina po naman ang tawag namin diyan, dahil siyam na buwan nakukulong ang aming mga anak diyan bago isilang"
Prinsesa: "Anong tawag mo rito? Sabay taas ng palda at itinuro ang ari
na walang suot na panty (walang panti, ay hindi pa uso noon eh).
Batangueño: (Nang makita ng Batangueño ang ginawa ng Prinsesa, siya'y napaluhod at sabay antada ng krus sabay sabi) Mahal na Prinsesa, ang tawag po
namin diyan ay "DAMBANA NG DALANGINAN" dahil diyan po namin itinitirik ang
aming mga kandila! (sabay bulong sa sarili)
Eh eh, ay kainamang prinsesa are... ay walang buhok eh.... klasi'ng lugon....
Nasiyahan ng husto ang Prinsesa sa mga sagot ng Batangueño kaya pinalaya niya ito at hiniling na maging asawa.
This is a story of our own... to all Batangueño all over the world, only you can be judge of this. We already know that when it comes to short gag story, we have a lot. What ever other Tagalog speaking people do, we Batangueño have our own and unique style of making people laughed... am I right?
Altar of Prayer
Long time ago, but not so long... there are three friends went for hunting in Mount Makiling. One of them is Manila boy, one is Ilocano and one is Batangueño. While seeking for wild boars and deer, they unintentionally found a very cruel tribe and they were captured and presented to the king. And because they visited their place without being invited, they suspected them that they are enemies of the tribe, so they are condemn to death by cutting their head if the beautiful daughter of the king did not enjoy to all the answer that she will going to ask to each of them.
The princess ask first the Manila boy.
Princess: What do you call this? (As she pointed to her cheek.)
Manila Boy: Your most highness, my dear Princess, we called that in our place "pisngi" (cheek).
But the princess didn't enjoy for the answer so she decide to beheaded the Manila boy. The next question goes to Ilocano.
Princess: What do you call this? (As she pointed to her face.)
Ilocano: Your most highness, my dear Princess, we call it "mukha" (face) in our place.
But as still the princess didn't enjoy for the answer of the Ilocano so she decidec to cut his head. The Batangueño is so afraid that even his body is shaking but he need to answer the question of the princess.
Princess: You, mister.... what do you call this? (as she pointed to her forehead)
Batangueño: Your most highness, my dear princess, we call that in our place the "shrine of excitement, joy and reverence".
Princess: Please explain to me your answer mister...
Batangueño: Because in our place, we are grown of the teaching by our parents that when we are enjoy and excite we kiss in the forehead as respect to a person.
Princess: ( as she pointed to her breast) What do you call this?
Batangueño: My dear Princess, we called it "source of life and health" because from this all the children are drinking to live and have good health.
Princess: (as she become more interested to what the Batangueño will answer to her answer ask more another question) What do you call this? (as she pointing to her stomach)
Batangueño: My dear Princess, we called it "dungeon" in our place because for nine months we imprisoned our child there before they will born.
The princess become more interested to him and ask one last question.
Princess: This is the my last question.... what do you call this? (as she pointed to her reproductive organ)
As he saw of what the princess did, he knelled down and do the sign of the cross.
Batangueño: My dear Princess, we called it in our place 'THE ALTAR OF PRAYER" because in "there" we are putting our "candle".
And the princess enjoyed to all the answered that she heard from Batangueño and she freed him and ask him to be her husband.
27 September 2013
Wheel of Life of a Man
Are naman uli ang padale ng Mamay Itong... ang simpleng gulong ng buhay ng kalalakihan. Napakasimple nga po kaya naman nais kong ibahagi sa inyo... paikot ikot laang ho are.... ika nga eh iyu't iyon din.. at are'y walang katapusan... pagilong gilong ika nga.
Are ho iyon.
Pag may lakas, may trabaho...
Pag may trabaho, may pera...
Pag may pera, may asawa
Pag may asawa, may mga anak....
Pag may mga anak, ubos ang lakas
Pag ubos ang lakas, walang trabaho
Pag walang trabaho, walang pera
Pag walang pera, walang asawa
Pag walang asawa, walang mga anak
Pag walang mga anak, may lakas
Pag may lakas, may trabaho...
Pag may trabaho, may pera...
Pag may pera, may asawa
Pag may asawa, may mga anak....
Pag may mga anak, ubos ang lakas
Pag ubos ang lakas, walang trabaho
Pag walang trabaho, walang pera
Pag walang pera, walang asawa
Pag walang asawa, walang mga anak
Pag walang mga anak, may lakas
Sa muli't muli pong pagsasalin sa wikang English na ako nama'y hindi masyadong magaling dine eh are ang aking nabanghay:
Wheel of Life of a Man
If you have strength, you have job
If you have job, you have money
If you have money, you have wife
If you have wife, you have children
If you have children, you don't have strength
If you don't have strength, you loose your job
If You don't have job, you don't have money
If you don't have money, you don't have wife
If you don't have wife, you don't have children
If you don't have children, you have strength
If you have strength, you have job
If you have job, you have money
If you have money, you have wife
If you have wife, you have children
If you have children, you don't have strength
If you don't have strength, you loose your job
If You don't have job, you don't have money
If you don't have money, you don't have wife
If you don't have wife, you don't have children
If you don't have children, you have strength
25 September 2013
Busina
Joke time po ulit tayo... alam ninyo naman pag Batangueño, lahi tayo ng mga masayahin at palabiro. Kaya sa atin, kahit na maedad na eh mukhang bata pa rin, hindi hahalataing pinag-uugatan na.... ay gay-an tayo eh.... paaanhin baga.
Busina
Isang araw si Rudeh at ang kanyang Darleng ay nagkataratong kumain sa labas.
Rudeh: Darleng tayo'y may lakad mamaya, susunduin na laang kita. Pag ako'y bumusina, lumabas ka na kaagad ng bahay, ha!!!
