26 November 2020

Sibuyas na Tagalog at Pamintang Sariwa

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sibuyas na Tagalog at Pamintang Sariwa
Sibuyas na Tagalog at Pamintang Sariwa
Sino sa inyo ang nakapag-ulam ng garne noong maliit pa. Kami noo'y tuwing mamamaraka ang Inay sa palengke sa bayan ay pag-uwi'y hindi nawawal'an sa mga pinamaraka ng sibuyas na tagalog. Sa amin namang likod bahay sa paagusan ng tubig na galing sa banggerehan ay may bugsok na tigas ng madre kakaw na pakapitan ng paminta... Ay tunay kayong yun ay aking agutay lagi ng pangunguha kapag nagbutil na... Ako baga'y sarap na sarap na ulam yang sibuyas na tagalog at pamintang sariwa tapos ay may saw-sawang bagoong na gawa ng Inay... yung lungoy na lngoy na... tapos may pinisang kamatis at nilabong talbos ng kamote at binanging okra...tapos may gayat na manggang pikong manibalang... ah ah... ay sabi ko sa iyo'y dakmusang dakmusan kaming magkakapatid... anaki'y gusto pang lumamon ay ubos na ang kanin... Sabi ko sa inyo'y kahit gay'on man ang ulam namin ay baken baga kami'y sarapang sarapang kumain na daig pa ang ulam nami'y litson... Ako'y paniwala talaga na kapag may pagmamahalan sa pamilya at lahat ay nagkakasundo sundo... ala ay kahit anong klaseng pang-ulam yan pag nagkakainan na... pamihadong masarap lahat yan... kami'y hindi na naghahanap ng ulam na tulad ng iniuulam ng mayayaman, dahil hindi rin naman sasabihing hindi nakakatikim dahil paminsan minsa'y namamaraka din ang inay sa bayan at nabili din naman ng masasarap na ulam.

Talapok ng Dayami

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Talapok ng Dayami
Talapok ng Dayami
Alam ga ninyo pag sinabing talapok? Aking naaala-ala noong kaliliitan pa naming magpipinsan, pag tag-ani na ng palay ay kami'y talagang kanya kanya ng dalang takuyan at lilik para makipanganihan. Pagkakahapon ay di giik namin ang palay na aming inani para maihiwalay sa dayami... pag sugat na ang paa ay di pagpag ang gawa. Pagkatapos naman naming maihiwalay ang butil ay di itutumpok na ang dayami ng ganire, itatalapok na. Pampakain sa baka pag tag-araw. Kami naman ay tuwang tuwang maglaro ng taguan, yun gang magbabalot kami ng dayami sa kataw-an para hindi makita ng taya o kaya naman ay dadambahan namin sa ibabaw yung talapok. Ala ay pag nakita naman kami ng tatay, pamihadong may asbar. Hahabukin na kami noon, palakat nang ang sasabihi'y "pagkakadami namang pwedeng paglaruan ay bakin ga diyan pang sadya namang pinataas pa ang bunton, tapos inyo laang guguhuing mga tinamaan kayo ng kulog... pagsasatampalasan baga ninyong mga hamatad kayo!!!" Ay di kami nama'y patikaran nang pauwi at naku ay baka malabingki pa, ay pihong banil na naman sa binti o kaya ay sa hita o kaya ay sa pwet ang patpat na nakahanda.... Ah ah ay pero pag kakasaya namin noon...

08 November 2020

The Magic Wand (Ang Mahiwagang Patpat)

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako,
The Magic Wand (Ang Mahiwagang Patpat)
Sinong nakakaala-ala sa inyo nareng garne? Pag walang pasok lalo na pag bakasyon ay mayroong siyesta pag tanghali... kami'y papatulugin ng Inay o kaya ay ng Nanay at pag ayaw naming matulog ay kara karakay kukuhanin ng Inay ang kanyang patpat na nakasuksuk sa may bubungan ng bahay namin sa malapit sa pintuan. Garneng garne noon kami nong kami'y malilit pa. Ang Inay ay daig pa si Harry Potter sa pag-gawa ng magic. Bakit kanyo? Aba'y isang kumpas la'ang ng Inay ng kanyang "mahiwagang patpat" ay tulog agad kami eh. Kaya naman pagkalapat na pagkalapat ng aming gulugod sa banig ay hindi ko na iniintay na ikumpas pa ng Inay ang kanyang mahiwagang patpat, talaga namang nagpipikit pikitan na kaagad kami... Pag nahuli ako ng Inay na gising pa ay may isang labtik sa hita at karakarakay sasabihin ay "Tinamaan ka ng magaling na tinamaan ka ng kulog ka ay bakin baga aayaw mong bubuog na kulaog ka ay marami pa akong gagaw-in? Hala buog na at ng ako nama'y makatapos din sa aking mga gagaw-in..." Ah ah... ay pag hindi ka na
man nakatutulog ng wala sa oras eh...