Darleng: "Ok hon," teka ano bang dala mong sasakyan, kotse ba?
Rudeh: Hindi!
Darleng: Motor?
Rudeh: Hindi rin!
Darleng: Ah baka van...
Rudeh: Ay naku, mas lalong hindi!!!
Darleng: Ay ano bang sasakyan mo?
Rudeh: Ay di busina!!! Ay paanhin, sabi ko'y bubusina laang eh... at saka sabi ko nama'y may lakad tayo eh... hindi ko naman sinabing tayo'y sasakay. Ah ah... ay asa agad eh. Ano ga yuon?
Some Batangas Expression
Some Batangas Expression
Patikar- Tumakbo..
Bangi- Ihaw..
Nagtiwarik- Natumba patalikod.
Nakabalandra- Nakaharang.
Nagsungaba- Nadapa una ang mukha
Karibok- Kagulo
Samlang- Burara.
Pinindot- Pagkain kapag bagong blessing ang bahay,
bilo-bilo sa ibang bayan.
Pag nakausap ko kayo tapos garne ang imik ko garne ho ang ibig kong sabihin, garne din ako eh..
Patikar- Running fast
Bangi- grilling
Nagtiwarik- Fall down on the floor touching the back first
Nakabalandra- Something blocking on the way
Nagsungaba- Fall down on the face
Karibok- Chaos
Samlang- Messy
Pinindot- rice flour dough rolled in small pieces and cooked with coconut milk and sugar usually done when there's a blessing of the house.
When we talk like this and I say it this way, this what I mean, because I am like this.
Patikar- Tumakbo..
Bangi- Ihaw..
Nagtiwarik- Natumba patalikod.
Nakabalandra- Nakaharang.
Nagsungaba- Nadapa una ang mukha
Karibok- Kagulo
Samlang- Burara.
Pinindot- Pagkain kapag bagong blessing ang bahay,
bilo-bilo sa ibang bayan.
Pag nakausap ko kayo tapos garne ang imik ko garne ho ang ibig kong sabihin, garne din ako eh..
Patikar- Running fast
Bangi- grilling
Nagtiwarik- Fall down on the floor touching the back first
Nakabalandra- Something blocking on the way
Nagsungaba- Fall down on the face
Karibok- Chaos
Samlang- Messy
Pinindot- rice flour dough rolled in small pieces and cooked with coconut milk and sugar usually done when there's a blessing of the house.
When we talk like this and I say it this way, this what I mean, because I am like this.
Bubukol
Rudeh: Mam, bubukol ga ho ang utot sa pantalon?
Titser: Aba'y tawaring bata naman are... kahit gaano
kalakas ang utot mo hindi ya-an bubukol...
Rudeh: Ah ah... ay nakakabugnot talaga! Sabi ko na nga baga at tama ang hinala ko....TAE TALAGA ARE...
Titser: Ay suskopoooooo Rudeh!!!
24 September 2013
Nalingon Sa Pinanggalingan
Sa ating mga Pilipino karaniwang karaniwan na ang mga kasabihan.... lalong lalo na sa atin sa Batangas. Sapagkat tayo'y mayaman sa panitikan at kaalaman. Karunungang buhat pa sa ating mga "Mamay at Nanay sa Talampakan"....... ay syempre kung may mamay at nanay tayo sa tuhod eh di mer-on din nyan sa talampakan...unawa na yan ng mga Batangueño.
Sa tulad nating mga Pilipino, alam na alam natin ang kasabihang "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan" at tayo naman ay naniniwala dito.... Ang kasabihang ito ay sumasalamin sa mga taong malayo na ang narating... kumbaga ay naabot na ang mga minimithi sa buhay o kaya naman ay sa mga tulad nating malayo na nga ang narating.... ay nasa ibang bansa na eh... ay di nga'y malayo na ang narating. Sa mga tulad nating nangingibang bansa at nagpupunyaging makaipon ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng ating mga mahal sa buhay... wag na wag naman nating kakalimutan ang ating pinagmul-an.... lalong lalo na yuong mga naninirahan na sa ibang bansa at matatagal nang hindi nakakasinsay sa kanikanilang pamamasaysay. Oo nga po at sa atin ay mahirap ang buhay pero wala na pong sasarap pa sa pakiramdam na makatuntong ulit sa ating lupang tinubuan... tama ga po? Wag naman po nating kalilimutang minsan din tayong naglupagi sa gabukan, nagpagilong gilong sa kugunan, nagtampisaw sa sanaw na daan at naglaro ng bangka-bangkaan sa lanip na balisbisan at kung maaala-ala pa ninyo na minsan na rin tayong nakatulog sa matigas na papag sa ilalim ng manggahan sa haplos ng hanging amihan...at pag tagkabute'y sugasog ang sukalan, makakita laang kahit pasibol ng kahanggan ay daleng dale na basta wag laang magpapaabot at baka matarakan. Samahan pa ng panakaw na pag-akyat sa santulan ng may santulan at duhatan ng may duhatan, iging ige kahit na mabakle ang sanga makapanguha laang.... daig pa ang naglilihi kahit pa iya'y puno ng langgam at kuwiteb ang mga sanga at sa puno ay puno ng hantik...at pag tagsinegwelas nama'y kanya kanyang akyat kahit pa yaan ay puno ng tilas... bale wala yaan basta mapagbigyan laang ang naglalaway bibig na kahit pa nga mangga ng kahanggan ay binabalibang.
Ala ay di baga'y kakasarap gunitain ng ating pinanggalingan. Gay-on ga din po kayo nuong inyong kabataan?
It is common to us as Filipino to believed in so many "sayings" specially us Batangueño. Because we are rich in literature and knowledge. Knowledge that came from our old ancestors like our grand grand grand father and mother.
For us we know one of the saying and we believed in it that "someone who do not look back at his origin will never get to his destination". This saying mirror so many people who are now very far from where they are before. Two things can explain this saying... one is... a person who already fulfill his dream and want to go on but if he will not look back from his origin,he may fall down on the way before he can reach his dream... and two is someone like us... people who are gone to work in the other country to earn for a living and to give our love one an easy life and everything they need. For us may I say, please do not forget where you came from specially to all of our kababayan that already living in the other country and didn't yet make any vacation to their homeland. Yes indeed that life in our own country is so difficult, but there is nothing compare to a feeling of stepping again to our homeland. Don't forget that one day in our life when we were still in our homeland, we used to sit even in the dusty places, we used to play in grassland, we used to step in the water on the way to our home from school, and play paper boat in the flood street near our house. We also sleep in the hard bamboo bed under the mango tree with the blowing of the soft wind which make you fall sleep fast. And don't forget that when the mushroom season come, we used to go to the forest just to find some mushrooms...together with the climbing of "santol" tree and "duhat" tree or "sinegwelas" tree and even the unripe mango of our neighbor, we used to throw some piece of wood just to get some fruit.
Whew!!! How sweet to remember our past... our childhood...to look back where you came from....
Airplane Accident in Batangas
An airplane crashed at a town in Batangas (again).
MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
Mamay Itong: Ala eh, nakow, garne ga utoy… Kakaalmusal ko laang, gayak ako’y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo’y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
Media: Ano daw?
Heartache
Kayo ga'y nakaranas nang mangimay ang paa... di ga'y pagkakasama ng pakilasa... Gay-on din daw ang puso ng tawo, napapagod, nangangalay at dumadating sa puntong nangingimay....
Are'y alam na alam na ng mga taong nakaranas na ng pusong hirol, mga tawong sinaktan ng katarato at ipinagpalit sa iba ang pag-irog. At karamihan at hindi ko naman nilalahat pero ang totoo'y maraming mga lumalawig sa ibang bansa ang nagkakagarne pagdating sa pag-irog. Minsan ang katarato'y naiinip kung kailan ang dating para lumagay sa tahimik... kaya natutuksong sa iba ay pumatol lalo na ang mga kalalakihan. Pag nakakita ng magandang babae'y karakaraka'y garol ang pambalinghoy.... ay di ang resulta at dulot sa katarato'y pusong hirol. At pag paulit ulit nang ginagawa ay kalimitang bukambibig ay "ako'y pagod na, ngimay na ang pusong buong buong inialay" kaya kahit ano pa ang maging dahilan at nais pa ng katarato na makipagbalikan... ay aayaw na.... aayaw ng maging TANGA.
Gay-on laang naman daw talaga ang buhay sa mundo...dalwang klase... manloloko at nagpapaloko.
Ay ikaw ga, saan ka ga lulugal? Ay lumugar ka sa kung alin ang tama... wag kang pangod!!! Wag bibitiwan ang mga salitang pangako kung hindi rin laang kayang panindigan... tandaan ninyong sa ating mga Batangueño, hindi tayo gay-an... tayo'y may isang salita at may sariling paninindigan.
Gay-on nga ga? Sana'y hindi ako nagkamali...
Have you experience of foot numbness, that was so disgusting and so irritating, right? Heart of a person is something like that also... it feels tiredness, and sometimes numbness in terms of loving someone.
This kind of feeling is well known to many persons who suffered heartache and heart break not only once but many times because they loved someone with all of their heart. This kind of feelings are always happened to someone who go to the other country to work and left their love in their homeland for the meantime but take note I didn't tell that everyone are like this but more often this is the truth and nothing but the truth that are happening to our fellow men specially to most of the guys. Again I will say this, not all of them!!! But some of them. Most of the guys, when they saw some beautiful women, nice body, beautiful face, etchetera.... they already forgot that they have wife left their in their homeland... Most of the guys, when they get out of their house... they are already SINGLE. So when it happened several times and every time it will happen they just say SORRY, we say that this is it... ENOUGH!!!
They say that their are only two kind of persons in this world... the one who fools and the one who let them to fooled them. What would you choose? The choice is yours. But it is necessary that you choose the right things because I believed that there is KARMA... the good and the bad. Don't say the promise that you cannot stand with. We as Batangueño, we are not like that. We have one word and we know how to do our promises. We have our own dignity.
Am I right? I hope I am right!!!
23 September 2013
Prayerful Batangueño
Alam naman ng lahat kung gaano tayo kamadasalin. Ito ang bagay na hinding hindi natin makakalimutan na tagubilin at ipinamana sa ating mga magulang ng ating Mamay at Nanay na ipinamulat naman sa atin ng ating Inay at Tatay....Ang pagdadasal ng Santo Rosaryo tuwing ika anim ng gab-i... at pagsisimba tuwing araw ng Linggo at pagtawag sa Maykapal kahit anong oras natin gusto. Minsan pa nga ay nagsi-set tayi ng oras sa isang araw para lamang makadaupang palad ang sa atin ay lumikha.
Kaya naman kahit saang lupalop pa ng mundo tayo makarating, kahit pa iyan ay disyerto o kaya naman ay lugar na nagyeyelo o kahit pa alon sa dagat na mas mataas pa sa kampamento at simboryo ng simbahang Imaculada Conception .... hindi tayo basta basta natitinag... ay malakas ang kakampi eh.... si Amang Hari. Gay-an tayo eh....gay-on ga kayo? Ay kami'y gay-on!!!
Kaya naman kahit saang lupalop pa ng mundo tayo makarating, kahit pa iyan ay disyerto o kaya naman ay lugar na nagyeyelo o kahit pa alon sa dagat na mas mataas pa sa kampamento at simboryo ng simbahang Imaculada Conception .... hindi tayo basta basta natitinag... ay malakas ang kakampi eh.... si Amang Hari. Gay-an tayo eh....gay-on ga kayo? Ay kami'y gay-on!!!