07 November 2020

Ang Tamburin Noon

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Ang Tamburin Noon
Ang Tamburin Noon
Naaala-ala ko pa noon kapag ganitong sasapit na ang Pasko at nakakarinig na kami ng mga awiting pamasko sa mga radyo... kaming magkakapatid at magpipinsan kasama na ang aming mga ilang kabababata ay nag-iisip na kaagad kung anong gagaw-in sa disperas ng Pasko... Noon ay pag gan'tong sasapit na ang Pasko ay talaga namang kami'y tuwang tuwa na. Ay aba'y alam ga ninyong pag Pasko la'ang kami nagkakaroon ng bagong damit at pantalon kaya naman kaming magkakapatid ay sabik na sabik na pag nag setyembre na dahil alam naming pagdating ng Disyembre ay magkakaroon na rin ng bagong damit at sapatos. Kami namang magpipinsan at magkakpatid ay nagpipitpit na ng mga kitse para gaw-ing tamburin. Aba'y oo, ya'an ang aming tamburin noon pag kami'y mangangaroling... Pipitpitin namin ya'an ng lapat na lapat tapos bubutasan namin sa gitna at tutuhugin namin sa kawad. Kanya kanya kami ng gawa dahil yung isa ko laang namang pinsan ang natutong mag-gitara kaya kami'y garne na laang ang dala. Ala' ay katalo din nga eh. Pag nadalihan namin ng kantang  "Ang Pasko ay Nakalantak ng Sapit" ay sya may piso na kami sa isang bahay.... Noon nama'y pagkakahalaga pa ng piso. Pag kami'y anabigyan ng piso'y kami'y tuwang tuwa na. Kakantahan kaagad namin ng "Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you." Pag ang bigay naman ay bentsingko sentemos laang o kaya may nagbibigay talaga ng dyes sentiomos laang.... ala ay babanatan naman namin ng kanta ng "Thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you." Ay talagang kami'y nakakaranas na maipahabol sa aso... Ah..ah.. Pero masaya, patikaran naman kaming kai-kainaman....

30 October 2020

Ubusan ng Dyolens

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Ubusan ng Dyolens
Ubusan ng Dyolens
Noong ako'y maliit pa'y talaga namang sabik na sabik akong makapaglaro ng garneng dyolens... Ako'y tuwang tuwa kapag ako'y nakakapanalo... ang aking lalagyan nare ay tukil.. alam ga ninyo iyon? Pag minsan ay puno, pag minsan ay ubos at talo sa batuktukan. Pag kami'y napapaulot na maglaro ng dyolens at napabayaan namin ang aming mga gawain, lalo't hindi ko naaturga ang aming lagang baka... Ah-ah ay sya, sabi ng Inay eh garne... "Hindi ka ga maiingle! Ay ipapakain ko iyan sa iyong kulaog ka at ng ikaw ay magtanda. Yung alaga mong baka ay sa halip na aturgahin mo ay iyan ang iyong inaabyad. May sibakin ka pang kahoy, ay pag wala akong naigatong mamaya ay iyang tuhod mo ang pipirpiren ko at yaan ang ipangggatong kong tinamaan ka ng magaling na kulaog ka. Pag-aaanhin mo ga iyang dyolen na iyan, iyan ga'y malalamong tinamaan ka ng lintek... Ay pag iyan ang naipakain ko sa iyo'y makikita mong tinamaan ka ng kulog na laog ka..." Ah-ah ay di ako nama'y pulas agad at baka nga maipakain sa akin are'y pihong mahirap tunawin are sa tiyan... Ako nama'y sibak nga kaagad ng kahoy at tadtad ng santa elena panlahok sa pansupak sa aming pinatatabang turo... Maghahalyas pa ako, tapos babayuhin pa iyon... Ay batugan pa raw ako eh sa bi ng Inay, ay ramdama ko baga'y ako nang lahat ang umaturga ng mga trabaho dine ay pagkakaliit ko pa. Ay kainaman nang padale are... suskupo Rudeh...

15 October 2020

Upuan ng Mamay

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Upuan ng Mamay
Upuan ng Mamay
Are'y pag nakikita ko'y palagi kong naaala-ala ang Mamay eh. Bagamat sya'y sumakabilang buhay na ay pagsadami kong ala-ala sa kanya. Yan gang pag-asbaran ka ng buong kawayan at basagin sa iyong puwitan ay pag nakalimutan mo yuon, ay aywan ko na laang sa iyo... Ay kaya naman aking nasabing naaala-ala ko ang Mamay pag nakikita ko areng larawang are ay pagsagaling din noong umukit ng kung anu-ano. Pati nga singsing na gawa sa bentesingko sentimos na ang likod ay paruparo ay kayang kaya nuong gaw-in. Ang Mamay kahit na kapos sa pinag-aralan ay mauwido... Pagsadaming alam noon. Ay kumbakin baga wala yatang nakamana kahit isa sa mga inapo ng uwido ng Mamay. Wag kang babang-aw bang-aw doon nung nabubuhay pa, at pihong basta ka na laang makakatikim doon, minsan ay sampilong, minsan ay labingki... Lalagitik na laang sa iyong pisngi o kaya ay sa iyong puwit ang palad o kaya ay pangarute. Sabi ko nga noon ay are yatang Mamay ay baliw, hidi yung baliw na mabilis na pagbigkas kundi yung baliw na malumanay na pagbigkas. Kumbagay sala sa init ay sala sa lamig... pero mabait naman, napakabuting tao rin ng Mamay, kaya ka laang naman makakatikim ng asbar ay dahil na rin sa iyong kabang-awan... 