Homesick
Ilang taon na rin nga pala ako dito sa ibang bansa... Kulang kulang dalwampung taon na rin nga pala eh... kakabilis din nga ng panahon. Parang kailan laang ng lumawig ako dito sa Israel... Pasibuhat noong 2005 iisang beses pa akong napasinsay sa basaysay namin sa Batangas City. Kadami ng mga bagay ang nagbago sa aming lugar eh... Meron na ngay-ong SM, mayroon na ring Robinson sa Lipa... Ah ah... pakiwari ko'y maliligaw na ako pag umuwi ulit sa amin... baka hindi ko na matukoy ang paamin. Nami-miss ko na rin ang aking Inay, ang Tatay, ang sinaing na tulingan na nooy aking kinaiinisan dahil iyu't iyon din laang ang pang-ulam...ay pag pala napalayo ka at di mo nakikita ay talaga palang mami-miss mo.
Naala-ala ko tuloy pag nasintahan naming magbarik kahit katanghaliang tapat, nakuw... tirik ang araw ay tirik din ang mata dahil sa kalasingan. Minsa'y nagtitiwarik na sa pagkaka-ungkot sa barikan, pag hindi tiwarik eh sungaba ang inaabot...Baken ga ito'y palagi rin namang nabarik eh akala mo'y palaging sabik at pag nakatan-aw ng alak eh, natulo ang kayat, naglalaway na akala mo'y bang-aw. Minsa'y kahit sipol ang pulutan ay pandaleng pandale. Hind naman ako yun... mga kabarikan ko yun...pero minsa'y gay-on din buti na nga laang at napalaot ng lawig, napalayo na sa mga gay-ang bisyo. Nakakamiss din pero palagay ko'y hindi ko na uulitin ang mga gay-ong bagay. Pag napasinsay ulit siguro ako sa ami'y tama na sa akin ang timus, dahil dine'y hindi naman sasabihing hindi nakakatikim ng alak... naka-kupita pa nga pag iniinom...
Ang pinakakinasasabikan ko ngay-on ay ang mga huntahang walang kaumay-umay, barkadahang yagyag buwik pag naisipang mag-stroll ay kung saan saan na rin nga mapasulangot , ang hilhilang walang kapantay, mga biruang nauuwi sa totohanan at ang mga hagalpakang hinding hindi mababayaran. Ah ah.... tamang kainaman....
Saka ko na laang isasalin are sa English, baken baga ako'y parang natuyuan ng utak... walang pumasok sa kukute eh.... hirap ga nitong inaalituhan ng ganitong pakiramdam... oh homesick... layuan mo akoooooooo.... sapat na ang minsa'y dinalaw mo ako!!!!!!!
Naala-ala ko tuloy pag nasintahan naming magbarik kahit katanghaliang tapat, nakuw... tirik ang araw ay tirik din ang mata dahil sa kalasingan. Minsa'y nagtitiwarik na sa pagkaka-ungkot sa barikan, pag hindi tiwarik eh sungaba ang inaabot...Baken ga ito'y palagi rin namang nabarik eh akala mo'y palaging sabik at pag nakatan-aw ng alak eh, natulo ang kayat, naglalaway na akala mo'y bang-aw. Minsa'y kahit sipol ang pulutan ay pandaleng pandale. Hind naman ako yun... mga kabarikan ko yun...pero minsa'y gay-on din buti na nga laang at napalaot ng lawig, napalayo na sa mga gay-ang bisyo. Nakakamiss din pero palagay ko'y hindi ko na uulitin ang mga gay-ong bagay. Pag napasinsay ulit siguro ako sa ami'y tama na sa akin ang timus, dahil dine'y hindi naman sasabihing hindi nakakatikim ng alak... naka-kupita pa nga pag iniinom...
Ang pinakakinasasabikan ko ngay-on ay ang mga huntahang walang kaumay-umay, barkadahang yagyag buwik pag naisipang mag-stroll ay kung saan saan na rin nga mapasulangot , ang hilhilang walang kapantay, mga biruang nauuwi sa totohanan at ang mga hagalpakang hinding hindi mababayaran. Ah ah.... tamang kainaman....
Saka ko na laang isasalin are sa English, baken baga ako'y parang natuyuan ng utak... walang pumasok sa kukute eh.... hirap ga nitong inaalituhan ng ganitong pakiramdam... oh homesick... layuan mo akoooooooo.... sapat na ang minsa'y dinalaw mo ako!!!!!!!
21 September 2013
Bahite
Bahite na naman si kuya.... papaano baga'y wala ng ginawa sa maghapon kundi ang umungkot sa silong ng basaysay... makipaghuntahan ng mga bagay na wala namang kawawaan.... kung minsan pa'y bahite na nga'y dadayo pa sa kahanggan para makipag pusoy at tong-its. Ah ah ay pambihira na.... nadaan ang maghapon ay parang patay na hipon... nagpapatianod na laang sa agos ng ilog. Ay libog-libuge at 'wag laging parang himatluging kung papaano. Pangarap palaging gumanda ang buhay, ikaw nama'y ubod ng kapangkal... ay ano bagang gustong mangyari sa buhay na are.... Tandaan mong ang grasya'y hindi yaan kusang lumalapit.... iyan ay pinaghihirapan at pinagpapatuluan ng pawis. Panay nga ang dasal na sana'y guminhawa ang buhay ay wala namang ginagawa para mangyari ang ginugusto. Sa atin sa Batangas, may kasabihan tayong nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Araw araw na laang eh abot ang daing na walang pambili ng bigas na maiisaing, walang pambili ng pang-ulam...baro pa'y hindi makabili.... ay kung naghahanap buhay baga eh di baka katuawaan ka pa ng Mamay Itong....Ay hulong at maghanap ng trabaho.... Sa Batangas, tandaan ninyo.... bawal ang PANGKAL!!!