14 October 2020

Ulo-ulo

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Ulo-ulo
Ulo-ulo
Kayo ga noong maliliit pa kayo ay nakapaglaro ding ng garne? Ang tawag sa amin dine ay ulo-ulo... Nakuw pag tag ulan at maraming mga tubog sa parang, yun gang mga pinaglubluban ng kalabaw, di ga'y nalalim yuon dahil sa kalulublob ng kalabaw, di' magkakatubig ng marami, magiging tubog, sya ay duon na magingitlog ang mga palaka, at kahit sa bakas ng kalabaw o kaya naman ay bakas ng mgs paa ng baka at kabayo, basta may tubig, magkakaroon yuon ng mga ulo-ulo dahil pangingitlugan yun ng mga palaka
. Ang mas matindi ay yung mga pinaghukayan ng tatamnan ng mangga sa amin... Dahil nga malalim at maluang dahil tatamnan nga ng manggga ay di doon pulpog ang mga palaka pag tag-ulan na. Pag sa ingay naman sa gab'i. Hunihan ng hunihan, ay nakakabingi din naman nga eh, lalo na pag sasapit na ang dilim, nakuw ay mag uumpisa na yang mag-ingay. Ay iba't iabang klase din naman nga ang huni eh. Masyroong parang motor ng banka pag nahuni, mayroong parang motorsiklo, mayroong parang nahugak na matandang napagod sa pag-dag'is... ah ah ay pag hindi ka naman nabingi. Pag kami naman ay nag-aaturga ng mga alaga naming kalabaw at baka, ay di kasama na ang paglalaro nareng mga ulo-ulong are... Kumbaken baga kami'y tuwang tuwa pag kami'y nakaipon ng maraming garne... Pagmamasdan la'ang naman namin are sa garapon pagkatapos naman at kami'y nagsawa sa kakakatingin ay amin na ring pakakawal'an...

Nagtatawag ng Uwak

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, nagtatawag ng uwak
Nagtatawag ng Uwak
Are pa ang isang anaki'y buaya sa katihan... ah-ah, ay pagsagaling bumarik at arak na arak yun naman pala ay hindi kaya... Nakasinghot laang ng amoy ng alak ay nalasing na. Aba'y ginawa ng pahingahan ang kubeta eh. Sa amin ay pagsadami namang garne... yun gang arak na arak babarik, pag nakainom naman ng ilang shot ay sya plakda na at nagtatawag na ng uwak... ang masama pa nito'y dadating sa iyong balisbisan at dadayo daw ng huntahan. Baken ga ito'y mamaya maya'y magpaparamdam na at ang sabi agad eh, mas masarap daw magyabangan pag may nakatulay na bilog sa gitna ng lamesa. Ay di ako nama'y karakaraka'y nagpabili nga... sugo ko ang aking pamangkin at syang mabilis bilis tumakbo... aba ay akalain mong nang may nakatulay ng bilog sa gitna at naguumpisa ng bumarik ay karaka'y ang sabi'y ah ah ay kahirap ika nitong ang pulutan ay pinut___ng in_... (ay kaya gay'on eh pagkakashot ay sigaw na ng "put___g in_" dahil matapang ang iniinom...) wala ga ikang mapupulutan diyan... Ay ako'y iling eh... sabi ko'y may tigas din nga are ng mukha... Ay di ako naman dahil sa ako'y mapakisamang tawo, ay sabi ko kay kumander eh... lutuih ang itlog diyan ay iyong isuam. damihan mo na la'ang ng paminta at ng hindi agad maubos ng mamumulutan... Ay tunay naman nga... ah ah.

Umupo ng Walang-wala

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Umupo ng Walang-wala
Umupo ng Walang-wala
Sa inyo ga'y mer-on ding garine? Na pag nakakita ng alak ay hindi na ibig pang tatayo sa pagkaka-ungkot hangga't hindi lasing... Sa amin ay napakarami nareng garne. Minsan pa'y pagkakatakaw pa ng pulutan, meron namang ang gusto'y alak laang kahit na bunton ang pulutan... Maraning marani eh dadayuhin ka daw ng lipon tapos mamaya ay uungot na at magpaparamdam, sasabihin eh "mas masarap ika ang huntahan kung mayroong nakatulay na kwatro kantos o kaya ay bilog sa gitna." Ay di ang ginawa ko'y nilagyan ko nga ng dala kong estetsayd, Tapos nagpabili pa ako ng dalwang bilog. Aba'y ng mabigyan ko naman ng mababarik ay babanatan ka pa ng paramdama na "mas masarap ikang uminom kung may pulutan." Sabi ko'y "ah-ah ay are ang sinasabing may tigas... may tigas ng pagmumukha... Aba'y ang lagay baga nama'y pabarik ko na ay papulutan ko pa." Are na ang sinasabing umupo ng walang wala, pagkatapos ay tumayo ng lulang lula. Ala ay hindi na nga nakatayo at nabaliktad na.