"Bahite" in Batangas language means without money as in empty pocket. Nothing at all. So I will translate it again so that our dear readers that don't speak Tagalog or Filipino or not a Batangueño can understand what I write here. As usual be very patient with my English because I am not so good in this kind of language.
"Kuya" in Filipino is respect to my older brother or the man a little bit older than me. "Kuya" means "my older brother" in a family but as respect to a person in our community even he is not my real brother and he is rather a little bit older than me, we use to call him "kuya"... this is just to take note my word "kuya" in the first sentence of this post.
Here we go:
"Kuya" don't have money in his pocket as always.... just because he did nothing the whole day rather than to sit under their house and talk to every by passer everything even it is nonsense things. Sometime even he has no money, he will go to the neighbor to play cards...to gamble. This is ridiculous, just because he let the whole day to pass as if he is like a dead shrimps in the river that just go with the flow of it.
What I can say to him is why not to exert a little bit effort to earn money for a living and not to waste the whole day doing nothing. You always dream of a good life but you are still so lazy that you don't want to stretch even one of your bones to make for a living. So what you really want to your life? Just remember that the abundant grace will not coming into your way.... you need to seek and to sweat it and do effort to gain it. Even you are always praying to God to have a good life but your still doing nothing to have it, it will be useless. Remember that we have a good saying in Batangas, " The mercy is in God but the effort is in human". Always remember that in Batangas... Laziness is Forbidden!!!
I don't know if I say it correctly but I hope that you get the real message.
I don't know if I say it correctly but I hope that you get the real message.
20 September 2013
Ander de Saya
Eh eh, nagpapalabas na naman ng barako ang Mamay Itong. Gigil na naman at nanggagalaiti. Banil na naman ang tatal-ukan eh. Nagalit daw sa kahanggan dahil nabalitaang ipinagkakalat na siya daw ay ander ng Nanay Itang. Ay nabugnot eh... hindi daw naman totoo... Siya laang daw naman ay isang responsable at mapagmahal na asawa kaya nasunod sa gusto ng Nanay Itang. Pagkakagalit eh. Sabihan ka ga namang ander eh di ike magagalit nga lalo pa't isa kang mapagmahal at mapagpakumbabang asawa. Ay saan ka pa... pag ang Mamay Itong ga.
Whew!!! It look like Mamay Itong is so angry that he want all the though guys to come out to fight with him... because he learned that his neighbor told everybody that he is "ander de saya" which means that he is always following the command of his wife... Nanay Itang. He told that he is not under of his wife but rather he is just a lovable and responsible husband that whatever Nanay Itang want, he used to do it with all of his heart.... You see, nothing compare to Mamay Itong... respect to him.
17 September 2013
Class Oral Exam in Batangas
Minsan kahit na sa mga paaralan ay may mga mumunting joke din kaming nalalaman. May mga bidang bata kaming paboritong gamitin ang mga pangalan. At sa Batangas si Rudeh ang laging bida... kasama si Vicente. Minsan nagbigay ng biglaang pagsusulit na pasalita ang kanilang maestra. Si Rudeh na palaging tutulog tulog sa classroom ay syempre pa.... hindi handa. At aminin na natin na hindi masaya ang buong klase kung walang isang tangang kagaya ni Rudeh.
Eto na yung joke.
Maestra: Vicente... 1 + 3?
Vicente: Ay kakadali naman ho niyan, Mam eh....4 po.
Maestra: Oh ikaw Rudeh. 3+ 1?
Rudeh: Ayan na! Ayan na! Langya naman mam...
pag mahirap akin...! ah ah, ay baken ga gay on!!!
FAVORITISM eh....!
Even in our classroom, we have also small jokes that we know and usually we used to portray. We have our favorite names that we always used to make this jokes. In Batangas the name Rudeh is always the main character together with the name Vicente. So one time their teacher give them a surprise oratorical exam in mathematics. Rudeh who used to asleep during the class... of course... are not ready. But whether we like it or not, we need to admit that a class without an idiot like Rudeh is so boring.
Here is the joke.
Teacher: Vicente 1+3?
Vicente: Whew, ma'am, chicken feed... so easy. Its 4.
Teacher: Oh Rudeh... your turn.... 3+1?
Rudeh: Here we are, here we are.....that so unfair ma'am!!! If it is hard question, you always asking it to me... Isn't it a favoritism ma'am?
Eto na yung joke.
Maestra: Vicente... 1 + 3?
Vicente: Ay kakadali naman ho niyan, Mam eh....4 po.
Maestra: Oh ikaw Rudeh. 3+ 1?
Rudeh: Ayan na! Ayan na! Langya naman mam...
pag mahirap akin...! ah ah, ay baken ga gay on!!!
FAVORITISM eh....!
Even in our classroom, we have also small jokes that we know and usually we used to portray. We have our favorite names that we always used to make this jokes. In Batangas the name Rudeh is always the main character together with the name Vicente. So one time their teacher give them a surprise oratorical exam in mathematics. Rudeh who used to asleep during the class... of course... are not ready. But whether we like it or not, we need to admit that a class without an idiot like Rudeh is so boring.
Here is the joke.
Teacher: Vicente 1+3?
Vicente: Whew, ma'am, chicken feed... so easy. Its 4.
Teacher: Oh Rudeh... your turn.... 3+1?
Rudeh: Here we are, here we are.....that so unfair ma'am!!! If it is hard question, you always asking it to me... Isn't it a favoritism ma'am?
16 September 2013
What We Miss In Batangas
Bilang isang tunay na Batangueño na nagtatrabaho sa ibang bansa o kaya ay naninirahan na sa ibang bansa, ano ang mga bagay na iyong naaalala at nami-miss noong ikaw ay nasa iyong mahal na lalawigan. Kung kayo naman ay hindi Batangueño at kayo ay minsan ng napasinsay dine sa Batangas, ano ang mga bagay na inyong nagustuhan at nami-miss at gustong gusto ninyong balikan ngayon. Halimbawa, sa pagkain.... anong pagkain ang inyong gustong gusto at miss na miss na ninyo sa Batangas. Para sa akin, ang sinaing na tulingan ang isa sa mga nami-miss ko ng husto. Ay sagana sa atin nuon. Kung paano gawin at kung papaano ihanda ay akin ngay-on sa inyong ipagbabaybay.