13 October 2020

Tungko o Abuhan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tungko o Abuhan
Tungko o Abuhan
Naaala-ala ninyo  pa ga areng garneng klase ng tungko o abuhan... Noong kami'y maliliit pa at ako'y mga lilimahing taong gulang pa laang ay ako'y tinuruan na ng Inay na magluto ng kanin sa garneng abuhan. Yung hagya ko na maabot ang tungko at hagya ko na magatungan ang sinaing na kanin, ah-ah, bago ko pa mapalingas ang apoy, kailangang pagpadikit muna ako ng apoy sa bunot ng niyog at yun ang aking hihipan ng hihipan gamit ang hihip na pinutol na tubo, talaga namang nakakubos ng hininga lalo pa't medyo basa ang kahoy o kaya naman ay hindi mismong tuyo ang kahoy na pinirper... Nun namang napasok na kami sa eskwelahan, pagkakarating na pagkarating galing eskwelahan at pagkatapos na makapamahaw,  ay kailangang pumunta ng gubat at kailangang mangahoy para punuin areng ibabaw ng abuhang are... Garneng garne ang abuhan sa amin noon, pag walang makuhang kahoy ang pinirper  na palapa ng niyog o kaya ay uyo ng niyog ang nakalagay sa ibabaw nare... tapos ay sa tabihan ay mga bao ng niyog at sa ilalim naman ay bunot ng niyog ang nakalagay... Ang Tatay noon ay sadyang bumili pa ng puthaw pansibak ng kahoy... Pag tambak ang pinangahoy namin at walang sibak na maiigatong ang Inay ay sya, pihong asbar ang aabutin namin. Sasabinin ng Inay ay "
katatamad baga ninyong mga tinamaan kayo ng kulog na kainaman ng kababatugan ninyo". Pag narinig na namin yun ay sya, kanya kanya na kaming pulasan... Sige wag kang maingle at panihadong may labingke ka sa Tatay...

12 October 2020

Kauna-unahang Flat Screen TV

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Kauna-unahang Flat Screen TV
Kauna-unahang Flat Screen TV
Oh sinong nakakaalala nare mga ka-BATW... Are'y marami rami ding Fernando Poe Jr. akong napanood sa TV na are. Noong panahon namang iyon ay wala naman kaming tv na garne, pero yung aming kapitbahay na ang layo ay dalawang kilometro mula sa amin at kailangan pa naming dayuhin tuwing Sabado pag may palabas na FPJ... Ay uo... sa amin noong una pag sinabi mong kapitbahay ay nasa kalati, isa o dalwang kilometro ang pag-itan. Kaya nga pag may bisita sa amin at pag naglalakad kami at nagtanong na "malapit na ga tayo?" ay ang sagot ko kaagad ay "Oo malapit na tayo" pero nasa mga isang kilometro pa ang lalakarin... kaya iyamot na iyamot sa akin... 
Ay maipar-on ko po ulit dine sa tv na are, ah-ah ay di kaming magkakapatid ay magkakayakagan papunta doon sa ilaya sa mga kakam Pipeng para manuod nga ng FPJ o kaya naman ay Gabi ng Lagim, yan ang mga palabas noon pag Sabado eh.. Ay pag FPJ ay ok laang, halos yata lahat ng pelikula ni FPJ na ang tema ay panahon ng hapon ay napanood ko na... gaya ko pa ngang maige noon ang pagsuntok ni FPJ... Ay pag ang palabas ay "Gabi ng LAgim" ah-ah ay talaga namang kainaman ng takutan pag pauwi na... Yan ga namang yung kahabaan ng daan pailaya hanggang sa bahay ng mga kaka ay halos walang bahayan... ay kainamang karipasan ng takbo pag uuwi na.

Pero kahit gay-on at kahit na maputik ang daan at naulan, talagang patikaran kaming pailaya para laang makapanood... noon naman ay wala pang kuryente... sa maniwala kayo at sa hindi ang nagbibigay buhay sa tv na are ay bateryang 12 volts laang... idinadayo pa iyon ng kakam pipeng ng pagpapakrga sakay sa kanyang paragos na hila ng baka pag ubos na ang karga... Ay pag pauwi na eh di malalim na ang gab-i... magpapatikaran kaming pauwi at yan gang malayo nga tapos ang daan naman ay pag tag-araw ay ubod ng kaginabukan at pag tag-ulan naman ay kainaman namang kaputik... ah -ah ay talaga namang kaawa awa ang mapag iwanan... 

10 October 2020

Tubo O Tumbong ng Niyog

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tubo O Tumbong ng Niyog
Tubo O Tumbong ng Niyog
Kami noong kami'y mauunti pang magkakapatid ay kami'y agawan dine sa tubo o tumbong ng niyog. Sa ami ay mas kilala are sa tawag na tumbong ng niyog eh. Pag humingi ka ay hindi mo sasabihing "pahingi naman ng tubo ng niyog" dahil ang ibibigay sa iyo ay yung suloy na... Sabi ko nga sa amin ay ang talagang tawag dine ay tumbong ng niyog... ah-ah ay kainamang pangagawan kaming magkakapatid pag maggagata ang tatay ng sinaing na tulingan at may tumbong ang niyog... kanya kanya kaming dakmusan. Ang gagaw-in naman ng tatay ay di paghahati-hatiin kaagad sa anim ang tumbong ng niyog para walang lamangan...

Ngay-on ay hindi na makatikim ng garine dahil narine nga ako sa lawigan at dine naman ay Dates ang marami at hindi niyog. Nakakasabik din nga eh yung mga kakanin namin noong maliit pa kami. Pag naaaala-ala ko nga naman ako'y napapatakam...

Tumbang Preso O Tumang Lata

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tumbang Preso O Tumang Lata
Tumbang Preso O Tumang Lata
Noong kaliliitan pa namin, ako'y mga lilimahing taong gulang, ay pagsalimit naming maglaro ng aking mga kababata ng tumbang lata. Alilaan naman eh pag kami'y naglalaro nare. Ako'y hindi naman sa pagmamayabang ay pagsatulin kong pumatikar... pag hindi ko napatumba ang lata sa pagbato ng tsinelas ay di pabilisan n laang ng takbo ang labanan. Ang gagaw-in ko ay ako ang magpapahuli ng pagbato sa lata lalo't lahat ay walang nakapagpatumba sa lata, ay di ako ang kahulihan. Pag hindi ko rin napatumba ay ang gagaw-in ko ay magpapahabol ako sa taya. Di lahat sila ay nakabalik na sa base, tapos ako naman ay di hindi nga ako abutin kaya nakakabalik din ako sa base kaya naiisalba ko silang lahat. Ay takbong magnanakaw eh sabi nila ang aking gawa... Sa patulinan at sa karipasan ay walang makauna sa akin noong ako'y maliit pa. Yan gang sanay sa parang, tapos batido sa araruhan, ah-ah ay sya laban...

Sinaing Na Tulingan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Sinaing Na Tulingan
Sinaing Na Tulingan
Sa tunay na mga 
Batangueño areng garneng sinaing na tulingan ay talaga namang ulam na.. Pag ang Inay ay namaraka sa Bagong Palengke ng Batangas City, asahan mong pag uwi niya ay may dalang pangsaing na tulingan... Ang saingan naman namin ay palyok na gawa pa ng Nanay Impo. Mana pa namin yuon eh sa Nanay Impo namin kaya ingat na ingat ang Inay pag hinuhugasan yuon at baka mabasag ay antik na... Ang gagaw-in ng Inay ay lilinisin muna ang tulingan, tatanggalan ng apdo at iyon daw ay mapait pag napasama sa sinaing... yung mga binubong, atay at puso naman ay hirang na hirang ng Inay at ipon sa isang lalagyan lalo na't ang tulingan ay sariwa tapos lalo na't itlugin... ah-ah... ang lahat ng mga lamang loob na yun ay isinasama niya sa sinaing tapos gagatlaan na niya ng pahaba sa gitna ang tulingan sabay pirat na may kasamang asin... tapos ang gagaw-in pa ng Inay pag may taba ng baboy ay sasapnan ang ilalim ng palayok bago ipatong ang isda, pero pag wala namang taba ay kukuha ang tatay ng isang murang nangka at yun ang tatalupan at gagayatin ng malalaki at yun ang isasapin sa ilalim pero pag wala naman ay ayos din, kaiigi na rin pag nasukaan ng kalamyas na tuyo o kaya ay sampalok na kipil... yun nama'y may pag-i-pag-itang dahon ng saging para hindi magkapit kapit... tapos maghapon na iyong gagatungan hanggang sa maging halpok ang tinik...

Ah-ah ay tunay ka namang walang katapon tapon pag kinain, pati tinik ay ano gang pagkakalambot. Pagnakailang araw na ay sya, susungkit na ang tatay ng niyog sa aming balisbisan ng bahay at maggagata na ng sinaing na tulingan... Ako nama'y ang aking paborito ay sinaing na ipiprito ng malutong... Ay tunay ka namang dakmusan sa pagkain, hindi masarap pag nakakutsara, kailangan ay sakol o nakakamay... Lalo na't tag paho at may sibuyas na tagalog... ah-ah ay sya habi at makakapanabig ng kahanggan, sabi nga sa amin pag masarap ang kain...

Tsaynis Garter O Chinese Garter

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, Tsaynis Garter O Chinese Garter
Tsaynis Garter O Chinese Garter
Noong kaliliitan pa namin, ang aking kapatid na babae ay pagsagaling namang maglaro nare... at kahit na ako ay lalaksot, ay baken baga paminsan minsan ay ako'y naiengganyong maglaro nare... Magpapatambling tambling pa paminsan minsan maabot laang ang garter na napakataas pag yung nasa final na taas na, yun bagang medyo itinitiad na ang mga paa para laang mapataas ng mataas ang garter na binanat... Ay ako naman'y pag sa galing tumambling noong ako'y maliit pa at yan ga namang ang aking kataw-an ay payatin, ay di gay medyo malutang ako kung lumukso... Kaya palagi kong naii-save yung aking mga kalampi...

Ako nama'y tuwang tuwa kapag ako'y niyayakag na maglaro nare... dahil kalimitan sa aming mga kalaro ay mga nakapalda laang, alah, ay di gay dala na ang paninilip.... 

Ah-ah ay pag naaala-ala ko areng larong are ay ako'y napapaumis na laang mag-isa... Naala-ala ko ang aking kapilyuhan noong ako'y maliit pa.

View Master

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, View Master
View Master
Sino ho sa inyo ang nakakaala-ala pa naring "view master" na are... Are ho ay nagkakailan sa amin dahil ang aking tatay noong magsawa na sa pagbubukid at mayakag ng kanyang kumpareng mag-abroad ay nagpunta ng Saudi.. Nung panahon namang iyon nung mga 80's pa ay sikat na sikat ang Saudi noon sa mga nag-a-abroad. Basta sinabing "Saudi Boy" ka eh talagang ang isip ng mga tawo ay napakayaman mo na.

Sa pagsa-Saudi ng Tatay ay napasalubungan baga kami nareng view master na garne... ah-ah ay ako'y palibhasa'y maliit pa, ay ako'y hangang hanga sa aking nasisilip dine. Yang mga balang yaan,yang mga bilog na yan ay may iba't ibang larawan na kapag sinilip mo ay parang madadampot mo na at parang nakarating ka na sa magagandang lugar na kalagay sa mga bilog na are... para kang nanunuod ng sine kaya nga laang ay di hindi nagalaw ang picture... picture nga eh. Itong view master na ito para sa akin ay ito ang kauna-unahang "virtual reality"... Bakit kanyo? Aba'y naka 3D itong view master at pag pinanuod mo ay akala mo'y totoong too yung iyong nakikita...