Sinaing na Tulingan
1. Gumising ng maaga, pumunta sa palengke at mamaraka ng isang kilong tulingan. Samahan na rin ng ilang guhit ng tuyong kalamyas o kaya naman ay tuyong sampalok. Kung sampalok ang inyong ipapaasim, piliin ang tuyong sampalok na may but-o. Tandaan na ang but-o ng sampalok kapag kasama sa sinaing na isda ay napakasarap pang-utin kapag malambot na.... maligat-ligat baga.
2. Umuwi sa basaysay. Ihanda ang palyok at abuhan. Linisin ang tulingan. Tanggalin ang hasang at lamang loob kung hindi kagandahan ang inyong nabarakang tulingan. Gatlaan ng pahaba ang gitna ng tulingan. Piyautin ng dahan dahan na may kasamang asin... mas malapad, mas mainam.
3. Kuhanin ang palayok, palitadahan ng paklang ng saging o kaya naman ay dahon ng saging na saba ang ilalim bago ilagay ang tulingan. Ito'y para hindi masupok ang tulingan. Pwede ring lagyan ng murang nangka ang ilalim bago ilagay ang tulingana o kaya naman ay taba ng baboy para mas malasa. Isahog ang mga pampalasa tulad ng ginayat na luya, sili kung ang ibig ay maanghang-anghang ng kaunti, at saka bawang. Pwede ring haluan ng kaunting dinurog na paminta. Huwag kakalimutan ang tuyong kalamyas o kaya ay tuyong sampalok.
4.Isalansan na ang tulingan....Ayusin ang pagkakalapat at ng maging maganda ang pagkakaluto. Tubigan.
5. Magparikit ng apoy sa abuhan.... sabay salang. Dubduban ang gatong sa hanggang sa kumulo pagkakuwa'y pahinaan ang apoy... alalaon baga'y tanggalan ng ibang gatong at hayaan ng paayang-ayang hanggang sa magpatis. Mas matagal sa apoy na paayang-ayang mas maganda at mas masarap ang pagkakaluto.
6.Tikme ngay-on. Pag ang tinik ay malambot na at sa lasa baga'y hindi na makakabitig... iyan ay handa na.
7. Ahunin na at ibitin sa palupuhan ng hindi maisahan ng pusang laog.
8. Mamahaw at napakasarap nyan lalo na at may pinisang kamatis sa patis. Ah ah ay makakapanabig ng kahanggan.
Are naman ang pagsasalin sa English. Pagpasensyahan pero palagay ko naman eh mauunawaan din.
As a Batangueno working abroad or living in the other country, what do you remember and miss when your still in our beloved province? Or even if your not a Batangueño and your already been here one time, what are the things that you liked most and missing and really want to come back with? Are you missing some kind of food? Places?
For me, what I really miss is the "Sinaing na Tulingan" or "Well Cooked Tuna Mackerel". This kind of fish is really abundant in our province. I will tell you now how to do it and to cook it.
Sinaing na Tulingan
1. First you need to wake up early in the morning to go to the market to buy one kilo of tuna mackerel. Also buy some gram of "kalamyas" I really don't know it in English and/or dried tamarind with seeds.
2. Come home and prepare your clay pot and the stove. Clean the tuna mackerel, take out the gills and the intestines. Make a deep elongated cut in the middle of the fish. Press it with salt until it became flat. The more it will be flatted the better.
3. Now get the clay pot and put banana stalk or banana leaves in the bottom of the pot. This will protect the fish to get burn in case the water will finished. As alternative of banana stalk, you can put also baby jack-fruit. Just take out the skin and cut it into big pieces and then put it inside the pot. You can add pork fat to make it tastier. Put inside all the ingredients like ginger, garlic and hot chile if you want it a little bit hot. Don't forget the "kalamyas" or the dried tamarind.
4. Now put the tuna mackerel inside the pot. Put water until the top of the fishes.
5. Open the fire and put the pot on it until the water will boil then lower the fire until some of the water will be evaporated. The more it will be on fire, the better and it will be tastier. In this process, the juice of the fish will mix with the water creating a salty, fishy sauce.
6. Now taste it. If you noticed that the bone of the fish is really tender and can be eaten already.... then the fish is ready.
7. Take it out from the fire and put it in place that your cat can't still it.
8. Take out your cold rice and put in the plate. The sauce is very good specially if there are cut tomato in it.
12 September 2013
Who Remember This
Inyo pa bagang naaala-ala nung inyong kabataan kapag sinusugo kayo ng inyong nanay o kaya ay ng inyong inay na magsuot ng panahi sa butas ng karayom? Ay ako'y hinding hindi ko malilimutan ang garneng eksena sa aming bahay noon. Pandagisdis na ng pagsusuot at maya't maya'y babasain ng laway ang dulo ng panahi para tumigas-tigas naman ng kaunti para sumuot sa butas. Ah-ah ay minsa'y tagistis na ang pawis eh di pa nagkaka-ige eh. Kainaman na.
(Remember the time when we were young and our grandma or our mother ask us to put string into the hole of the embroidery needle? For me, this is a great experience that I will not forget in my life. I always making hard work just to put this string into this hole that from time to time I need to wet the end of this string with my saliva just to make it a little bit harder in order to enter the string in the hole....sometimes my sweat are already falling but still can't manage to put it in the hole.)
(Remember the time when we were young and our grandma or our mother ask us to put string into the hole of the embroidery needle? For me, this is a great experience that I will not forget in my life. I always making hard work just to put this string into this hole that from time to time I need to wet the end of this string with my saliva just to make it a little bit harder in order to enter the string in the hole....sometimes my sweat are already falling but still can't manage to put it in the hole.)