Warning o Paalala


 Are nama'y paala-ala laang sa mga nabarik sa panahon ngay-on... Kung kayo nama'y lalaki ay di hindi sa inyo are... pero ari'y paala-ala sa mga dalagang mahilig dumiwara at maghapi-hapi. Baka mamaya ay mausisaan ninyo'y buntis na kayo at ang inyong dahila'y nakalimot dahil sa sobrang kalasingan. Ang pagbarik naman ay hindi masama, kaya nga laang ay dapat ay alam mo kung papaano mo ikontrol ang iyong sarili. Sa mga kadalagahan diyan, mga babaysot na magaganda at may kayabuhang taglay, kaunting hinay hinay laang, mahalaga ang maayos na buhay kasya maagang nabuntis dahil nilasing o nalasing sa barikan... Magtira ng panglakad at kailangan naman ng kaunting kayumian para kayo ay igalang ng mga kalalakihan... Pasintabi po ha... ito naman po ay paala-ala lamang at ako'y walang layuning maging garapal o kaya ay makasakit ng damdamin ng ating mga kababaihan... 

Taguan - Panahon ng Kabataan

Batangueño around the world, batangenyo around the world, Batangas photo, Batangas, Batangueño ako, taguan-panahon ng kabataan
Taguan - Panahon ng Kabataan
Noong kami'y mauunti pa at mga lilimahin-aanimin o pipituhing gulang pa laang, maraning marani ay garne ang aming laro... Taguan kami palagi. Ang matindi nito'y kapag kabilugan ng buwan, ay di maliwanag sa gab-i... tapos maglalaro kami ng taguan ng aking mga pinsan at mga kababata kasama na ang aking mga kapatid. Di kami nama'y sa una ay ayos laang, tago-hanap, hanap- tago... Ay pag medyo mamalim na ang gab-i at medyo mga pagod na, ay naku ay kaawa-awa ang taya... Ay bakit kanyo? Ay magkakasundo ang mga magtatago na didiretso na sa kanikanilang basaysay at magsisiuwi na at bubuog na... yan gang pagod na nga... ay ito namang taya ay di hanap ng hanap ay wala namang makitang kahit na isa at nasa mga sari-sariling basaysay na nga, papaano bagang makikita pa ang mga yuon...Ay hanggang sa umuwi na rin na naatungal at pinag iwanang mag-isa... Minsan ay ako'y nabiktima din ng mga pinsan ko at mga kapatid... ah-ah ay pagkakabugnot ko...ay simula noon ay alam ko na kapag medyo malalim na ang gab-i at ako'y taya... ako'y diretso na ng patikar pabahay, hindi na ako naghahanap. Ay bakin pa baga ako maghahanap ay alam ko na rin namang mga nagpatikaran ng pabahay ang isa't isa...

Pero pag aking naiisip ang garne at ako'y nakakakita ng mga garneng larawan ay ako'y napapausmis at akin bagang naaala-ala ang king kabataan... Masaya kahit medyo mahirap...

15 May 2020

Magpatuli ka na Pinsan


Mahaba haba na rin ang nagiging home quarantine ng mga batangueño, nagkaroon pa ng extension kaya naman marami marami na rin ang medyo nababang-aw na sa loob ng kani-kanilang mga basaysay... ay bakin baga ayaw gunagunahin ang gar-ning pagkakataon na magkakasama ng matagal sa loob ng basaysay at ienjoy na laang at wag yung ang gagaw-in ay magbababag pa.... eh ay syang-sya na!!!

For More Videos:

Kapirasong Tabla                                               Walanghiyang Bata
Ako'y Tutula                                                       Bukayo At Pakumbo
Ang Holdaper                                                    Si Pinsang Karyo
Nung Ako'y Bata Pa                                          Bubot Pa Si Ligaya
Ang Daing Ni Luming                                        Ala-ala ng Kabataan
Pitakang Yari sa Purong Balat                          Balik Tanaw Ulit
Tigas Titig                                                          Lumang Tugtugin
Testigo Sa Korte                                                Kalahating Guhit
Binata Magsasaing                                            Nalalayuan Pa Ang Lagay Na Are
Ang Mamay Itong                                              Bagong Kasal
Si Makaryong Astig                                           Si Talyong At Vicente
Saying-sayi                                                        Loming Ibaan
Hinoldap                                                            Balik Tanaw Sa Kabataan
Santa Clara Song

Ang Pagbabalik ng Pusang Laog



Shout out sa mga naka Home Quarantine pa diyan... Are na ho ang inyong pinakahihintay na video...

For More Videos:

Kapirasong Tabla                                               Walanghiyang Bata
Ako'y Tutula                                                       Bukayo At Pakumbo
Ang Holdaper                                                    Si Pinsang Karyo
Nung Ako'y Bata Pa                                          Bubot Pa Si Ligaya
Ang Daing Ni Luming                                        Ala-ala ng Kabataan
Pitakang Yari sa Purong Balat                          Balik Tanaw Ulit
Tigas Titig                                                          Lumang Tugtugin
Testigo Sa Korte                                                Kalahating Guhit
Binata Magsasaing                                            Nalalayuan Pa Ang Lagay Na Are
Ang Mamay Itong                                              Bagong Kasal
Si Makaryong Astig                                           Si Talyong At Vicente
Saying-sayi                                                        Loming Ibaan
Hinoldap                                                            Balik Tanaw Sa Kabataan
Santa Clara Song

11 April 2020

Tigas Titig sa Bills

Tigas Titig sa Bills
Tigas Titig sa Bills
Ngalngal ang padale ng COVID-19 na are... Hibi at atungal ikaw dine pag sunod sunod ng dumating ang mga bills ng kuryente, ng tubig, ng telepono, ng kung ano ano pang pinag kakautangan ninyo, tapos darating pa yung magpapahulog na bombay at maniningil din sa iyo... ay luko ang aabutin mo.
Ang lagay eh tigas titig ka na laang sa papel na hawak mo.... ay walang trabaho eh... paaanhin!

Tuloy ang Bangi

Tuloy ang Bangi Kahit Basa ang Bunot
Tuloy ang Bangi Kahit Basa ang Bunot
Laban laang ng laban, walang sukuan... Pasasaan baga't lilipas din ya'an. Lagi ninyong alalahanain na hinding hindi tayo pababayaan ng Poong Maykapal...
Tuloy ang bangi kahit basa ang bunot...
Gay'an tayo eh, 'di ga? Kaya nga barako tayo eh...


Tuloy ang Bangi Kahit Basa ang Bunot

08 April 2020

Pagkatapos ng Quarantine

Pagkatapos ng Quarantine
Pagkatapos ng Quarantine
Ay hibi, pakilasa ko’y laglag ang petals mo dine... tigas titig ka na laang sa mga pangkalahatan bayarin...
Babayad ng kuryente, telepono, tubig... ay anhin ko ang tubig at kami’y may ayuda ni Kapitan, wala ng natulong tubig sa gripo eh.. ay di hanggang sa igib na laang... hindi na nga makahambo ng maayos ayos eh... Paano gang hindi aatungal ng lagay na are...
Sa pagkakabanas pang are ng panahon... Ay di ga’y parang lagi kang amoy sinaing na tulingan nareng lagay na are...

Suskupo Rudeh!!! 

Pagkatapos ng Quarantine

06 April 2020

Batanguenia Sleeping Beauty


Ay tinamaan ng magaling na yaan ah!

Ginawa ko na ang aking alam sa  paghalik ay hindi pa rin magising areng “Sleeping Beauty” na are...
Ang alam ko ayon sa aking nabasa ay kailangan laang ng isang halik eh, hindi nga laang iisa ang aking ibinigay at maigi-ige na yuong sigurado kaya dinalwa ko na, ay  baken baga ayaw pa ring magising?

Garne na laang ang gagaw-in ko,  kukuryentehin ko ito... sa paa.
Pag hindi pa ito nagising ay yaeh na... Diyan ka sa gubat... Ay paanhin...
Bugnot na bugnot na nga ako at pamihadong hinahanap na rin ako sa amin.
Inabot na ako dine ng dilim ay garine pa rin ang itsura.
Gising kung gigising.
Sabi nga sa amin ay, “Magsabi ng tapat at kung wala ay makalipat”

Gising kung gigising at kung hindi nama’y
ako’y uuwi na ng matulin-tulin... Barako man ako giliw,
pagdating ng dilim ay ako naman’y takot din
lalo’t nasa gubatan ang eksena natin...

Ah-ah ay baka may “Tikbalang” pa dine.

Batanguenia Sleeping Beauty, tikbalang


Kapit ng Mahigpit

Kapit ng Mahigpit
Kapit ng Mahigpit
Lockdown sa amin, bawal ang commercial flight kaya ako’y nakisabit na laang,  may meeting pa ako mamaya baka hindi ako umabot...
Hindi ko rin alam kung ano bagang klaseng flight are...
Saka takot ako sa loob, baka may sakay na may dala ng COVID-19... mahirap na.
Mahawahan pa ako... ah-ah ay biruin mong ang ibubuga niyang hangin ay sya ko ring  lalanghapin... ay di nagkahingahan na kami... Yaeh na, dine na laang ako sa labas kahit sabit, ay paano pa... uso naman yuon sa atin...
Kahit saang biyahe ay pwedeng pasabit sabit na laang....

Kapit ng Mahigpit, sabit sa tambor ng eroplano, higpiti ang kapit

Pinag-ong ng Mamay

Pinag-ong ng Mamay
Pinag-ong ng Mamay
Are na ang kailangan natin kapag ganitong lockdown... Pag may isang garineng kalaking “PINAG-ONG” ang makakasama sa relief good na ipapamigay ni Kapitan ay aabutin na are ng ilang linggo. Pag may dalwa ka nare ay palagay ko’y pandaleng pandale na... Pakisabing kontratahin na areng panaderong are... kakagaling gumawa ng pinag-ong eh...
Wag laang maraming paalsa at baka mabugnot ka laang. 
Pamihadong puro hangin ang laman...