The Brave Dog In Batangas
Ang Bilot ngMamay Itong |
(This is the brave puppy of Mamay Itong. He is really brave and ready to fight even with the big dog. He think that other dog eat his food, and maybe you saw his food, please help him because he may become crazy finding his food.)
Batangas Car Accident
A car accident happened in Batangas and as always there is only witness that the media can ask. Of course no one but Mamay Itong. our super lolo on the run. As usual, trying hard again to translate this in English. But for the sake of our dearest foreign readers, I will do my best to translate it because the other tool of Google can't translate it good enough because our own Batangas vocabulary cannot translate by Google.
MEDIA: ‘Lo, kayo daw po’ng kaisa-isahang saksi?
(Grandpa, we learned that you are the only witness)
Mamay Itong: Ay uwoh! Ika’y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
(Yes indeed! Just come here beside me, because if you want me to come beside you I may say that you can go)
MEDIA: ‘Sensya na po sa abala. Ano po ba talaga ang nangyari... kayo lang daw po ang nakasaksi sa mga pangyayari. Pwede po ba ninyong isalaysay ang mga naganap?
(I so sorry grandpa. What was really happened? they told that you are the only witness to what happened. Can you tell us what was really happened?)
Mamay Itong: Ako’y husay na husay ang pagkaka-ungkot dine sa lusong na are at karakaraka’y ako’y nagitla sa lagong ng busina. Abay' may mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-ing gab-e na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako’y palakat na sa mag-inang hindi naiingli! Aba’y maiipit na’y naka-umis pa eh! Kainaman na. Ay hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko’y kawangki ng nilamukos na kitse. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
Utang pa raw sa kahanggan ang ipinangbili ng dyip na are.... ay di ga'y pagkakagalit. Yun namang mag-inang iging ige sa paglitar kahit gab-e na'y pumatikar na at hindi na nautap-tapan. Pasalamat na rin nga laang at gay-on laang ang nangyari.
(I was sitting pretty here in this mortar and suddenly surprise of a very loud sound of horn from a passenger jeep. I saw a mother and daughter who are still strolling even in the middle of the night then suddenly come this passenger jeep with very fast speed going to their direction. I shouted to them but it seems that they didn't notice it because instead of making any move, they just smile to me. So the jeepney driver change direction and bump to this gate. So the engine cover was folded like a bottle cap. The driver was so irritated and crying because he told that the money that he used to buy this jeep is a loan from his neighbor and not yet paid it so he's so angry to what happened. The mother and child run already and he cannot find them anymore. But thanks because it's happened only like that.)
MEDIA: Bakit ho 'Lo?
(Why grandpa?)
Mamay Itong: Ay kuruin mong kung sa agbang yan sumugba at di dyan sa tarangka eh baka pati drayber ay piringkot ding parang kitse.
(Because you see, if this jeep fall down in the ravine and not in this gate, maybe the driver is also folded like a bottle cap.)
Media: Ano daw!?!???
(What did you say?!?!?)
Author side comment: Ah-ah... ay talaga nga plang nakakadugo ng ilong ang mag-translate ng ganire...nauubusan talaga ako ng baon eh. Sya bahala na kayong umunawa at umintindi diyan. ang lagay na iyan eh... pagpasensyahan na laang ninyo ako.
11 September 2013
Gun Fight In Lipa Batangas
Are namang isang are'y barilan naman sa Lipa, Batangas. Nagkataong nanduon na naman sa pinangyarihan ang Mamay Itong kaya na-interview na naman ng media. Are'y aking pagsusumikapan uling mai-translate sa English ng maayos-ayos at pag Google Translate ang ginamit eh nag-iiba ang meaning.
Media: Ano ho ba ang nangyari?
(What really happened?)
Mamay Itong: Kami laang naman ho’y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho’y nagkaripasan! Ay karibok na eh.... hindi ko na nga naintindihan kung saan ako napasuling. Ang mga tawo nama'y kung saan saan na rin napasulangot sa katakutan at kabiglaanan.
Media: Ano pa ho ang inyong nakita?
(What else did you see?)
Mamay Itong: Ay yun nga ho, yung si barakong Pedring eh may dalang baril, baken ga ito'y panggaaw na at nagpapalabas ng barako. Mukha yatang ang binarik na alak eh panis bakit ga ito'y nagkagay-on. Ay basta na laang nagpaputok eh. Tapos nagpapalabas pa ng barako.
(I saw Pedring with the gun in his hand and shouting to he neighborhood to get out on the street the real man to fight with him. It's look like he drunk the bad whiskey because he just suddenly fire his gun)
Media: May umawat po ba o kaya may pulis po ba na dumating?
(Did someone stop him or did the police come to stop him?)
Mamay Itong: Anla pa naman areng batang are.... pag d'yan kay barakong Pedring eh walang pulis-pulis dyan... Ay kamukat-mukat mo'y ang dumating eh yung asawa na si Tasing.... ah ah.... ay kahit pala gaano kabarako areng si Pedring pag si Tasing na ang dumale ay "sansuwi" din pala areng si Barakong Pedring eh. Takusa din ang tamulmul na are.
(Pedring didn't recognize any police, for him there's no police if he is drunk... but suddenly his wife Tasing came and she just whistle to him. And Pedring go home just simply because he is afraid of Tasing.)
Media: Ano ho yung "sansuwi" at "takusa"?!?!?
(What is "sansuwi" and "takusa"?!?!?)
Mamay Itong: "Sang sutsot, uwi" at "takot sa asawa". Hehehehe
(Just one whistle of wife, go home and afraid to his wife) Laughing out Loud
Author side comment:
Ah-ah.... kahirap gang mag-translate.... paduguan ng ilong eh... pasensya na kayo at sa tagalog laang ako magaling...