Pinag-ong ng Mamay, turtle bread, tinapay na masarap

Eksena sa Jeepney 2

Eksena sa Jeepney 2
Eksena sa Jeepney 2
Pasahero: Boss, Jolibbee ho are.
Driver: Pasensya na ho, hindi ho ako si Jolibee.
Pasahero: Hindi ho!!! Magkano ho sa Jolibee?!!?
Driver: Depende sa value meal, sir.
Pasahero: Pucha... magkano ho pamasahe sa Jolibee?!!?!?
Driver: Sa pagkakaalam ko ho walang masahista doon eh...
Pasahero: Anak ng..!!!!! Magkano ho ibabayad ko
hanggang Jolibee?!!??!
Driver: Ahhhh !!! Ay sya... lampas na ho kayo.
Pasahero: @#*%#*^%@*#

Eksena sa Jeepney 2

Flattening the Curve

Flattening the Curve
Flattening the Curve
Ano ga areng palagi na laang naririnig na “Flattening the Curve?” Ay are pala yung sinasabing pagtaas ng graph ng mga bilang ng nahawahan ng COVID-19. Kailangang mapababa ang graph na yaan at ng matapos na itong home quarantine.
Kaya kung maaari ay tumimo na laang tayo sa ating mga pamamasaysay... At kung lalabas ay maglagay ng face mask...

Flattening the Curve,  wear face mask, stay at home, iwas covid-19

Bitin sa Pakpak

Dadayo ng Lawig
Dadayo ng Lawig
Naku si Ate ay nakalantak ng layas sa kanila...
Hindi pinasakay sa loob ng eroplano...
ay di nakiangkas na laang sa makina... sabit pa.

Magiting-giting din nga areng si Ate...

Dadayo pala sa lawigan ay hindi nagpaalam ng mahusay-husay...
ay di gay-ang  pasabit-sabit na laang sa pakpak...
Ay kapit ng husay at baka mahulog...
Sayang ang damit este sayang ka naman ate... Wag titingin sa ibaba at baka malula...


naglayas, lumayas si ate, nakisabit, bitin sa pakpak

Pangarerang Elepante

Pangarerang Elepante
Pangarerang Elepante

Sige pakaigihen ninyo, basta ako’y dito  ang taya palagi sa  elepante ko... gaano ga 
kagaling ang hinuso ng mga kabayo ninyo... Areng elepante ko’y mansung manso kaya
palagay ko’y wala pang tatalo dine sa karera... ang training nare ay pitong araw
sa isang linggo bukod pa duon ang over time... ay paano ga naman kayo mananalo?

Pangarerang Elepante, elepante ang alaga ko, matulin ang takbo ng elepante, panalo na ako

Bagong Tulay Design

Bagong Tulay Design
Bagong Tulay Design
Are ang dapat dito sa atin sa Pilipinas... Tamang tama are sa mga mareklamong taong wala ng ginawa kundi rumeklamo ng rumeklamo. Bakit kanyo maganda are para sa atin? Aba ay bukod sa may tulay ka na, may magagandang tan-awin ka pa at kasama na ang amusement... May kaunting pampaliyo baga.. Ah-ah ay para ka na rin naring nakapunta sa amusement park at nakasakay sa roller coaster... Palagay ko nama’y kung may mga mareklamong motorista pa sa atin kapag garne na ang tulay ay  dapat nang ihulog sa tulay na are...Pag iya’y subsob sa tubig at dagasa na sa pagbagsak eh, maintindihan sa mga iyan.
Suggestion laang ho, gaw-in are sa proyektong tulay sa Mindoro-Batangas

Bagong Tulay Design, tulay na may amusement park, pampaliyong tulay

05 April 2020

Positive si Kumpare


Mas mahigpit pa are kaysa CORONA VIRUS...
Hindi kayang sabanahin ang galit ni Kumare...

Paano gang makakapag quarantine nareng padaleng
are... ay pinalayas na ako eh.. ng malamang positive ako... hindi sa
COVID-19...


Positive na may ibang GILIW...

Ah-ah!!! Ay husay ka giliw...
Maige-ige kung mga damit laang ang itinatapon, ay may kasamang
dumbbell eh...
Basag ang bungo mo dine pag inabot ka... 
Ilag-ilag at baka tamaan!!!

Positive si Kumpare, galit si kumare, lumayas ka...iwas quarantine

Dalangin At Dasal

Dalangin At Dasal
Dalangin At Dasal
Get well soon po sa mga nagkasakit ng dahil dito sa COVID-19, at doon naman po sa mga nasawi, nawa'y patnubayan ng Poong Maykapal ang kanilang mga mahal sa buhay at bigyan ng lakas ng loob na mapagtagumpayan ang ganitong sitwasyon...
Dagdagan pa po natin ang ating panalangin sa Poong Lumikha upang tayo ay Kanyang marinig at ng matigil na ang pagkalat ng pandemic na ito...

Dalangin At Dasal 
ang samo at hiling 
gumaling na sana lahat
nagkasakit dahil sa covid-19

Bakit Mo Ako Pinabayaan

Bakit Mo Ako Pinabayaan

Bakit Mo Ako Pinabayaan


Sa edad diseotso (18) hindi na garineng ka-cute kapag
galit ang lalaking anak mo... Yan ay maghahanap na ng barako,
maghuhurumentado at malamang ibalibang ka pa sa labas ng
bintana ng bahay mo. 

Yun ay kung hindi mo mapapalaki ng 
ayos at magalang ang anak mo.

Ay aantayin mo gang magkagay-on, di ga'y hindi na... Ang gagaw-in mo ngay-on ay susubaybayan mo na at papalakihin ng maayos at magalang ang anak mo, may kababaang loob, masinop, at matiyaga... Yun ay dapat nakikitang lahat sa iyo... Sabi nga eh, "Kung anong puno ay di syang Bunga".

Bakit Mo Ako Pinabayaan, 
Sibangot, Nakasimangot, Galit na Bata
Batang Galit