Media: Ano ho ba ang nangyari?
(What really happened?)
Mamay Itong: Kami laang naman ho’y nakaungkot dine sa balisbisan ng bahay. Ay maya-maya ho ay bigla na laang na nagdagaaban, tapos nagpalahawan ay di kami naman ho’y nagkaripasan! Ay karibok na eh.... hindi ko na nga naintindihan kung saan ako napasuling. Ang mga tawo nama'y kung saan saan na rin napasulangot sa katakutan at kabiglaanan.
Media: Ano pa ho ang inyong nakita?
(What else did you see?)
Mamay Itong: Ay yun nga ho, yung si barakong Pedring eh may dalang baril, baken ga ito'y panggaaw na at nagpapalabas ng barako. Mukha yatang ang binarik na alak eh panis bakit ga ito'y nagkagay-on. Ay basta na laang nagpaputok eh. Tapos nagpapalabas pa ng barako.
(I saw Pedring with the gun in his hand and shouting to he neighborhood to get out on the street the real man to fight with him. It's look like he drunk the bad whiskey because he just suddenly fire his gun)
Media: May umawat po ba o kaya may pulis po ba na dumating?
(Did someone stop him or did the police come to stop him?)
Mamay Itong: Anla pa naman areng batang are.... pag d'yan kay barakong Pedring eh walang pulis-pulis dyan... Ay kamukat-mukat mo'y ang dumating eh yung asawa na si Tasing.... ah ah.... ay kahit pala gaano kabarako areng si Pedring pag si Tasing na ang dumale ay "sansuwi" din pala areng si Barakong Pedring eh. Takusa din ang tamulmul na are.
(Pedring didn't recognize any police, for him there's no police if he is drunk... but suddenly his wife Tasing came and she just whistle to him. And Pedring go home just simply because he is afraid of Tasing.)
Media: Ano ho yung "sansuwi" at "takusa"?!?!?
(What is "sansuwi" and "takusa"?!?!?)
Mamay Itong: "Sang sutsot, uwi" at "takot sa asawa". Hehehehe
(Just one whistle of wife, go home and afraid to his wife) Laughing out Loud
Author side comment:
Ah-ah.... kahirap gang mag-translate.... paduguan ng ilong eh... pasensya na kayo at sa tagalog laang ako magaling...
Airplane Crash in Batangas
Only the Batangueños can understand this joke. So for the sake of our foreign readers I will do my best to translate it in English so you can also relate and understand what Mamay Itong is saying.
An airplane crashed in Batangas and the only witness is interviewed by a reporter. The witness is an old man named Mamay Itong.
Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa Mahabang Parang , Lungsod ng Batangas.
(The reporter is now asking Mamay Itong regarding of the airplane crash in Mahabang Parang, Batangas City)
Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.
(Mr. can you please describe the airplane crash)
Mamay Itong: Tinatangla ko laang ang buwig ng saba na sa tingin ko baga'y hinog na. Hitik na hitik na eh, ay halos mabayungko na sa big-at sa kalakihan ng mga piling. Sabi ko sa sarili ko'y malapit-lapit na katang tibain. Aba'y walang kaginsa-ginsa'y nasiglawan ko ang usok na pasirok-sirok ang dating duon sa nililiparang yuon ng mga layang-layang. Ay duon yun eh... Kita mo ga?
(I was looking up to a this big banana which is ready to harvest when suddenly I saw a swirling smoke in the sky)
Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?
(What did you see first?)
Mamay Itong: Aba’y una nga’y pasirok-sirok, maya-maya’y nagbatirok sumunod ay pairok-irok. Ay iyun na, ay di saka sumalpok ay di dagasa na tapos ang katapusa’y sumabog! Ay dagaaban eh.
(First I saw a swirling smoke then suddenly it falls down then I heard a big explosion.)
Media: Ano ho?!?!?
(What?!?!?)
Side comment:
Ay sya wag na wag ninyong gagay-anin ang Mamay Itong... kung hindi nyo rin laang maiintindihan ang kanyang mga sinsabi....kaya nga gay-an yan eh gay-an na nga yan.
An airplane crashed in Batangas and the only witness is interviewed by a reporter. The witness is an old man named Mamay Itong.
Tinanatanong ng reporter ang testigo sa pag crash ng eroplano sa Mahabang Parang , Lungsod ng Batangas.
(The reporter is now asking Mamay Itong regarding of the airplane crash in Mahabang Parang, Batangas City)
Media: Manong, paki describe nga ho ng airplane crash.
(Mr. can you please describe the airplane crash)
Mamay Itong: Tinatangla ko laang ang buwig ng saba na sa tingin ko baga'y hinog na. Hitik na hitik na eh, ay halos mabayungko na sa big-at sa kalakihan ng mga piling. Sabi ko sa sarili ko'y malapit-lapit na katang tibain. Aba'y walang kaginsa-ginsa'y nasiglawan ko ang usok na pasirok-sirok ang dating duon sa nililiparang yuon ng mga layang-layang. Ay duon yun eh... Kita mo ga?
(I was looking up to a this big banana which is ready to harvest when suddenly I saw a swirling smoke in the sky)
Media: Ano ho ba ang una ninyong nakita?
(What did you see first?)
Mamay Itong: Aba’y una nga’y pasirok-sirok, maya-maya’y nagbatirok sumunod ay pairok-irok. Ay iyun na, ay di saka sumalpok ay di dagasa na tapos ang katapusa’y sumabog! Ay dagaaban eh.
(First I saw a swirling smoke then suddenly it falls down then I heard a big explosion.)
Media: Ano ho?!?!?
(What?!?!?)
Side comment:
Ay sya wag na wag ninyong gagay-anin ang Mamay Itong... kung hindi nyo rin laang maiintindihan ang kanyang mga sinsabi....kaya nga gay-an yan eh gay-an na nga yan.
Subscribe to:
Posts (Atom)